Chapter 3

815 Words
Ohh! ayan na pala ang boyfriend mo ganda! sabi ko naman sayo.susunduin ka niyan ulit. hinanap ka kasi kagabi. sambit ng amo niya habang nakatingin sa likuran niya. Sinundan niya ang tinitingnan ng amo at kitang kita niya mula sa loob ng bakeshop ang lalaking nakatayo sa labas ng kotseng pula. natawa siya ng makita si bryan. Si bryan na inakala ng amo niya na nobyo niya. " Mam , hindi ko po boyfriend yan. Friend lang po. natatawa niyang sabi rito. " ah, ngayon ko lang siya nakita. dati rati naman ay walang sumusundo sayo. "Bagong kakilala ko lang po kasi sya sa university na pinapasukan ko. Hindi ko rin nga po akalain na dadaan siya rito. Sige po mauna na po ako mam. Paalam niya sa amo. naglalakad siya palapit sa binata habang nakangiti lang itong nakatingin sa kaniya. Hindi narin nga yata napansin na nakalapit na siya. "HUYYY! Bryan! tulala ka na. anong ginagawa mo dito? - parang nagulat pa ito. " Ah, yayayain sana kitang kumain sa labas. napakamot pa itonsa batok na parang nahihiya. " Gabi na ah , tumingin muna sia sa relo niya. 7:30 na hindi kaba hahanapin sa inyo? taning niya sa binata. " hindi naman , gusto lang sana kitang yayain kumain sa labas kahit saglit lang. Pleaaseeeee? itsura neto ay parang nagmamakaawa. sabagay ay mabait naman ang ipinakita sa kniya ng lalaking ito kahit bago palang sila nagkakakilala , di na siya nagdalawang isip sumama. wala rin naman kasi siyang nararamdamang malisya sa lalaking ito. dinala siya sa isang malaking restaurant . ang ganda at ang daming masasarap na pagkain. pakiramdam niya ay nasa mansyon sia sa laki ng restaurant na iyon. " Ibang klase talaga ang mayayaman ' Bulong niya sa isip. " anong gusto mong kainin mia? tanong nito habang nakatingin sa menu. Hindi mapakali si mia. - ayaw niya sa gantong lugar. nahihiya siya. Pakiramdam niya ay hindi siya nababagay sa lugar na yon. ang sosyal ng mga babaeng nandoon. habang siya ay naka suot ng black pants at white T-shirt na bakat na bakat ang magandang hubog ng katawan niya. ni hindi man lang kasi siya nakapaghanda o nakapagbihis hindi naman niya expect na may ganto palang eksena. " Mia? mahinang tawag sa kaniya ni bryan. anong gusto mong kainin? " ah bryan pwede bang sa tusok tusok tayo kumain ?? mas masaya yun. Mas exciting. Nakangiting sambit niya rito. " anong tusok? saan? " Basta, sumama ka nalang. hahanap tayo kung san meron dito. O kaya try natin mag punta sa plaza malamang meron don " whaat? gulat na sabi nito. " ayaw mo yata ?- okay, lets go! hindi ko pa na try yan. pero dahil don mo gusto e, kung san mo gusto dun tayo. Maya maya pa ay nakita ni mia mula sa bintana ng kotse ang nakahileranh ihaw ihaw , kickiam pop egg, lahat ng klase ng tuhog nandon. " I park mo na dun tayo kakaiin. " excited na sabi ni mia habang pumapalakpak pa. nakita naman niya na tumatawa na naiiling sa kaniya ang Binata. Agad niyang hinila ang lalaki at tinuruan niya ito kung paano kumain ng isaw. " oh, luto na! isawsaw po sa sauce o kaya sa suka tsaka mo kainin. Promise masarap yan " sabi niya sa lalaki habang ginagawa ang sinabi niya. Ginaya naman ito ng lalaki. " Natatawa si mia sa itsura nito naka ilang lunok muna bago sinubukan kainin ang isaw. pero hindi talaga nito kayang kainin kaya nagmamadali itong uminom ng tubig na dala niya. " Sorry! akala ko magugustuhan mo. masarap kasi yan para sakin. yan ang madalas kong i ulam. malungkot na sabi ni mia. " Its okay, nextime ako naman ang pipili kung san tayo kakain okay? don't worry hindi ako galit. mahinahong sagot naman sa kaniya ni bryan. tumango nalang siya. Maya - maya ay inuwe na siya nito sa dorm niya. pinauwe narin niya ito at hindi na niya inalok na pumasok sa dorm. dahil gabi na hindi maganda tignan na magpapasok ng lalaki sa dorm ng ganung oras. Humiga muna siya sa sofa at nag muni muni. "Ibang klase talaga ang mayayaman , parang simpleng isaw lang hindi makain kain , na disappoint ako dun ah naturn off ako. gusto ko kasi yung lalaking sabay sa flow walang arte go lang ng go. " sabi niya sa sarili. Ano ba naman tong nasa utak ko bakit nag iisip ako ng lalaki " panay ang salita niya habang sinasampal sampal ang sarili na akala mo nasiraan na ng bait. maya maya ay naalala niya ang pag tutor niya na magsisimula na bukas. "hays kailangan ko ng matulog , kailangan i-refresh at i-ready ko tong utak ko. Hoy utak gumana ka bukas baka tatanga tanga ka. trabaho yan trabaho! kahit sabihin pa natin na gwapo yung itu-tutor mo! saway niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD