ZH: CHAPTER SEVEN

2114 Words
Kelly's P.O.V. "Die!!" Sigaw ko at hinampas ang mukha ng babaeng zombie ito gamit ang buong lakas ko. Sumigaw pa ito bago tumama sa kanyang mukha ang baseball bat na pinanghampas ko sa kanya at natumba na ito. Tinignan ko ang mukha nya na halos hindi mo na makilala. Kita na ang bungo nito sa bandang pisnge. "Guys! Padami sila nang padami! Hindi natin sila lahat kayang patayin!" Sigaw ni Kelly habang may zombie na tinatalo ito. "Let's go sa 6th building." Sabi ni Yohan habang nahihirapang talunin ang dalawang zombie na inaabot sya pero hiniharang nya ang shield kaya naman ay hindi sya nito makagat. "What if may zombie din don and mas madami pa?" Tanong ni Ryan na hinahabol ang hininga. "Let's kill them. Kailangan pa natin makahanap ng matutulis na panglaban sa kanila dahil mahirap na baseball bats lang ang gamit natin." Sabi ni Yohan at pinaghahampas sa ulo ang zombie. Nakita ko namang my patakbo na zombie sa likod ni Ryan at agad akong tumakbo sa kanya. "Ryan!!" Sigaw ko dito at tinulak ko sya para hindi mahablot ng zombie. "Sht!" Sabi ko nang pumaibabaw sa akin ang zombie at pilit na kinakagat ang pisnge ko pero hinahanarang ko ang isa kong braso na may shield at hindi nya ako agad-agad makakagat dahil nakasuot ako ng baseball helmet. Naramdaman kong tumulo ang laway at dugo nito sa pisnge ko. Napatingin ako sa mga mata nito na halos kulay puti na at pulang pula ang gilid ng kanyang mata. Kitang kita ko din ang itim na ugat sa kanyang mukha dahil sa sobrang puti nito. Naamoy ko din ang hindi kaaya-ayang amoy nito at napapikit ako. "Nice one, Ryan." Rinig kong sabi ni Yohan kaya naman ay napadilat ako. Nakita ko ang laman nitong zombie sa leeg ko. Agad ko itong tinulak at agad akong nasuka sa aking nakita. Nakita ko din ang ulo nito sa gilid at mas lalo akong nasuka. "Kailangan mo na masanay na makakita nang ganyan, Kelly." Sabi ni Ryan at lumuhod para makapantay ako. Tinignan ko sya at may mga bahid na sya ng dugo sa uniform. Nakita ko ding ngumiti sya at nilahad nya ang kanyang kamay. Napatingin namn ako sa mga kamay nya. "Ah, walang mama!" Nagulat ako nang ipatid ako ni Christine na classmate ko at nagtawanan sila ng dalawa nya pang kaibigan na sina Lovie at Susie. "Kaya ka siguro iniwan ng mama mo kasi iyakin ka!" Sabi ni Lovie at dumila sa akin at nagtawanan pa ulit sila. Agad naman akong umiyak dahil sa sinabi nila. Hindi nila alam na wala na si Mama. Hindi nila alam na patay na sya kaya si papa na ang laging pumupunta dito sa school tuwing may event at si papa na din ang sumusundo sa akin tuwing umiwan, hindi na si mama. "Tigilan nyo nga si Kelly! Isusumbong ko kayo sa principal!" Sigaw ni Ryan kila Christine na nagtatawanan. Agad naman silang tumigil sa pagtawa at inirapan ako. Nagcross arm silang tatlo at tinignan pa ako nang masama. "Hmp!" Sabi ni Christine at naglakad na sila papalabas sa classroom. Napatingin naman ako sa tuhod ko na my gasgas. Agad akong umiyak nang maramdaman ko ang sakit at hapdi nito. Habang umiiyak ay napatingin naman ako kay Ryan nang lumuhod ito at nilahad ang kanyang kamay. "Pasensyahan mo na sila. Hindi nila alam ang totoong nangyari kaya sila ganon." Sabi nya at patuloy parin ako sa pag-iyak. "Wag kanang umiyak, please?" Sabi nito at ngumiti sa akin. "Simula ngayon, ako na ang tagapagtanggol mo. Hindi ka na aawayin nila Christine. Wala nang aaway sa'yo. Lahat sila bubugbugon ko. Okay, ba?" Sabi nito at mas nilapit ang kanyang kamay sa akin. Npapatigil ako sa pag-iyak at ngumiti sa kanya. Tumingin ako sa paligid dito sa classroom at kaming dalawa na lang ang nandidito. Tinanggap ko naman ang kamay nya at inalalayan nya ako tumayo tapos ay niyakap nya ako. "Kelly?" Nabalik naman ako sa sarili ko nang tawagin ni Ryan ang pangalan ko. Ngumiti rin ako sa kanya at tinaggap ng kamay nya. Inalalayan nya akong tumayo. "Mamaya na kayo magharutan. May mga zombies na naman nang patakbo sa atin. Kailangan na muna natin pumunta sa 6th Building at magpahinga muna." Sabi ni Yohan sa amin. Binitawan naman na ni Ryan ang kamay ko at napasimangot na lang ako. "Let's go!" Sabi ni Yohan at tumakbo na. Agad naman na kaming tumakbo nila Ryan at Mika para sundan si Yohan. Tsk. Bakit ba ang lalayo ng agwat ng mga building? Nakakaagod! Habang tumatakbo ay may mga nakakasalubong kaming zombie pero sinasangga namin ang mga shield namin na nakasuot sa braso at hinahampas namin ito sa ulo dahil hangga't maayos pa ang ulo nito ay hindi ito titigil at tuluyang mamatay. Habang tumatakbo ay tinignan ko si Ryan. Mukhang pagod na pagod na din sya. Napangiti ako nang maalala ang mga ginawa nyang pagtanggol noon sa akin simula kinder pa lang kami. Sobrang thankful ako dahil naging classmate ko sya. Simula non ay lagi na kaming magkaklse at ngayong high school kami ay dapat sa ibang school ako pag-aaralin ni Papa pero pinilit ko syang dito na lang sa Zeifra High para kasama ko pa din si Ryan. Binilisn ko ang takbo ko at nang nasalikuran ko na si Ryan at nagtataka itong nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at tumingin na sa daanan. Ako na bahala sa mga zombie na makakasulong nya dahil alam kong pagod na sya. Ako naman ang magtatanggol sa'yo, Ryan. Joshua's P.O.V. Nakatingin ako ngayon sa paligid. Hanggang 3rd floor ang gate o pader ng Zeifra high para walang makatakas na estudyante. Pagtingin ko sa labas ay nakita kong nagkalat ang mga kotse sa kalsada at ang iba pa ay umuusok at mukhang sasabog. May mga nagtatakbuhan din sa labas at hinahabol sila ng mga zombie. Yung ibang building naman na naaaninag ko ay may sunog. "No way.." Sabi ni Zoe at napaatras dahil sa nakita. "Fck. Kumalat na ang virus. Pano tayo makakasurvive sa labas nyan?" Nakakunot noong sabi ni Matthew at tila ba ay nawawalan na ito ng pag-asa. "Cellphone. Kailangan na natin makuha ang cellphones agad. Kailangan natin humingi agad ng tulong." Sabi ko at naglakad na papasok. Nakita ko namang nakatulala lang sila at hindi gumagalaw. Napabuntong hininga ako. Kahit ako ay hindi ko na din alam ang gagawin. Nawawalan na din ako ng pag-asa pero hindi pa naman huli ang lahat. Pano kung may mga survivors pa sa labas? Hindi agad matatalo ang military at ang gobyerno ng mga zombies. "Zoe, Matthew. Bilisan na natin." Madiin kong tawag at sabi sa kanilang pangalan. Tahimik naman silang naglakad at sumunod sa akin. Tinignan namin bawat rooms dito at tinignan din namin ang lahat ng bag na nakita namin kung may cellphone ba dito pero wala. Masyadong mahigpit ang Zeifra High at nakumpiska nila ang lahat ng cellphones ng mga estudyante kahit na din ang cellphone ko. Pagkababa namin sa 1st floor ay agad na akong pumunta sa labasan at nakitang nakayuko lang silang dalawa at alam ko ang nararamdaman nila. Nawawalan na sila ng pag-asa matapos makita ang nangyayari dito sa labas ng Zeifra High. Kahit ako ay nakakaramdam din ng takot at pagkawala ng pag-asa pero hindi pwede. Kailangan namin subukan ang makakaya namin. "Zoe, Matthew." Tawag ko sa kanila at tumayo sa kanilang harapan. "It's not too late. All we need to do is to get our phones back. Sigurado akong may mga survivors sa labas at lumalaban ang mga military sa zombies." Sabi ko sa kanila. Tumingin sa akin si Zoe at nakitang umiiyak ito. "Pano ang pamilya ko? Ligtas kaya sila? Pano kung hindi nila natakasan ang mga zombies?" Sunod-sunod na tanong nito habang pumapatak ang kanyang mga luha. "Zoe." Tawag ko sa kanya at hinawkan sa magkabilang balikat. "Wag kang mag-isip ng ganyan. Please? Wag muna tayo mawalan ng pag-asa. Hindi pa natin nasusubukang tawagan o humingi ng tulong." Sabi ko at tumango naman sya. "I'm sorry." Sabi nya at pinunasan ang luha. "Kailangan na muna natin i-skip ang ibang buildings." Sabi ko at binuksan na ang double door at naramdaman ang init ng araw sa aking mukha. "Pero kung may makita o marinig man kayong survivors sabihin nyo sa akin para mapuntahan natin at matulungan." Sabi nya at naunang lumabas. Nagsimula na ulit kaming tumakbo at napatingin ako sa paa ko dahil nagdudugo na naman ito at nararamdaman ko na naman ang hapdi at sakit nito. Kanina ko pa ito nararamdaman pero hindi ko lang sinasabi kila Joshua dahil ayoko maging sagabal sa plano namin at ayokong maging pabigat sa amin. Hangga't kaya ko ay dapat tiisin ko muna ito. Nalampasan na namin ang 13th Building kung saan ang classroom nila Caye at Asia na bullies. Mukhang wala na ding tao sa loob ng building na ito dahil sobrang tahimik at wala din akong nakikitang tao o zombie sa mga bintana. Tumingin na lang ako Joshua na tumatakbo at nag-focus dito. Caye's P.O.V. "Please, tigilan nyo na ako. May exam pa ako. Kailangan ko pa mag-aral." Sabi ng kawawang babae ito na naluhod sa amin ni Asia ngayon. Nandito kami sa 2nd floor strairs sa pinakadulo at walang mga estudyante o teachers dito dahil busy ang lahat sa exam. Tinignan ko naman ang babaeng ito na nakayuko at nakaluhod lang ng tahimik. Kinuha ko ang water bottle ko sa maliit na bag ko at ininom ito. Nagtira ako nang kalahati at pinaligo ito sa babaeng nakaluhod sa akin ngayon. "Omygod, Caye. That was cool!" Sabi ni Asia at nagtawanan kami. "I know right." Sabi ko at nagcross arm. "Since mukha namang hindi ka naligo, ayan. Ako na ang nagpaligo sa'yo. Kaso wala akong dalang safeguard para maalis naman mga germs mo sa katawan." Sabi ko at binuksan ang bag ko. "But don't worry, i have alcohol naman." Sabi ko at binuhos din sa kanya lahat ng laman ng alcohol ko. "Look at yourself, girl." Sabi ni Asia at kinuha ang salamin nya tsaka umupo at tinapat ang salamin sa babae. "Wala ka ng germs sa mukha at katawan. Hindi kaba magta-thank you kay Caye?" Natatawang sabi nito at napangiti naman ako. Nagulat ako nang biglang duraan nya si Asia sa mukha at inis na pinunasan ito ni Asia gamit ang panyo nya. Hinagis nya ang salamin na hawak nya sa hagdan pababa at nabasag ito. Nakita ko namang napatingin sa kanya ang babae at mukha itong natatakot. "Ops, you're dead." Sabi ko sa kanya at ngumiti. Agad syang sinabunutan ni Asia. "Did you just.. spit on my face?" Galit na tanong ni Asia dito. "Hindi mo ba alam kung gano kadumi yang laway mo at dinuruan mo ako? You're disgusting!" Sabi ni Asia at tinulak nang malakas ang ulo nito. "Ahh.." Malakas namang tumama ang ulo ng babae sa pader at nagkatinginan kami ni Asia. Hindi gumagalaw at nagsasalita yung babae. Agad akong nakaramdam ng kaba. Lumapit ako dito at kinalabit ang ulo nya. "Hey, why aren't you talking?" Tanong ko dito at pagkalabit ko sa ulo nya ay bigla na lang syang natumba at nalaglag pababa sa hagdan. "Omygosh, Caye." Gulat na sabi ni Asia at napatayo. Napatingin ako sa hagdan at may bahid ito ng dugo mula sa ulo ng babae. Agad na napakapit sa akin si Asia. Nakatingin lang kami sa katawan ng babae nang may marinig kaming kakaibang boses sa baba. "Sht. May nakakita ata." Natataranta na sabi ni Asia. "Shh." Sabi ko at pinakinggan nang maigi ang boses dahil kakaiba ito. "Fvk. What the hell is that?" Gulat na bulong sa akin ni Asia nang makita namin ang isang lalaking pagewang gewang na naglalakad papalapit sa babaeng walang malay sa baba. "I don't know.." Mahin kong sabi at napaatras kami ni Asia nang makitang kinagat nito ang kamay ng babaeng walang malay at nakita ko ang laman at ang pagtulo ng dugo nito. "What the f**k?!" Gulat na sigaw ni Asia at napatingin sa amin ang lalaki. *Attention For all the Students and Teachers,* Nahinto kami ni Asia nang marinig ang boses ni Christoffer sa Speaker na para bang pagod ito at hinihingal. *Run! There's a Zombie everywhere! please take care of-- yourself-- AHHH!!* Agad kong nakita ang halos puting mga mata nito. Sorang puti din nito at makikita mo na ang itim na ugat nito sa mukha. May mga kagat din sya sa braso at pisnge. Agad syang sumigaw at tumakbo papunta sa amin. "f**k! Run Asia!" Sigaw ko at tumakbo kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD