bc

Tough Hunks Series 2 : Andress The Dauntless

book_age16+
1.3K
FOLLOW
5.0K
READ
spy/agent
alpha
decisive
brave
bxg
mystery
male lead
sassy
Writing Academy
bodyguard
like
intro-logo
Blurb

Isang matapang na katipunero kung tawagin si Andress Damazo. Ngunit magsilbi kaya ang angking katapangan nito kung mababahag naman ang kanyang buntot pagdating sa babae. At dahil nga sa mapaglarong palad, naging instant guardian siya sa isang seksing tiyahin at cute na pamangkin. Pero papano kaya haharapin ni Andress ang nakaambang panganib dahil sa pagprotekta niya sa magtiyahin?

Hanggang kailan kaya niya kayang protektahan ang mga ito, lalo na't kahinaan nito ang isang babae at mas lalong hindi niya mapipigilan ang tantrums sa special child nitong pamangkin.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Biyernes ng gabi Ang malas niya talaga. Kinuha ni Giana ang kanyang cellphone mula sa kanyang bag..ang kanyang basang-basa na cellphone. What a day? Nang dahil sa selos ng asawa ng kanyang boss kaya heto siya, basang-basa sa ulan este beer pala. Happy hour at the Barkada sports bar was supposed to have been a celebration. Her celebration, dahil malaki nga ang quota niya kaya nilibre siya ng kanyang boss kasama ng mga katrabaho niya. "Giana the Competent" ang bansag sa kanya ng mga kasamahan, had done something right at Merez Advertising. Not only she had done something right, but she had done something incredibly right and landed the biggest account the firm had on board. Malas nga lang niya dahil pinagselosan siya sa asawa ng kanyang boss at tinaponan siya ng tigre sa malamig na beer. Kaya heto uuwi na lamang siya ng maaga. Sa lahat ng kasamahan niyang babae siya lang naman ang pinagseselosan nito. Nalaman rin kasi ng asawa nito na nanligaw sa kanya ang kanyang boss, noong binata pa ito. Pero kung ganon palagi ang ugali ng asawa nito, hindi talaga siya magtatagal sa firm na iyon. At kung magre-resign nga siya, isa siyang kawalan sa kumpanya. Grrr..sa lahat pa na pwedeng mabasa, yong bago pa niyang bili na iPhone ang nataponan ng beer. Kainis! Nagulat nalang siya ng biglang tumunog ang kanyang phone. Gumagana pa pala. Good thing. Pinahid muna niya sa kanyang basa ring blouse ang LCD screen bago sinagot ang tawag. "Hello? Hello?" pagtingin niya sa cell phone, missed call na pala. Pero tumawag ulit ang unknown caller, kaya agad niya itong sinagot. "Hello?" "Eto po ba si Ms. Giana Rodriguez?" "Yes." "Ms. Rodriguez, ako pala si Andress, kaibigan ako ng kapatid mong si Ara. Alam mo ba kung saan siya naroroon?" "Si Ara? Siguro nasa kanyang bahay siya ngayon." "Pero wala siya." Despite the certainty of his tone, she asked. "Sigurado ka? Ang ibig kung sabihin, tumawag ka ba sa bahay nila? Kung tumawag ka nga, baka hindi lang siya sumagot dahil abala siya sa pag-aalaga ng anak niya." Behind Giana, the bar's door opened and music poured out, tuloy hindi na niya naririnig ang sinabi ng lalaki sa kabilang linya. "Nandito ako ngayon sa bahay niya. Kasama ng anak niya." "I'm sorry hindi kita marinig. Ano nga ulit yong pangalan mo?" "Andress Damazo. Ms. Rodriguez kung naririnig mo ako. Gusto kong sabihin sayo na nawawala ang kapatid mo. Hindi pa kasi siya umuuwi sa kanyang bahay hanggang ngayon." Malinaw na ngayong naririnig niya ang pinagsasabi sa kanya ng lalaki dahilan sa panlambot ng mga tuhod niya. "Hindi yon gagawin ni Ara." A stupid thing to say but the only comment she could manage at the moment. May mali yata. Hindi maaring mawala si Ara. May anak itong maiiwan, at alam niyang responsableng ina ito kay Aedan. Kahit na single mom ito, pero kailanman hindi nito pinabayaan ang anak. "Tumawag ka na ba ng pulis?" tanong ni Giana. "Oo, pero paaabutin pa kasi nila ng bente kwatro oras bago nila hahanapin yong nawawalang tao." She and Ara hadn't talked much lately, simula noong nagkatampuhan silang magkapatid. Kahit nga nag reach out sa kanya ang kapatid pero inignora lamang niya ito dahil sa kanyang pride. She'd quit calling her sister. Nagi-guilty tuloy siya. Nong huli nilang pag-uusap ay... two months ago na yata. "Di ba sinabi mo na kaibigan ka ng kapatid ko? Kung kilala mo nga siya, di ba hindi naman siya aalis na basta-basta nalang?" "Sang-ayon ako, pero ano naman ang sasabihin ko sa mga pulis? Na kapatid niyo rin ako?" Tumango siya kahit hindi naman siya nakikita ng kausap niya. But his reasoning made sense. Mas kapani-paniwala kasi kung magpablotter man ito na kapatid siya sa nawawala, kaysa sabihin nito na kaibigan lang siya. The thought of her sister missing was so unbelievable that she was having difficulty wrapping her mind around the concept. Ano kaya ang nangyari sa kapatid niya? Napaka pasaway pa naman niya sa ate niya. Lagi lang niya itong binibigyan ng sakit sa ulo. At ngayon nawawala ito, wala man lang siyang magawa. Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. "I'll be there as soon as possible." "Good." sagot ng lalaki. "Andress ang pangalan mo, di ba? May mga katanongan pala ako sayo." "Sasagotin ko ang mga yan. Basta pupunta ka dito ngayon na." tugon pa ni Andress. "But I don't know what the flight schedule will be from Manila to Legazpi. I'm not sure if I can get out tonight." Kumuha naman siya ng isang pirasong papel at ballpen sa kanyang bag. "Bigyan mo nalang ako sa numero ng police station, tatawagan nalang kita mamaya." Agad naman niyang inilista sa pirasong papel ang binigay sa kanya na numero ng lalaki. "Siyangapala, kumusta na ang pamangkin kong si Aedan?" "Ayos lang naman siya. Giana..ngayon ka mas kailangan ni Ara." sabi pa ni Andress at pinutol na nito ang tawag. Ibinaba na rin ni Giana ang kanyang phone. Ang huling sinabi ng lalaki ay ang mas ikinagulat niya. Ngayon ka mas kailangan ni Ara. Ano kaya ang ipinahiwatig nito? *****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.7K
bc

EASY MONEY

read
174.5K
bc

Dangerous Spy

read
299.2K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.0K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.8K
bc

YOU'RE MINE

read
894.1K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook