SABADO ngayon, kaya maagang nagising si mia para makapasok ng maaga sa bakeshop.
Palabas na sana siya ng biglang may kumatok sa pinto.
agad niya itong binuksan at iniluwa non ang babaeng may ari ng dorm na tinitirahan niya.
Kinausap siya nito , 2 buwan narin kasi siyang hindi nakakabayad. Minsan kasi ay hindi siya nakakapasok sa bake shop dahil hindi nagbubukas ng shop ang boss niya kapag masama ang pakiramdam nito.
Kaya imbis na may ipon siya ay kinukulang pa.
Malaki laki rin ang sinasahod niya sa bake shop dahil doble kayod sia roon, minsan ay siya ang nag be - bake at sinasabay niya narin ang pagiging tindera at waitress. all around na siya sa bakeshop kaya naman mas malaki ang sahod na ibinibigay sa kaniya dahil kita naman ng boss niya ang kasipagan niya sa trabaho at alam din ng boss niya ang pangangailangan nito.
Kinausap niya ang may ari ng dorm na bigyan pa sya ng dalawang linggong palugit para makabayad.
Mabait naman ang may ari. pinagbigyan ulit siya pero sinabi nito na kapag hindi nakapag bayad ay wala itong magagawa kundi ang paalisin siya dahil unfair naman sa mga iba pang nangungupahan doon.
pagtapos nilang mag usap at diretso na syang pumasok sa bakeshop.
hindi siya nakafocus sa trabaho at kung maya maya ay tulala.
agad naman itong napansin ng amo niya , dahil hindi naman sya ganoon , dati rati ay magiliw at masigla siya pero ngayon ay parang pinagsakluban ng langit at lupa.
" ganda, okay ka lang ba? nako wag kang sisimangot ikaw pa naman ang pinaglilihian ko gustong gusto ko nakikita ang maganda mong ngiti kapag nandito ka sa shop ko. - pag aalo nito sa kania. may problema kaba? kung may itutulong ako sabihin mo lang saakin.
sobrang bait talaga ng amo niya , akalain mo kahit buntis ay iniisio parin ang mga tauhan , at willing pa siyang tulungan.
" wala po, puyat lang ako mam hilda. sagot niya habang pilit na ngumiti .
ayaw niyang sabihin ang problema niya lalo na at pera ang pinag uusapan dito.
" sige , sabi mo yan. basta kung may kailangan ka. wag ka mahihiyang magsabi. - sagot nito baka umalis at nagtungo sa counter.
matapos ang trabaho ay agad na umuwe si mia. naka upo sia sa mesa nagtimpla ng kape. wala siyang balak kumain dahil wala siyang gana. busog na siya sa kakaisip ng problema kung saan kukunin ang pangbayad ,
ng bigla niyang maalala ang alok ng daddy ni brixx , yun nalang ang tanging paraan kahit na ayaw niyang makasama ang lalaki at ayaw niyang ma stress dahil mukhang matigas ang ulo.
nag isip siya ng mabuti , huminga ng malalim bago binuksan ang wallet at tumambad sa kaniya ang calling card ng daddy ni brixx.
ilang minuto niya itong pinag masdan. inisip niya na kapag tinanggap niya ang alok nito ay tapos ang lahat ng problema niya.
kinuha niya ang phone niya tsaka nag isa isang dinial ang numerong nakasulat rito.
HELLO? who's this? Boses mula sa kabilang linya.
" aa..ahhm ako po si mia , ako po yung---"
Hmm, mia ikaw pala , nakapag disisyon kana ba iha sa offer ko sayo? tanong nito na hindi pinatapos ang sasabihin nia.
" O..O. opo.OPO! kailan po ba ako mag sisimula?
" Ikaw ang bahala iha , gawin mo ang lahat para tumino at matuto ang anak ko. matanda na siya. 22 years old na siya hindi na siya bata. siguro ay magsusumikap siya at mahihiya na isang dalaga pa ang tutor nia.
kahit gabi kung kailan ka free , puntahan mo siya dito isesend ko sayo ang address ng tinitirahan namin. isa pa idadagdag ko rin sa trabaho mo na bantayan siya sa university sabihin mo sakin kung ano ang mga hindi magandang ginagawa. lagi akong tatawag sayo kapag nasa amerika na ako. dadagdagan ko nalang ang allowance na ibibigay ko sayo kahit magkano. Gawin mo ang ang lahat ng sinabi ko. Okay?
"yes po sir,..
"Bye iha. putol nito sa tawag.
Mukhang mabait naman ang daddy nito.
Hindi katulad ng mommy ni brixx na parang bumubuga ng apoy sa katarayan. pakiramdam niya ay may ibang ugali ito kahit isang beses palang niya itong nakita.
biglang pumasok sa isip niya ang naging disisyon.
lunes ay uumpisahan na niya ang pag tutor sa binata.
pinag planuhan niyang mabuti kung anong oras at ilang oras ang ilalaan niya rito.
"siguro naman ay okay na ang 2 hours para sa 1 subject. everyday ay 1 subject ang gagawin ko para mas madali." Sabi niya sa isip.
Habang nakahiga at nakatingin sa kisame ay biglang tumunog ang phone niya. muntik pa siyang mapatalon sa gulat.
"Sh*t! bakit ba ang lakas ng volume neto!
pagdadabog niya habang inaabot ang cellphone sa sidetable na malapit sa kama niya.
nakatanggap siya ng message at nakasaad don ang address ng tirahan nila brixx " nakalagay din don na sumakay siya ng taxi at babayaran nalang kapag naihatid na siya.
nag reply naman siya dito na lunes siya magsisimula mag tutor at ipinaliwanag nya rin na hindi siya pwede ng sabado at linggo dahil meron syang sideline sa bake shop.
Mabuti nalang at mabait ang daddy nito at naunawaan siya.
ARAW NG LINGGO...
nasa bakeshop siya at masayang nakikipag kwentuhan sa kaniyang amo habang inaamoy amoy ang mga bagong bake na cookies.
" Ganda, mukhang wala kang problema ngayon ah. Hindi kagaya kahapon. Okay na ba kayo ng boyfriend mo? tanong ng amo niya na ikinagulat nia.
" po? wala naman po akong boyfriend.
" hmm, nako ganda , wag mo ng ilihim. hinahanap ka nga dito kahapon susunduin ka yata. sinabi ko na maaga kita pinauwe. Tinanong rin niya kung papasok ka ngayon. Sinabi ko naman oo , baka mamaya sunduin ka ulit. nakangiting tugon pa ng amo.
bakas ang pagkagulat at pagkabigla sa kaniya ,parang nag freeze ang buong paligid sa narinig. Walang kahit sinong lalaki ang pumasok sa isipan niya para sunduin siya. wala namang nakakaalam kung saan siya nagtatrabaho, bukod kay ashley. isa pa kung si ashley iyon ay hindi naman mukhang lalaki ang kaibigan niya.
Nagkibit balikat na lamang siya at huminga ng malalim bago itinuloy ang pagaayos ng mga cakes at cookies sa stante.
Ilang oras din siyang nagtrabaho. Hindi naman siya napagod at haggard dahil sa counter siya nilagay ng amo matapos nyang madisplay ang mga cakes at cookies. nagpahinga kasi ito at sa kaniya lang bukod tangi ipinagkakatiwala ang pagbabantay sa counter.
nagpaalam na siyang umuwe pero , nagpahintay ito.
Maya maya ay lumabas sa maliit na silid sa bakeshop na may dalang 1 pack ng chocolate cookies.
" Eto ganda o, tikman mo. Imported yan. bigay din samin ng asawa ko. masyadong marami kaya pinapamigay ko rin hindi ko naman mauubos ang mga yan. Nakangiting sambit nito. pagkatapos i abot sa kaniya ang isang pack ay isa isa ding inabutan ang tatlo pang babaeng kasama niya sa trabaho bago siya binalikan ulit.
sige ganda uwe kana see you nextweek.
"salamat mam. salamat din po dito sa cookies. masyado niyo na po akong sinasanay sa mga pabaon niyo sakin. Namimiss ko tuloy ang mama ko ganyan din kasi siya mag alaga saakin. Nakangiti pero malungkot niyang sabi.