ZH: CHAPTER TWELVE

1822 Words
Royce's P.O.V "I'm a Transferee," sabi ko sa Guard at pinakita ang aking I.D. Tinignan naman nya ang I.D. ko saglit at tumango sa akin. Maya maya ay pinagbuksan nya na ako ng Gate. Inayos ko naman ang suot kong bag at pumasok na sa loob. Tahimik lang akong naglalakad sa loob ng campus at nagmamasid. Sobrang laki nga talaga dito. Ang lawak din. May mga matataas na puno na nakahilera at sa ilalim nito ay may mga bench. May mga estudyante namang nakaupo dito. Ang iba ay nagtatawanan at yung iba naman ay nagbabasa ng libro. Nag-aaral ata dahil exam day daw ngayon dito sa Zeifra High. Nag-exam din ako dito bago mag-transfer kahapon. Napatingin naman ako sa puting relo ko at late na ako ng ilang oras. Napabuntong hininga na lang ako at binilisan ang lakad. Ayoko sanang mag-transfer dito danil mas gusto ko din ang dati kong school pero pinilit ako ng mama ko kaya wala naman akong nagawa kundi sundin sya. "Damn," mahina kong bulong at lumapit sa nag-iisang babaeng nakatayo sa gilid na may hawak na makapal na libro. "Hey, alam mo ba kung san tong 3rd building?" tanong ko sa kanya. Mahaba at kulay brown ang buhok nya. Napatingin naman sya sa'kin nang matagal kaya naman ay kumaway ako sa tapat ng mukha nya. "Miss?" tawag ko sa kanya. Agad naman syang umiling at ngumiti sakin "Oo, ito yung first building." tinuro nya yung building sa si kalayuan sa amin. "Yung susunod na building dyan ay yung 2nd building at pagtapos non ay yung 3rd building na nahinahanap mo," nakangiti nitong sabi sa akin. "Ahh, okay. thank you," sabi ko dito at magsisimula na sanang maglakad pero tinawag ako nito. "Teka! Transferee ka ba?" malakas na tanong nito sa akin. Lumingon naman ako sa kanya at huminga nang malalim. "Halata naman diba?" sabi ko sa kanya at ngumiti tapos ay nagpatuloy na sa paglalakad. Halata naman sa akin na transferee ako dahil tinanong ko sya kung saan yung building na kailangan ko puntahan. Sinuot ko na lang ang earphone ko at nakinig ng kanta. Nilagay ko din sa bulsa ang aking kamay at naglakad na lang. Nakita kong pinagtitinginan ako ng iba. Napangisi naman ako dahil alam kong attractive ako at napopogian sa akin ang ilan sa mga babaeng estudyante. Napatingin naman ako sa unang building at malaki din ito. Bakit naman layo layo ang mga buildings dito? Nakakapagod. Name: Royce Tainam Age: 17 Eros' P.O.V "Eros! pagod na'ko," Hinihingal na sabi ni Jay at huminto sa pagtakbo. Nasa harap harap kami ngayon ng 3rd building at nakitang wala pang zombie dito. Nasan nanggaling ang mga zombie? Bigla na lang may isang babae ang tumakbo sa field at kumalat lalo ang virus. "Okay, fine. Magpahinga ka muna dyan," sabi ko at nagtingin-tingin sa paligid. Hindi pa umaabot dito ang mga zombie. Kailangan namin makalabas ni Jay hangga't hindi pa madami ang mga zombie. Kailangan namin pumunta sa gate at lumabas. "Woahh~ look who we got here!" napatingin naman ako sa dalawang lalaking lumapit samin ni Jay. "What?" Nakakunot noo kong tanong sa dalawang lalaking ito. "Eros the Baseball king and Jay the Drummer," sabi nilang dalawa at nagtawanan. "Shut up," madiin na sabi ni Jay at lalapit sana sa kanila pero agad ko itong hinawakan sa braso para pinigilan. Tinignan nya naman ako ng masama at napilitang yumuko na lang. Baseball players ang dalawang lalaking ito at natalo ko sila last week sa laro namin kaya ngayon ay alam kong mainit ang dugo nila sa akin at ngayon ay damay pa ang kaibigan ko na si Jay na wala namang ginagawa sa kanila. Napabuntong hininga na lang ako at tinignan ang dalawa. "God. I'm hungty already. Punta tayong cafeteria guys," nagulat ako nang akbayan nila kami ni Jay at naglakad patungo sa direksyon ng cafeteria. "What the!" rinig kong angal ni Jay sa mga ito. Tsk. Pasalamat sila at college students sila and i respect them. Napatingin naman ako sa Baseball bat ko na nakatago sa bag ko. May Dugo pa ito at pulang pula. Pagkapasok namin sa Cafeteria ay mapayapa dito at kumakain lang ang mga estudyante. "I-order mo kami ng dalawang box ng pizza at apat na coke," utos ng isang lalaki at umupo sila sa gitnang pwesto. Huminga ako nang malalim at masama silang tinignan. "Pera," sabi ko at nilahad ang kamay. Tinignan naman nila kaming dalawa ni Jay na nakatayo lang sa gilid nila at tumayo yung isa sa kanila at humarap sa akin. "Nagpapatawa kaba? baka nakakalimutan mong may utang kapa sa akin," halata mo ang inis at galit sa boses nito pero nanatiling kalmado lang ako. "Pero hindi pera ang utang ko sa inyo," mahina pero matigas kong sabi at tinigyan sya sa mga mata. Wala naman talaga akong utang sa lalaking ito. Sadyang tatanga lang sya last week habang naglalaro kami ng baseball at tumama sa kanyang kaliwang mata ang bola. Hanggang ngayon ay kita parin ang black eye nito. "Ano bang hanap nyo, ha?!" hindi na nakapagpigil si Jay at nakasigaw na ito. Napatingin naman samin ang lahat ng Studyante. Sht. Bakit ba kasi hindi ma-control ni Jae ang inis nya? Baka mamaya ay lumala pa ito at magkagulo at maguidance kami-- pero teka. Naalala ko yung zombies kanina. Hindi ito oras para makipag-away! "Okay. Edi ito na lang," nagulat ako nang hablutin nya ang bag ko at binuksan ito. "Wag!" sigaw ko pero nakuha na nya yung Baseball bat ko sa bag at nagulat sa kanyang nakita. "Dugo ba yun?" "Sht. Kaninong dugo yun?" "May pinatay si Eros? tsaka si Jay?!" Napapikit ako sa mga naririnig kong bulungan. Sobrang mali sila. Mali sila nang iniisip! "Woah. Hindi namin alam na hanggang dito pala ang kaya mong gawin," sabi ng isa at tumayo na rin. "May.. Zombies," mahina at nakayuko na sabi ni Jay. "Zombie?" tanong naman nilang dalawa at tumawa. "Ang ganda ng excuse nyo ah?" "Oo nga! hahaha. Zombie pa talaga ang naisip nyong panglusot?" Inis akong dumilat at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Agad ko syang sinuntok sa mukha. Nakakairita na ang boses nila lalo na ang tawa nilang dalawa! "Pwede bang maniwala kayo kahit ngayon lang?!" inis kong sigaw sa lahat ng estusyante dito sa loob ng cafeteria. Napatayo naman ang mga iilang estudyante. Yung iba ay lumabas at sa tingin ko ay tatawag ito ng teacher para pigilan kami. Yung iba naman ay mukhang excited at amused sa nakikita. "Si Eros ba talaga yan?" "I know right. Hindi ko rin akalain na ganyan pala sya." "Umalis na tayo dito. Baka madamay pa tayo." "Relax," sabi naman ng isa at kinuha yung Baseball bat. "Sabihin mo nga, kaninong dugo to?" tanong nya sakin habang pinagmamasdan ang baseball bat na may bahid ng dugo. "Sa Zombie," madiin kong sabi at tinignan sya nang masama. Narinig ko namang nagtawanan ang lahat ng estudyante dito sa loob ng cafeteria. "Eros.." narinig ko ang pagtawag sakin ni Jay sa tabi ko. "Ah! alam ko na!" Malakas at masayang sabi nya at tumuntong pa sa lamesa habang hawak-hawak ang baseball bat. "Kay Adam. Ang Great Enemy ni Eros," sabi nito at nagtawanan sila. Napayuko na lang ako at napabuntong hininga. Bahala sila sa gusto nilang isipin. Basta kailangan na namin ni Jay umalis dito. Hindi na kami pwede pa magtagal dahil baka dumadami na ang mga infected sa labas! Mas mahihirapan kami makalabas dito sa Zeifra High kung ganon. "Sht. let's go." sabi ko kay Jay at maglalakad na sana kami nang tumunog at may nagsalita sa Speaker kaya naman ay natigilan ang lahat sa ginawa nila. *For all the Students, Faculty Teachers and Staff!! please get the hell out of here! The Zombies are attacking us! They are everywhere now! sht!--- Ting.. Ting..* Sandaling natahimik ang lahat dahil sa narinig. Bakit ngayon lang nila inannounce ito? Sobrang late! Nakaabot na sa broadcasting room ang zombie. Ibigsabihin tuluyan na itong kumakalat ngayon sa loob ng Zeifra High! "Sira na din ba ulo nung nagsalita?" Natatawang sabi ni Tom habang hawak-hawak ang baseball bat ko at umalis na ito sa pagkakatayo sa lamesa. "No, Ikaw ang Sira ang ulo," mahinang bulong ko at maglalakad na sana kami ni Jay nang makarinig kami ng sigaw mula sa labas at bigla na lang na nabasag ang glass wall dito sa cafeteria. Sht! "AAR!" Nagtilian ang lahat nang makita ang iilang Zombie na tumatakbo papunta sa aming lahat. Ang iba sa mga ito ay may nakatusok pang nabasag na glass wall sa mga ulo pero patuloy pa din ito sa pagtakbo. Tinignan ko naman sila Tom na hindi makagalaw at nakatulala lang sa mga zombies na papalapit na sa amin ngayon. "Serves you right," sabi ko sa kanya at inagaw ang Baseball bat ko at tumakbo na kami ni Jay papunta sa gilid para makalabas sa cafeteria. "Ahhh!!" nakakabinging sigawan at tilian ang naririnig ko ngayon mula sa mga schoolmates ko na nilalaban ang mga zombies at ang ilan sa kanila ay infected na at kinakain. Natigilan kami ni Jay nang may humarang na Zombie sa daanan namin at hinataw ko ito sa ulo ng malakas at sinipa sa tyan kaya naman ay napahiga ito sa sahig. Pagkalabas namin sa Cafeteria ay nakita na rin namin ang iba pang Zombie na papunta sa'min. "Shtt, mamatay na tayo!" kinakahaban na sabi ni Jay. "Let's run!" utos ko dito at binilisan namin ang takbo. Tumakbo kami nang Tumakbo hanggang sa mapunta kami sa 2nd building at nakitang may mga zombie na din dito at hinahabol ang mga estudyante. Napatingin naman ako sa lalaking nakasuot ng earphone at nagce-cellphone habang naglalakad. "Kelangan natin syang sabihan," sabi ko kay Jay dahil walang kaalam alam ang lalaking ito sa nangyayari sa paligid nya. Habang busy pa ang iilang zombie na habulin ang ibang estudyante ay agad kaming lumapit ni Jae sa lalaki at hinila sya papasok sa building 2. "What are you doing?!" gulat nitong tanong sa akin at tinanggal ang earphones nya. "Tinutulungan ka. Shh," sabi ko nang makarinig ako ng Zombie sa labas. "What the fck.." agad na nanlaki ang mata nya nang makita ang isang Zombie na muntik na kaming madaanan. Nang wala na ito ay tsaka lang kami nakahinga ng maluwag at agad kong sinarado ang double door. Napatingin ako sa hallway at mukhang walang zombie dito sa loob. Tinignan ko naman ang lalaking ito at bago sya sa aking paningin. Hindi ko pa sya nakikita dito kahit isang beses. "I'm Eros Blythe," pakilala ko sa sarili ko. "Jay Smith," pakilala naman ni Jay sa kanyang sarili. "Royce Tainam," sabi naman ng lalaki. Sumilip sya sa bintana at nakitang may mga zombie na hinahabol at kinakain ang mga schoolmates namin. "Welcome to Zombie High-- I mean Zeifra High," sabi ko at napakamot sa ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD