ZH: CHAPTER SIX

1718 Words
Yohan's P.O.V. Natumba ako sa gulat at bago pa dumagan sa akin ang dalawang zombie ay agad kong hinarang ang shield na nakadikit sa aking braso. "Rawr!" Pilit na nilalapit nila ang kanilang mga bibig sa aking mukha. Agad akong napapikit nang maramdamang tumulo ang kanilang laway sa aking mukha. Masyado silang malakas. Hindi na kaya ng braso ko i-hold sila. *Bogsh* Napadilat ako nang maramdaman na wala nang tumutulak sa akin at nakita ang ulo ng dalawang zombie na gumugulong sa sahig. "Ayos ba?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Ryan na hawak ang napakatulis na machete. Agad akong napalubok nang makita na nakapatony pa din ang dalawang katawan ng zombie. Agad akong tumayo at nasuka sa aking nakita. "Papunta na dito yung ibang zombies." Rinig kong sabi ni Kelly habang hawak hawak ang baseball bat. Tumingin ako sa likod at nakita kong nilagyan nila ng kahoy ang hawakan ng double door kaya hindi ito agad mabubuksan ng mga zombies sa loob. Nakita ko naman si Mika na nilabas na din ang baseball bat nya at huminga ng malalim. Diniinan ko naman ang hawak sa baseball bat ko at nanguna sa kanila dahil alam kong ako ang pinakamalakas sa amin. "Isipin nyo na lang na nasa video game tayo." Sabi ko sa kanila. "Pero wag kayong magpapakagat o mamatay dahil hindi na tayo magre-respawn." Dagdag ko pa at lumingon sa kanila habang nakangiti. "Bring it on!" Sigaw ni Mika at hinanda ang sarili. Natawa ako dahil sa reaksyon nito. Agad ko nang tinuon ang atensyon sa 15 na zombies na paparating sa amin. Nasa 3rd building pa lang kami at marami pa kaming dadaanan. Zoe's P.O.V. May nahanap akong empty bag at nilalagyan ko ito ngayon ng mga gamot na pwede namin magamit. Kumuha na din ako ng maraming Bandage at bandaid. Matapos ko itong ilagay lahat sa bag ay sinuot ko na ito. "Handa na ako." Sabi ko kila Joshua na inaantay ako. "Okay, wala pa naman akong nakikita at naririnig na zombie dito sa hallway. Safe pa tayo. Let's go, kailangan natin maghanap ng pwedeng gamitin na armas." Sabi ni Joshua habang nakasilip sa pintuan. Binuksan nya naman ang pinto at dahan-dahan kaming lumabas. Nasa harapan ko si Joshua na may hawak na malaking gunting habang nasa likod ko naman si Matthew. Pumunta kami sa janitor's room sa dulo ng left hallway at nakitang may dalawang mop dito. Agad naman itong kinuha ni Joshua. "Kuhain nyo to." Sabi nya at inabot sa amin ni Matthew ang mop. "Pano ka?" Tanong ko habang hawak hawak ang isang mop na binigay nya sa akin. Nakita ko namang may kinuha syang isang besom broom sa gilid at tinaas nya ito. "Okay na 'to." Sabi nya sa amin. "Bilisan na natin malayo pa tayo sa 7th building." Sabi ni Matthew sa gilid. "Okay, Okay." Sabi ni Joshua at lumabas na kami sa Janitor's Room. 100 meters ang layo ng bawat building. Para sa mga high school at college ang paaralan na ito. Sobrang lawak dito at madami ding estudyante ang nagaaral dito. Mahigit 5,000 na estudyante ang nag-aaral dito. Sikat kasi itong paaralan na pinagawa ni Mr. Han, ang Papa ni Joshua. Puro mayayaman at sikat din ang nag-aaral dito. "Let's check Building 14 kung may mga students pa dito para may kasama pa tayo at mas maganda kung madami tayong magtutulungan." Sabi ko sa kanilang dalawa pagkalabas namin ng Building 15. "Sure." Rinig kong sagot ni Joshua at nauna itong tumakbo. Sumunod naman ako sa kanya at nasa likod ko si Matthew. Kailangan namin bilisan bago pa mahuli ang lahat. Sana lang ay wala pang zombie sa building 13. "What if may zombie sa loob ng building na yan? we can't go inside nang basta basta lang." Singit naman ni Matthew habang tumatakbo sa likuran ko. "Tama si Zoe. Kailangan muna natin maghanap ng mga iba pang survivors para madami tayo." Malakas na sabi ni Joshua. "Tsk. Kayo bahala." Mahinang sabi ni Matthew. Napakunot naman ang aking noo habang tumatakbo. Bakit naman ayaw ni Matthew na humanap pa kami ng ibang survivors? Hindi ba mas maganda yun? Pag mas madami kami, mas mataas ang chance na makasurvive kami sa mga zombie na ito. Nagfocus na lang ako sa pagtakbo at napatingin sa paligid. Puro matataas na puno ang nakahilera dito at may mga benches ito sa ilalim nila. Madami ding bulaklak na kulay puti at yellow sa paligid. Wala ding katao tao at tahimik lamang dito. Samantalang kanina lang bago ako pumasok ay madaming estudyante ang pakalat kalat dito at pinatid pa ako nila Asia at Caye. Habang tumatakbo ay inaayos ko ang suot kong salamin. Mala-late na ako sa first subject ko at exam day ngayon! Hindi ako pwede ma-late dahil automatic na mababawasan ang score ko dito dahil isa 'yon sa rules dito sa Zeifra High. Kada-late mo ng limang minuto ay limang puntos din ang ibabawas nila sa score mo sa exam. Masyadong strict ang rules dito at ayoko sanang mag-aral dito pero sayang ang scholarship na binigay sa akin at nanghihinayang ang aking mga magulang dahil mas maganda daw kung sa isang sikat na paaralan ako makakapag-aral o makakapagtapos. Napatingin ako sa paligid at may mga estudyante pa na di panghapon pa ang start ng exam nila kaya naman ay may mga iilang nakaupo sa bench at nag-aaral habang ang iba naman ay magkakaibigan na naguusap-usap at nagtatawanan. Napatingin ako sa langit at nakita ang isang grupo ng mga ibon na malayang nakakalipad. Buti pa sila ay masasaya at walang iniisip na problema. Nang malapit na ako sa 15th Building ay ramdam ko na ang sobrang pagod at hinihingal na ako dahil sa pagtakbo ko. Bakit ba kasi hindi tumunog ang alarm clock ko kaninang madaling araw? Masyado din akong napuyat kagabi kakaaral dahil ayoko namang mawala ang scholarship ko at kailangan ko pa mas galingan ang pag-aaral ko. Nang makita ko na ang 15th building ay napangiti ako ngunit nagulat ako nang may paa na pumatid sa akin kaya naman ay agad kong natumba sa sahig. "Argh.." daing ko nang makaramdam nang sakit at hapdi sa aking paahan. Tinignan ko ang ankle ko nakitang may malaki at mahabang hiwa ito at may mga gasgas din ito pati na din ang siko ko. "Omygod, look how pathetic you are!" agad akong napatingin sa nagsalit at nakita si Caye na nakatingin sa akin. "Ops, sorry Zoe. Hindi ko sinasadya. Hindi kasi kita nakita." Kunwari ay nag-aalang sabi ni Asia sa akin. Napakagat naman ako sa labi ko at pinipigilan ang aking luha. Kinuha ko ang salamin ko na tumilapon sa gilid at sinuot ito. Sinuot ko din nang maayos ang bag ko at tumayo pero muntik na ako matumba dahil sa sugat na natamo ko sa pangpapatid nila sa akin. "Ew, look at your ankle." Nandidiring sabi ni Caye at tinuro ang ankle ko. Napayuko lang ako dahil nararamdaman ko nang pinagtitinginan at pinaguusapan na ako nang mga estudyante sa gilid. Hindi ko na naiwasan ang luha ko nang marinig na tumawa ang mga ibang estudyante sa gilid. "Next time kasi, Mag-iingat ka. Okay, Zoe?" Sabi pa ni Caye at hinawakan ako sa balikat. "Yan tuloy, pinaguusapan at pinagtatawanan ka na naman. Alam mo namang nasasaktan kami ni Asia tuwing umiiyak ka. Diba, Asia?" Sabi nito at tumingin kay Asia. "Yes, tignan mo tuloy.. mukha kang kawawa." Sagot naman ni Asia at nakita kong nag-apir pa ang dalawa at nagtawanan. Tumalikod na lang ako at nagsimula nang maglakad habang nakayuko. Ayokong makita ang mga masasaya at tumatawa nilang mukha. Gusto ko na lang maglaho nang bula dahil sa kahihiyan na nangyari sa akin ngayon. "Tumingin kana sa dinadaanan mo ah Zoe!" Rinig kong sigaw ni Caye at narinig ko din ang tawanan nila ni Asia. Hindi ko na lang ito pinansin at pinunasan ko na lang ang luha ko. Pagpasok ko sa building 15 ay wala nang mga pakalat-kalat na estudyante dito. Agad kong tinignan ang relo ko at nakitang 7 minutes late na ako. Napabuntong hininga na lang ako at nagpunta sa Clinic para mapagamot ang sugat sa ankle ko pero sarado ito. Wala pa ang nurse. Kumapit na lang ako sa pader habang naglalakad. Umakyat ako sa 2nd floor at nakitang bukas ang library. Pumasok ako sa loob at umupo sa tabi ng bookshelve. Pinunasan ko ang luha ko dahil sa pangbubully nila Caye at Asia sa akin. Mag-aapat na taon ko nang tinitiis ang pangbubully nila sa akin. Kahit naman isumbong ko sila sa guidance ay walang nangyayari. Pinapabayaan lang sila dahil malaki ang share ng parents nila dito sa Zeifra High compared sa akin na isang scholar lang at mahirap. Hindi ko namalayan na napahiga na ako at pinikit ang aking mga mata. "Nandito na tayo. Wag kayong gagawa nang ingay. Sama-sama lang tayo. Sumunod kayo sa akin." Sabi ni Joshua at pumasok na kami sa Building 14. Pagpasok namin sa loob ay tahimik lang dito. Wala din kaming naririnig na sigawan mula sa malayo kaya sa tingin ko ay wala padin ang mga zombie sa 13th building. Pero bakit nagkaroon ng zombie sa 15th building? "Seryoso ba kayo? Mag-aaksaya tayo ng oras dito? Tinitignan pa natin bawat floor imbis na makalabas na tayo dito sa Zeifra High?" Nakakunot noong tanong ni Matthew. "Anong gusto mo? Tatlo lang tayong susugod sa entrance ng Zeifra High? Pano kung madaming zombie na dun?" Inis kong sabi kay Matthew dahil kanina pa ito nagrereklamo. "Pano kung wala namang estudyante dito? Sayang lang oras natin dito!" Napapalakas na sabi ni Matthew kaya naman ay huminto ako at tinignan sya nang masama. "Oh, i remember you. You're Zoe Cho. Caye and Asia's favorite toy." Nakangisi nitong sabi at agad akong napayuko. "Quiet! kung ayaw nyong kayo ang ipakain ko sa zombie." Galit na sigaw sa amin ni Joshua. Natahimik naman kaming dalawa ni Matthew at sinundan na lang si Joshua dito sa 1st floor na naglilibot. Umakyat na kami sa 2nd floor at wala na ding mga estudyante dito. Hanggang sa makapunta kami sa Rooftop. "What the hell?" Rinig kong sabi ni Joshua kaya tinignan ko din kung saan sya nakatingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD