Andress leaned back in the seat. Medyo kumikirot pa rin ang mga tuhod niya pero hindi na lamang niya ininda yon, ang importanti na pinagkatiwalaan na siya ulit ni Giana. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Andress. "Kay Kar--I mean kay Giana." Madame Sheryl gave him a sideways glance. "Mag iisang oras na nang umalis ako sa shelter. Baka umalis na rin sila Giana roon. Malimit pa naman ang signal sa lugar na yon. Kailangang mahanap mo agad sila." Napataas siya ng kilay. "Wala ba siyang dalang sasakyan?" "Wala." Napansin ni Andress na hindi magsasalita si Madame Sheryl kung hindi niya ito uunahan ng tanong. She hadn't spoken much since she'd picked him up at the bus terminal. Napatitig lang ito sa bugbog-sarado niyang mukha at kaagad naman siya nitong binigyan ng first aid kit at isang bottled

