Chapter 4

963 Words
Nakapasok na siya sa University. "Sissy! Huuuy! tawag ni ashley na pabulong. "ah , eh. bakit? - sagot ni mia ng matauhan mula sa pagkakatulala. " may problema ba? - tanong ng kaibigan nia. " Medyo, mamayang hapon kasi iniisip ko ang pag tututor ko. " nakapalumbaba itong nagsasalit. "Eh? kung ako lang biniyayaan ng angking talino sis, hindi problema sakin ang magtutor sa isang gwapo no! - nakangiting sambit nito " hay! sana nga ako nalang ikaw. napakadali mong magtiwala sa lalaki. - " " alam mo sis, hindi naman kasi lahat kagaya ng daddy mo, hindi mo alam baka may malalim na rason kung bakit sila naghiwalay ng mama mo diba? hindi mo man lang ba sinubukan itanong sa mama mo ang paghihiwalay nila? - seryosong tanong nito. huminga muna ito ng malalim bago sumagot. " h..hindi! ayoko mag open niyan kay mama. ayokong ibalik siya sa nakaraan. okay na sakin na hindi namin mapag uusapan ang tatay ko. basta makapagtapos ako at makapagtrabaho para ibigay ko ang lahat lahat kay mama. masuklian ko lahat ng paghihirap niya. *** uwian na ngayon. nasa labas na siya ng gate, ng may humintong kotse sa harap niya. Hindi na bago sa kaniya kung sino yun dahil kilala na niya ang kotse ni bryan. " lets go? - nakangiting sabi ng binata habang naka dungaw sa bintana ng kotse. " a. ano kasi! may pupuntahan pa ako. " Halika na , ihahatid na kita sa pupuntahan mo. " h..Hindi na oka--- " Iha, ikaw ba si Mia?? Napalingon siya sa isang kotse na huminto sa gilid niya. " o..opo! sino po kayo?? takang tanong niya rito. "Ako nga pala si mang domeng, sumabay kana sa amin, diba dun din naman ang punta mo. Sabi ni brixx ay ikaw ang tutor niya. - Habang sumusulyap sa bandang likod. napamaang si mia. hindi niya akalain na nai-kukwento na agad sia ni brixx sa driver nito. " asige po. " Bryan sa kanila na ako sasabay. Pasensya na ah. - ngumiti siya dito at kumaway pa. sumakay sia sa bandang likuran ng kotse. sa kakatingin nia kay bryan ay hindi na niya napansin na may katabi pala siya sa upuan. " you're boyfriend?- lumingon sia sa tabi niya at nakita nia si brixx na seryoso at diretso lang ang tingin sa daanan. " no, bagong kakilala lang. "from now on, sasabay kana samin sa pag uwe. si mang domeng narin ang maghahatid sayo pagtapos ng trabaho mo! - mariing sabi nito. " Okay - nakangiting sabi niya rito.. Nang makababa ng kotse pinaikot ikot ni mia ang tingin sa paligid. Manghang mangha siya sa ganda nito. malawak ang garden. Malinis at kaaya aya ang lugar. Kahit sino siguro ang makakita noon ay mapapahinto sa ganda ng paligid. " ibang klase napakaganda dito. Bulong nia sa sarili. " lets go inside. yaya ni brixx. naupo siya sa sofa at hinintay muna si brixx na lumabas paalam nito sa kaniya ay magbibihis lang. nang makalabas ito ay sinimulan na niyang ilabas ang mga lesson na inihanda nia para sa binata. parang timang ang lalaking ito na humiga pa sa katapat na sofa at nag cellphone. halatang ayaw makisama sa kaniya.. panay na ang explain niya at paliwanag sa lalaki pero parang hindi ito nakikinig at walang balak makinig sa kaniya " brixx , pwede ba? Makisama ka naman! wag mokong pahirapan. para sayo naman tong ginagawa ko! - sigaw niya sa galit. Madilim at galit itong tumingin sa kaniya. "Im tired! now kung pagod kana rin ay umalis kana! sa inis ay iniwan niya ito. unang araw palang ay parang gusto na niyang sukuan ang lalaki. wala talagang pakialam sa pag aaral." paano kaya ito naka graduate? siguro ay ginamit ang pera para magka diploma!" bulong ng isip niya habang nakahiga sa kama nia. **** Lumipas ang isang linggo at walang pagbabago si brixx. panay ang turo niya dito pero wala pa rin pakialam sa kaniya. Sa ikalawang linggo ng pagtuturo niya ay parang gusto na niyang sumuko , napapagod na siya at kung minsan ay masakit din itong magsalita. " Brixx, please. " What? - seryosong tanong nito " please makisama ka naman kasi walang pupuntahan tong ginagawa ko kung hindi ka makikinig at magseseryoso. " Pwes! Sumuko kana mia! Wala ka naman talagang mapapala dahil wala akong pakialam sa ginagawa mo! " Mahalaga kasi sakin tong ginagawa ko! kung sayo wala lang to sakin mahalaga to! " mahalaga? Alin? yung salary at allowance na binibigay sayo ng parents ko? tanggapin mo lang ng tanggapin wala akong paki alam hayaan mo ako sa gusto kong gawin hindi na ako bata mia! Hindi na siya nakipagtalo pa. ngayong araw ay nag walk out nanaman siya , ngunit sa pagkakataong ito ay wala si mang domeng sa labas para ihatid siya. naupo muna siya sa isang gilid ng garden para hintayin ito. Habang nakaupo ay umiiyak na pala siya. Masyadong masakit ito magsalita. pero sa kabilang punto ay naisip niya na tama naman ito. Tinanggap niya ang alok ng dad nito dahil sa pera. Wala siyang choice dahil kailangan niya talaga ito. maya maya ay nakita niyang papalapit si brixx sa kaniya. "anong drama yan? - nanjan na si mang domeng makakaalis kana! aalisnna sana siya nakailang hakbang palang at humarap ulit siya dito. " brixx! alam mo turuan mo yung sarili mo rumespeto! tsaka maswerte ka nga gagawin lahat ng magulang mo para makapagtapos ka lang! alam mo ba hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataon makasama ang ama't ina nila? Malas lang nila at ikaw ang naging anak nila. Hindi na niya hinintay na sumagot ito at , tuluyan na siyang umalis. Hindk narin ito sumagot, sa isip isip niya ay natauhan na siguro sa mga sinabi nia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD