"Caye?" Pumasok ako sa bedroom nya. Napakunot ang noo ko nang makita na sobrang gulo dito. May mga posters sya ng boy band na nakadikit sa puti nyang pader habang ang iba ay punit-punit at nasa sahig ang mga ito. Nakita ko ding nagkalat sa sahig ang mga cd nya at mga libro. "Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya habang naka-upo sya sa dulo ng kama nya. Tinignan ko sya at nagsisigarilyo sya. Agad kong kinuha iyon at tinapon sa bintana. Nakita ko namang napakunot ang noo nya habang nakatingin sa akin. "Masama 'yon," sabi ko sa kanya at tinabihan sya sa pagkakaupo dito sa kama. Hindi nya ako pinansin at kumuha pa sya ng isang sigarilyo mula sa ilalim ng kama nya. Sinindihan nya ito at nagsimula na syang hipan ito. Napabuntong hininga naman ako at tinignan ang itsura nya. Gulo-gulo an

