Eros' P.O.V. "Handa na ba kayo?" Seryoso kong tanong kila Royce at Jay. Seryoso din naman nila akong tinignan at tumango ang mga ito. Hinawakan na namin ang mga weapon namin at lumabas na dito sa cooking club room. Ako ang naunang lumabas at naglakad habang nasa likuran ko naman sila Royce at Jay na sumusunod sa akin. Kailangan namin lumabas dito sa 2nd building at maghanap ng iba pang survivors. Balak namin pumunta sa harap ng 2nd building. Ang school pool. Mas malapit ito kaysa sa 3rd building. Masyado nang madaming zombie sa labas at siguro akong mas madami pa ito sa mga susunod na building dahil madami ang estudyante dito sa Zeifra High. Balak muna namin pumunta sa school pool dahil kaninang umaga ay nandoon ang pinsan ko na babae at nagpa-practice ito lumangoy para sana sa dara

