Joshua's P.O.V. Napabuntong hininga na lang ako at umupo. Naglakad ang guard papunta sa teacher's table at nilapag nya ang suot nyang bag dito. Binuksan nya ito at naglabas ito ng mga delata. "Baka nagugutom na kayo, kumain na muna kayo. Hintayin na lang muna natin na kumonti ang mga zombies tsaka tayo tumuloy sa 7th building at humingi ng tulong mula sa labas," sabi nito. Lumapit naman kami ni Zoe sa kanya at natakam ako nang makitang may spam syang dala at mga tuna na nakadelata. Naglabas din sya ng kanin na nasa tupper ware at napakunot ang noo ko. Mukhang kakaluto lang din nito. Saan nya ito nakuha? "Saan ka nakakuha ng mga pagkain at lutong kanin?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman sya sa akin at ngumiti. "Galing ako sa kwarto naming mga overnight na guards. May kitchen kami

