Kumikinang ang kristal na bintanang salamin mula sa two-storey na bahay ni senator Jovan Hall. Maliwanag ang buong bahay sinyales na may kasiyahan na nagaganap. Marami ring naka linya na mamahaling sasakyan sa labas ng bahay nito. The night felt surreal. Kung ipipikit lang ni Andress ang mga mata, ang ma i-imagine niya ay ang masayang holidays na kasama niya ang mag-amang Jovan at Jake. Samantalang si Giana naman ay tahimik lang na nakaupo sa passenger seat at kanina pa walang kibo. Sinabihan nga niya ito na tawagan ulit si senator Santillano pero tumatanggi ito. Kinatok na niya ang pintuan at agad naman silang pinagbuksan ng tauhan ng senador. Kilala siya nito dahil ito ang pinakamatagal na tauhan ng huli. "Chuck, kasama ko si Miss Rodriguez." Tumango-tango lang ang matandang lalaki

