Chapter 2

962 Words
Balot sa kadiliman ang sumalubong kay Giana pagdating na pagdating niya sa bahay ng kapatid. Pero wala siyang pakialam dahil ang mas higit na inalala niya ay ang kapatid. It had been more than twenty-four hours since she'd first spoken to Andress Damazo. Hindi kasi siya agad nakakuha ng flight at na delayed pa ito. Pero bago siya umalis ng Maynila, tinawagan muna niya ang estasyon ng pulis kung saan nagpapablotter yong si Andress. Kinumpirma kasi niya kung totoo nga ang pinagsasabi sa kanya ng lalaking iyon. Sa taxi pa lang ay kinakabahan na talaga siya, how much more ngayon na nag-iisa lamang siyang tumulak sa madilim na bahay ng kapatid. Malayo rin kasi ang mga kapitbahay nito. Even from her sister's front porch, the sorroundings felt spooky. Nakakatindig balahibo talaga. Bakit ba sa lahat na pwede nitong tirahan ay dito pa napili ng kapatid niya na tumira sa isang lugar na malayo sa sibilisasyon? Gosh! She can't live with it. Was anyone even here? Bakit parang wala? Siguro nakatulog na ang Andress na iyon at si Aedan, o di kaya dinala nito ang pamangkin niya sa bahay nito. Hindi rin kasi niya muling tinawagan ito matapos itong tumawag sa kanya. Mas inuna kasi niyang tawagan ang police station kaya nalimotan nalang niyang tawagan ulit ang lalaki. Kung tatawag naman siya ngayon ay huli na, malalim na kasi ang gabi. She knocked on the door, rang on the bell but heard nothing. Matapos ang tatlong minuto na wala pa ring nagbubukas sa kanya, naisip niyang baka wala ngang tao o di kaya nakatulog na ang mga ito na parang mantika. Bahala na, gagawa nalang siya ng paraan para makapasok. Pero bigla naman niyang naisip ang ginawa ng ate Ara niya sa tuwing tumatakas siya sa gabi para mag night out. Mahigpit kasing pinagbabawal ng parents nila noon ang paglabas sa gabi. Kaya ang ginawa ng ate Ara niya ay inilagay nito ang susi sa paso para makapasok pa rin siya sa kanilang bahay kahit madaling araw na. Nagbabakasakali naman siya ngayon na may inilagay ngang duplicate ng susi ang ate niya sa isa sa mga paso roon. Tumpak! Dahil may nahanap nga siyang susi. Unlocking the door, she stepped over the threshold. "Hello? Anybody home?" Umalingawngaw ang boses niya dahil sa katahimikan ng lugar. She stood there a moment, but no one answered. Kinapa-kapa niya ang switch ng ilaw hanggang sa ma locate niya ito. Amoy ng vanilla naman ang sumalubong sa kanya pagkabukas niya sa ilaw. Hmm..Vanilla.. Ara loved those sweet-smelling scented candles and burned them year-round. Napatanto niyang parang normal lang naman ang lahat. Ipinikit na lamang niya ang mga mata at inimagine niya na isa lang ito sa tipikal na pagbisita niya. Dumiretso naman siya sa kusina at nakita niya sa sink na may mga pinggan pang hindi nahuhugasan. But still, the house felt empty. Umakyat na siya sa itaas dahil nagbabakasakali pa rin siyang natutulog lamang sa kwarto sina Andress at Aedan. Kwarto ng kanyang ate ang nasa una kung kaya ito ang una niyang binuksan. Pagpasok niya as expected madilim ito, kaya kinapa-kapa na naman niya ang ilaw hanggang sa matunton niya ito. Pagkabukas ng ilaw, laking gulat nalang niya sa mga nakikita. "Oh my God!" sambit niya at napatutop na lamang siya sa kanyang bibg. Sobrang gulo kasi ng kwarto na parang dinaanan ng malakas na bagyo. Ang mga drawers ay nakabukas at nasa sahig ang iba pang laman nito. Magulo rin ang kama, at ang matindi pa ay lasug-lasug ito na parang tinadtad. Ang dalawang lampshade naman ay nasa sahig at basag-basag ang mga bombilya nito. Nagkalat rin pati ang mga papeles ng kanyang ate sa sahig. The bathroom was worse also. Basag kasi ang lahat ng botilyang gamot na inilagay ng kanyang ate sa medical cabinet. Pira-piraso na rin ang malaking salamin sa banyo na parang pinalo ito ng paulit-ulit. Pakiramdam nga niya parang tumindig ang ilang hibla ng kanyang buhok sa takot, kaya inisip na lamang niya na ito ay isang panaginip. Pero hindi eh, totoo talaga ito, sabi niya sa sarili at hinay-hinay siyang napaatras palabas ng banyo. Saka siya tumakbo palabas sa kwarto ng kanyang ate. Pababa na sana siya sa hagdan nang maisip niya ang pamangkin. Hindi pa kasi niya na che-check ang kwarto ni Aedan. Kaya naglakas-loob siyang bumalik para silipin ang kwarto ng pamangkin. Pagbukas niya sa kwarto ni Aedan ay sumalubong naman sa kanya ang liwanag ng dalawang lampshade. She saw that the contents of his room were undisturbed. Pero bakit sa kwarto lang ng kapatid niya ang sobrang gulo kung pinasok nga ang mga ito ng masasamang-loob? Kailangan na ba niyang tumawag ng pulis? Tama. Tatawag nga siya ng pulis. Kaya lang napako ang dalawang paa niya sa kanyang kinatayuan, at sa halip ay sinuri niyang mabuti ang nasa loob ng kwarto. The only thing out of place here was a stuffed dinosaur on the floor. At kung pagmasdan niya ang iba pang kagamitan sa loob ng kwarto ni Aedan, parang hindi naman ito nagalaw. Lumabas ka nalang diyan sa bahay Giana, sabi ng isang bahagi ng kanyang utak. Pero kung lalabas siya, saan naman siya pupunta? Nakakatakot kasi sa labas ng bahay..Eh sa loob hindi? Sigurado ba siyang nag-iisa lamang siya loob? Agad niyang iwinaksi sa kanyang isipan ang mga alalahanin. Surely whoever had done this was long gone. But still, she wanted out of the house as soon as possible. Tumawag ka nalang ng pulis Giana, at umalis ka na diyan. Posible rin kasing nasa loob pa ng bahay ang intruder. Hanggang sa narinig nalang niya ang biglang pagkabog. She turned to identify the source of the noise. Pero bigla nalang pinalo ang kanyang ulo sa kung sinuman dahilan sa pagkakita niya ng mga umiikot na bituin. Naramdaman nalang din niya ang matinding pagkirot sa ulo hanggang sa tuloyan na ngang nandilim ang kanyang paligid. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD