ZH: CHAPTER THIRTEEN

1742 Words
Ryan's P.O.V. Tinignan ko ang oras at 6 p.m. na. Hindi kami makalabas ngayon dahil puno ng zombie sa hallway. Na-trap na kami dito. Tinignan ko naman si Yohan na nakahiga sa sahig at natutulog. Si Mika naman ay pinagmamasdan lang si Yohan na natutulog habang si Kelly ay nakaupo lang sa sulok at nakatingin sa babaeng nagbukas ng pinto sa'min kanina. Putol ang ulo nito at nagkalat ang dugo. "Buti na lang may panglatag tayong nakuha sa lockers dito," sabi ni Mika at napabuntong hininga. "Kailangan din ni Yohan ng gamot. Pano tayo makakakuha ng gamot?" nag-aalala nitong tanong. "Pwede akong pumunta at kumuha ng gamot sa clinic sa baba kung walang zombie na naiwan s 1st floor," sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa bintana dito. May hagdan na bakal din ito papunta sa baba. "What? masyadong delikado," singit ni Kelly at napatayo ito. "Madaming sugat si Yohan at nilalagnat ito," sabi ko at tinignan si Yohan na giniginaw. Tinignan ko ang hawak kong baril. Apat na lang ng bala na natitira dito. Hindi ito sapat para patayin lahat ng zombie sa building na ito. "Si Yohan ang pinakamalakas sa atin. Si Yohan ang leader natin. Hindi natin sya pwedeng pabayaan na lang na nahihirapan. Kailangn nya agad gumaling," sabi ko kay Kelly at tinignn sya. "Fine," nag-iwas sya ng tingin at halata sa mukha nito na hindi parin sya sangayon sa plano ko. "Pero sasama ako," dugtog nya pa at naglakad papalapit sa akin. Napakunot naman ang noo ko. Hindi kaya ni Kelly ang mga zombies sa labas. Masyado itong madami at malakas. Baka mapahamak lang sya. "No. You're going to stay here with Mika and Yohan," sabi ko sa kanya. Agad naman syang napatingin sa'kin. "No. I'm coming with you. Wala akong pakialam kung ayaw o gusto mo. Basta sasama ako," matigas nyang saad at kinuha ang baseball bat nya. "Kelly--" naputol ang sasabihin ko nang magsalita pa sya. "Ayokong malayo sa'yo. Sasamahan kita kahit saan ka pumunta," sabi pa nito at sinuot ang baseball helmet. Naalala ko noon lagi syang binu-bully kaya kahit saan sya magpunta ay sinasamahan ko sya at pinagtatanggol. Napayuko ako at napabuntong hininga. Hindi kaya gusto nya lang bumawi dahil pakiramdam nya ay may utang sya sa akin? Hindi nya naman kailangan gawin to. "Fine," sabi ko at inabot sa kanya ang machete. "But in one condition, you're going to use this one dahil mas mapo-protektahan mo ang sarili mo gamit to kaysa sa baseball bat," sabi ko sa kanya at tinaggap nya naman ito. "Guys," napatingin naman kami kay Mika na lumapit sa amin. "Mag-iingat kayo. Please," sabi pa nito at niyakap kami ni Kelly. Ngumiti ako dahil hindi naman ganito talaga si Mika. Pakiramdam ko din ay nagkaroon ako ng kaibigan pa bukod kay Kelly. Niyakap ko din sya pati na rin si Kelly. "Bumalik kayo agad ah?" umiiyay nitong sabi. "Of course," natatawang sabi ni Kelly. "Hindi kami magpapatalo sa mga zombies na iyon," dugtong pa nito at humiwalay na kami sa pagkakayakap. "Kailangan na namin umalis bago pa tuluyang bumagsak ang araw," sabi ko kay Mika at tumango naman ito. Sinuot ko na ang baseball helmet at tinago ang baril. Kinuha ko na din ang baseball bat at shield na ginawa ni Mika. Malaki din ang natutulong nito para maiwasan ang mga zombies. Hanggang ngayon din ay suot pa namin ang folder na pinaikot ko para masuot namin sa braso at forearm namin. Kahit papaano ay makakatulong din ito para hindi kami agad makagat ng mga zombies. Matapos kong ayusin ang mga kailangan ay lumapit na kami ni Kelly sa bintana. Tinignan ko si Yohan na natutulog at nahihirapan. Tinignan ko naman si Mika na umiiyak at nakatingin lang samin ni Kelly. "Babalik kami ni Kelly and that's a promise," sabi ko at binuksan na ang bintana. Tinignan ko ang labas dito at may konting mga naglalakad na zombie. Lumabas na ako sa bintana at kumapit sa hagdan. Maingat ang bawat hakbang ko pababa dahil kailangan ay di kami gumawa ng ingay ni Kelly. "Be carefull. Don't make noise," paalala ko kay Mika na nakahawak na din sa hagdan na bakal at pababa nadin. Tinignan ko ang langit at palubong na din ang araw. May mga grupo pa din ng ibon ang nagsisiliparan ng malaya sa malawak na langit. Pagtingin ko naman sa baba ay nakita kong hindi pa alam ng mga zombies na nandito kami. Dahan-dahan akong humakbang pababa sa lupa. Pagkatungtong ko sa lupa ay agad kong inalalayan si Kelly makababa. Nang makababa na sya ay tinignan ko sya sa mga mata. Kita ko ang takot at kaba na nararamdaman nya dito. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya. Nagulat sya sa ginawa ko at nakatingin lang sya sa akin. Diniinan ko ang hawak sa kamay nya at tumango ako. Ngumiti din naman sya at tumango din. Pagkabitaw ko sa kamay nya ay agad ko nang hinawakan ng madiin ang baseball bat. Kailangan lang namin makapunta sa loob ng building na'to dahil mayroong clinic ang bawat building at sa 1st floor ito. Sana lang ay hindi bumaba ang mga zombie na nasa 2nd floor at konti lang ang zombie sa 1st floor. Tahimik akong naglakad papunta sa likod ng zombie. Hinawakan ng dalawang kamay ko ang baseball bat at buong lakas kong hinataw ang ulo ng zombie at tumalsik ang dugo nito sa aking mukha. Nagtinginan na ang mga iilang zombie sa akin dahil sa ingay na nagawa ko. Tinignan ko naman si Kelly na nasa likuran ko at mahigpit din ang hawak nito sa machete. Joshua's P.O.V. "Asan si Matthew?" nagpapanic na tanong ni Zoe at gumala dito sa loob ng classroom. Agad akong lumabas at tinignan ang double door. Nakasara parin ito. Meaning hindi lumabas si Matthew at wala din namang nakapasok na zombie dito. Pero saan sya nagpunta? Nagpunta ako sa loob ng classroom at nakitang wala dito si Zoe. "Zoe?" tanong ko at agad na nagpunta sa kabilang room. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang nandito sya at hinahanap nya lang si Matthew. Lumapit ako kay Zoe at halata sa mukha nito na nag-aalala ito. Agad ko syang hinawakan sa magkabilang balikat at tinignan sa mga mata. Medyo kumalma naman sya dahil sa ginawa ko. "Bak nag-cr lang si Matthew," sabi ko sa kanya. "Nakasara naman ang pinto dito sa building. Wag ka masyadong mag-alala, okay?" sabi ko sa kanya at tinaas ang aking dalawang kilay. "Okay.. sorry," nakayuko nyang sabi. "Wala kang kasalanan kaya hindi ka dapat mag-sorry," sabi ko sa kanya at binitawan na ang balikat nya dahil kalmado na ito. "Pupunta lang akong cr. Baka nandon sya," paalam ko sa kanya at nagsimula nang maglakad pero nahinto din ako nang magsalita sya agad. "Sama ako," agad nyang sagot at naglakad papalapit sa akin. Napakunot naman ang noo ko sa kanya at maya maya ay nanlaki ang mata nya. "Mali ka ng iniisip!" agad nyang depensa at lumayo sa'kin ng isang hakbang. "Hanggang labas lang sana ako. Ayoko kasing maiwan," nakayuko nitong sabi. "Natatakot ako," mahina nyang dugtong. Lumapit naman ako sa kanya at hinawakan sya sa wrist. Napatingin sya sa akin at ngumiti lang ako. Naiintindihan ko ang nararamdaman nya. Natatakot syang maiwan at mag-isa. Naalala ko ang dating sarili ko sa kanya. Takot akong maiwan na mag-isa. "Okay, let's go," sabi ko sa kanya at hinila na sya papalabas sa classroom. Tahimik lang naman sya at hindi ko rin alam ang sasabihin ko kaya nanatiling tahimik na lang din ako. Habang naglalakad sa madilim na hallway ay napatingin ako sa bintana sa gilid at may mga zombies parin dito na pagala-gala at yung iba ay para bang hindi nabubusog at kumakain parin ng parte ng katawan ng tao. Napangiwi na lang ako nang makita ang pagkagat ng isang zombie sa kamay ng tao. Nakakadiri padin ito at hindi kaayaaya sa mga mata. Nang marating na namin ang cr ng boys ay binitawan ko na ang wrist ni Zoe. Tinignan ko naman sya at mukhang nakakatakot syang maiwan dito sa madilim at tahimik na hallway. Nang mapatingin sya sa akin ay nag-iwas lang sya ng tingin. Napangiti ako dahil sa takot din ito sa madilim. "You can go inside. Basta takpan mo lang mata mo pag nakita natin si Matthew. Okay?" sabi ko sa kanya. Napatingin naman sya sa akin at lumiwanag ang kanyang mukha. Ngumiti sya at tumango sa akin. Para talaga syang bata. Nagsimula na kaming maglakad papasok sa cr ng boys. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at napakunot ang noo ko nang makitang patay ang ilaw dito. Tahimik din ito at sobrang dilim. Naramdaman kong humigpit ang kapit sa akin ni Zoe na nasa likuran ko. "Matthew?" tawag ko kay Matthew at nagsimula nang maglakad papasok. Nasan ba ang switch ng ilaw dito? Kailangan ko muna buksan ang ilaw dahil sobrang dilim at wala akong makita. Pumunt ako sa left side at nakasunod lang sa akin si Zoe na mahigpit padin ang kapit sa akin at mukhang takot na takot ito. "Pag wala si Matthew dito ay baka sa 2nd floor sya nag-cr," mahina kong sabi kay Zoe. Nahinto ako sa paglakad nang maramdamang hindi na nakakapit sa akin si Zoe. Nasan si Zoe? Sinubukan ko syang kapain sa likuran ko pero hindi ko sya makita. "Joshua!" natigilan ako nang marinig ang sigaw nya at sunod kong narinig ay sigaw ng zombie. "GRAA!" malakas nitong sabi. "Zoe?! nasan ka?!" sigaw ko. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Hindi ko makita si Zoe damn! Agad kong kinapa ang pader at hinanap ang switch. "Wait Zoe! please iwasan mo makagat!" nagpapanic kong sigaw sa kanya at nagmamadaling hanapin ang switch. "fkc!" inis kong sigaw nang hindi ko ito makapa at nagpatuloy lang ako. "Ahhhh!" narinig ko ang malakas na tili ni Zoe at sunod kong narinig ay kalabog. "Sht!" sigaw ko at padabog na kinapa ang pader at nang mahawakan ko ang switch ay agad kong binuksan ng ilaw. "Zoe nasan ka?!" sigaw ko sa kanya nang mabuksan ko ang ilaw. Agad kong ginala ang paningin ko at hindi ko makita si Zoe. Wala na din kong marinig na ingay at mas lalo akong kinabahan. Naramdaman ko ang pagtulo ng pawis sa aking noo. Napatingin ako sa limang cubicle dito at napalunok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD