ZH: CHAPTER FIVE

1911 Words
Yohan's P.O.V. Nakapapila ang posisyon namin nila Ryan. Nararamdaman ko na takot at kinakabahan sila. Tahimik lang kaming lahat at handa na sa mangyayari. Huminga ako nang malalim at dahan-dahan na pinihit ang doorknob. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay lahat ng zombies dito sa hallway ay napatingin sa amin. Nakita ko din na puno ng dugo at mga nagkalat na parte ng katawan dito sa hallway. "Now." Sabi ko at nagsimula na kaming tumakbo. Nang may mga zombie na pasalubong sa akin ay agad ko nang tinapat sa kanila ang mahabang kahoy na patulis na ginawa ko kanina at natuhog ang mga ito. Nararamdaman ko din ang mga zombies sa gilid namin ngunit hindi nito kami makakagat dahil sa shield na ginawa ni Mika. Magkabilang braso namin sinuot ang mga shield at mabilis ang takbo namin. Ito lang ang naisip kong paraan para makalabas kami sa building na ito na puno ng mga zombies. Mas binilisan pa namin ang takbo at nararamdaman ko na ang bigat nang hawak-hawak kong kahoy na madami nang zombies na nakatuhog. Nakatingin lang ako sa harapan ko at nakita ang unang zombie na natuhog ko sa kahoy na hawak-hawak ko. Buhay parin ito at pilit na inaabot ako gamit ang mga kamay nya. Babae ito at mahaba ang buhok. Light gray na ang mga mata nito gawa nang virus. May kagat din ito sa pisnge at sa kanyang mga braso. Nakaramdam ako nang mangha dahil pakiramdam ko ay nasa isang video game ako ngayon na paborito kong laruin pero at the same ay nakaramdam din ako ng takot at kaba dahil hindi na ito laro at totoo na ito. Buhay na namin talaga ang nakasalalay dito hindi tulad sa mga laro na pagnamatay ka ay mabubuhay ka ulit. Nagulat ako nang sumigaw ang babaeng zombie at mukhang galit na galit sa akin na tila ba ay gustong gusto nya akong kainin. Agad akong umiling at nag-focus sa plano namin ni Ryan. Kailangan namin makalabas dito ng buhay. Mika's P.O.V. Nakapikit ako habang tumatakbo kami dito sa hallway. Sobrang ingay at nakakatakot ang mga zombies. Nararamdaman ko ang pagkalabog nila sa magkabilaang shields namin nila Yohan. Naamoy ko din ang hindi kaayaaya na amoy nila. Gusto kong masuka pero pinipigilan ko lang ito. Kailangan ko munang isantabi ang pagiging maarte at matatakutin ko dahil kailangan namin makalabas dito sa building. "Malapit na tayo guys!" Sigaw ni Yohan kaya naman ay napadilat ako. Nagkaroon ako ng pag-asa nang makita ang double door na bukas. Dalawang classroom na lang ang layo namin dito. Napangiti ako at nakatingin lang sa labasan ngunit napatingin din ako sa kahoy na hawak-hawak ni Yohan at mapupuno na ito ng mga zombies! konti na lang at malapit na din sya maabot ng babaeng zombie. Kailangan na namin bilisan kundi ay magiging delikado ang buhay ni Yohan! "Ryan! Be ready sa pagsara ng pinto once na makalabas na tayo!" Sigaw ko kay Ryan. Sobrang lakas na nang mga zombies sa gilid namin at pakiramdam ko ay mahahatak na nila ako. Napatingin ako sa kamay na nakapasok sa shield at nakahawak sa forearm ko. Nanlaki ang mata ko nang makita na puno ng dugo ang kamay na ito at sa zombie ito! Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko. "Sht!" Sigaw ko at inaalog ang braso at forearm ko para maalis ang kamay ng zombie pero nakakapit ito nang mahigpit sa akin. Tinignan ko ang layo namin sa labasan at isang classroom na lang ito. I need to do something! Mas nilakasan ko ang paggalaw ko ng forearm ko at napatili ako nang sumilip ang zombie sa shield. "No!" Sigaw ko dito habang nakatingin sa kanyang mukha. Pulang pula ang gilid ng mga mata nito at kitang kita ko ang mga kulay itim na ugat sa kanyang mukha dahil halos kakulay na ng papel ang kanyang balat. Nakita ko ding puno ng dugo ang kanyang bibig at naamoy ko ang mabahong amoy nila. "Fck you!" Nagulat ako nang hampasin ni Kelly ang mukha ng zombie ng baseball bat nya at napabitaw ang zombie sa forearm ko. "Nandito na tayo!" Sigaw ni Yohan. Yohan's P.O.V. Mas binilisan ko ang pagtakbo dahil isang inch na lang at maabot na ako ng zombie sa harapan ko. "Bilis!" Sigaw ko sa kanila at pagkalabas na pagkalabas namin ay agad kong hinagis ang kahoy na mahaba sa gilid gamit ang buong lakas ko. Tinignan ko ang mga zombie na nakatuhog dito at mukha silang street foods na pwedeng iihaw. Pilit silang umaalis sa kahoy ngunit hindi sila makaalis dito. Napatingin naman ako dito sa labas at napaatras. "Guys." Tawag ko kila Ryan ngunit hindi ito sumasagot. Tinignan ko sila at nakitang tinutulak nila ang pinto para hindi ito mabukas at makalabas ang mga zombie. Kinuha ko ang baseball bat na nilagyan namin ng pako kanina at pinaikot sa aking kamay. Hinubad ko din ang shield sa right arm ko para magamit ko nang maayos ang baseball bat. "Guys, we have a lot of friends here." Sabi ko sa kanila habang nakatingin sa mga zombie na sa tingin ko ay nasa bente ang bilang ng mga ito. Joshua's P.O.V. "Dyan ka lang." Mahina kong sabi kay Zoe at kinuha ang gunting sa gilid namin. Tumayo ako at dahan-dahan na humakbang papunta sa pinakadulong kama na nakasara ang light green na kurtina. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking pawis sa bandang noo at pinabayaan ito. Sobrang tahimik na at tanging tunog lang ng aircon ang naririnig ko. Nang hawakan ko na ang kurtina ay naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko gawa ng kaba at takot na nararamdaman ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa gunting. Huminga ako nang malalim at mabilis na binuksan ang kurtina. "Ahhh!!" Napasigaw din ako dahil sumigaw ang lalaking nakaupo sa sahig ngayon na mukhang takot na takot. "Anong nangyari?" Tumingin ako sa tabi ko at nakita dito si Zoe na nakatingin na din ngayon sa lalaking nakaupo sa sahig. ~ "Galing ako sa 2nd floor at may nakita akong gumagapang na parang zombie. Hinabol ako nito kaya nagpunta ako dito aa 1st floor at nagtago sa clinic." Kwento ng lalaking kasama namin ngayon ni Zoe dito sa Clinic. "It's not parang zombie. It really is a zombie." Sabi sa kanya ni Zoe. Nakaupo ako ngayon sa table dito sa clinic habang nakaupo naman sa kama si Zoe at ang lalaking natagpuan namin. "Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan na tanong ng Lalaki. "Zombies. They exist. Nandito sila ngayon sa school natin." Nakayuko na sabi ni Zoe. "I think yung nakita mong gumagapang na zombie ay yung napatay ko sa library room, 2nd floor." Sabi ko at tinignan ang lalaki. Nanlaki ang kanyang mga mata at napatayo. "Kung totoo sila.. Kailangan na natin umalis dito! Kailangan na natin lumabas ng Zeifra High. Kailangan natin ireport to." Natataranta na sabi ng lalaki. "We can't go sa gate." Sabi ko at tumayo. "Bakit? Mamatay tayo kung hindi tayo aalis dito! Kailangan natin tawagan ang mga police. Kailangan natin humingi ng tulong." Sabi nito sa akin. "Kahit tawagan natin ang mga police ay hindi nila tayo matutulungan." Sabi ni Zoe at napabuntong hininga. "Bakit? Priority nila tayo! Kailangan lang natin makahanap ng cellphone, tawagan sila at sabihin ang family name natin at ililigtas na nila tayo." Sabi pa ng lalaki. "Pano kung puno na din ng zombies sa labas? Pano kung wala ng mga police na tutulong sa atin? Galing sa labas ang virus!" Natatakot na sabi ni Zoe at pinatong ang kanyang mga paa sa kama at niyakap ang kanyang tuhod. "Nasa pinakadulong building tayo. Pang 15th building kaya wala pang gaanong zombie dito." Binuksan ko ang pinto at sumilip. Sobrang tahimik sa hallway at walang katao-tao. Puting puti ang kulay ng pader dito at sigurado akong magiging pula ito pagnakarating na dito ang mga zombies. Pano kami makakalabas ng Zeifra High? Saan kami pupunta at hihingi ng tulong? "Damn!" Napatingin naman ako sa lalaki nang sipain nito ang upuan at natumba ito. "Kalma." Sabi ko at lumapit sa kanya. "What's your name?" Tanong ko sa kanya. "Matthew Kim." Sabi nito at tumingin sa akin. "I'm Joshua Han." Sabi ko at ngumiti sa kanya. "And this nerdy girl here," Sabi ko at tinuro si Zoe na ngayon ay nakakunot ang noo at nakatingin sa akin. "She's Zoe Cho. "First, we need to get our phones back." Sabi ko sa kanila at ngumiti. "But how?" Tanong ni Zoe. Ryan's P.O.V. Pagkasandal ko sa pinto ay naramdaman ko ang init ng araw sa aking mukha. Napatingin ako sa mga malalayang ibon na nakakalipad ng mataas sa langit. Mabuti pa sila ay pwedeng pumunta sa kung saang gusto nila. Nakatingin lang ako sa langit habang nararamdaman ko ang malalakas na pagtulak ng mg zombies sa pinto sa loob. Pakiramdam ko ay malapit na maubos ang lakas ko. Masyado silang madami. "Guys, we have a lot of friends here." Napatingin naman ako kay Yohan at nanlaki ang aking mga mata. "What the hell." Ang kusang lumabas sa aking bibig habang nakatingin sa mga zombies. "Sht! Kailangan muna natin i-lock tong pinto!" Nahihirapan na sigaw ni Mika. "Ako na muna bahala sa kanila. Siguraduhin nyong malo-lock nyo yan." Nakatalikod na sabi ni Yohan habang hawak hawak ang baseball bat. "Fck." Rinig kong sabi ni Kelly. Ginalagala ko ang aking paningin habang nakasandal sa pintuan. Pano namin to malo-lock? I need to find something! Yohan's P.O.V. Busy pa ang ibang zombie sa pagkain ng mga schoolmates ko sa sahig kaya hindi ako nito pinapansin. Nakita ko namang patakbo na sa direksyon ko ang tatlong zombie habang ang dalawang zombie ay mabagal na naglalakad papunta sa akin dahil bali ang mga buto nito sa paa. Ang dating malinis at maaliwalas na campus ay wala na. Ang mga bench at halaman sa gitna ay may mga bahid na din ng dugo. Ang dating masaya at maingay na Zeifra High ay wala na. Napalitan na ito ng takot at ingay na nanghihingi ng tulong. "Yaahh!" Sigaw ko at hinampas sa zombie ang baseball bat na hawak hawak ko. Agad na tumalsik ang dugo nito at nadurog ang kanyang mukha kaya nahiga na ito sa sahig. Agad ko namang nilingon ang dalawang zombie na tumatakbo at malapit na sa akin. Sa right side ang isa habang ang isa ay sa left side ko. Nang malapit na sa akin ang zombie sa left side ko at agad kong tinaas ang shield na nakasuot sa left arm ko at tinama ito sa ulo ng zombie habang ang zombie naman sa right side ko ay hahawakan na ako sa mukha pero agad ko itong inilagan at sinipa ang tuhod dahilan para mapahiga ito. Agad ko namang binaba na ang shield sa left side ko at hinampas sa gilid ng mukha ng zombie ang baseball bat at natumba ito. Napatingin naman ako sa zombie na sinipa ko sa tuhod at nakahawak ito ngayon sa aking kaliwang paa. Agad kong tinapaktapakan ang kamay nya gamit ang kanang paa ko at nang bumitaw na ito ay buong pwersa kong hinampas ang kanyang ulo na parang naggo-golf lang ako. "Yohan! Dalawa sa likod mo!" Sigaw ni Mika at paglingon ay nasa likuran ko na ang dalawang zombie na bali bali ang buto sa paa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD