ZH: CHAPTER FOURTEEN

1876 Words
Caye's P.O.V. "Fck. Bakit exam day pa nagkazombie outbreak? kung kailan sobrang higpit ng Zeifra High at kinumpis lahat ng phones natin,"Inis na sabi ko habang nakasilip sa binata at nakitang nandito padin sa hallway ang mga zombie at mukhang walang balak ang mga ito umalis. Seriously? "Bakit hindi umaalis ang mga zombies dito?" nakakunot noo ko pang tanong at nang mapatingin sa'kin ang isang lalaking zombie ay agad kong sinara ang kurtina at sumandal sa pader. "It's because sa kadaldalan mo at naririnig nila ang nakakairita mong boses," sabi ni Caraley habang nakatingin sa akin. Tinignan ko sya ng masama at lumapit dito sa teacher's table na inuupuan nya. Hindi ba sya thankful dahil tinulungan namin sya ni Asia? Nagcross arm ako at tinignan sya mula ulo hanggang paa. Nakasuot padin sya ng pang-ballet nya. "Ikaw pa may ganang magalit sa'kin?" mataray kong sabi sa kanya. "Pasalamat ka nga at nakita ka namin ni Asia at tinulungan ko kayo dahil kung hindi ay isa na din kayo ni Denni sa mga zombie na pagala gala ngayon sa labas," sabi ko at tinaasan sya ng kilay. Agad naman syang tumayo kaya napaatras ako ng onti. Tinignan nya din ako ng masama at nagcross arm din ito. Kilala si Caraley biglang isang maldita sa campus pero sorry sya dahil mas maldita ako sa kanya. "Ano? may sasabihin ka ba?" tanong ko sa kanya at humakbang paabante pero hindi sya umatras at nagmamatigas ang isang ito. Tinignan ko sya simula paa hanggang ulo. "Aw, bukas na pala yung kinaaabangan ng mga ballerist na contest," sabi ko at ngumiti sa kanya. "Too bad, wala ng contest except na lang kung gusto mo padin sumayaw sa stage at panoodin ka ng mga zombies," inalis ko ang ngiti sa labi ko at tinignan sya ng seryoso tapos ay tumalikod na. Natahimik sya kaya naman ay masaya ako. Maglalakad na sana ako nang bigla nya akong higitin sa buhok. "You know what? sa sobrang bully mo dapat ikaw na lang ang kinain ng mga zombies!" sigaw nito sa akin habang mahigpit na nakakapit sa aking buhok. "Ano ba?! bitiwan mo nga ako!!" sigaw ko sa kanya at pilit na tinatanggal ang kamay nya sa buhok ko pero masyadong mahigpit ang kapit nya dito at pakiramdam ko ay makakalbo na ako. "Bitawan mo nga si Caye!" rinig kong sabi ni Asia at tinulak nya si Caraley kaya naman ay napabitaw na sya sa akin. Tinignan ko naman sya na nakahiga sa sahig. Nakatingin ito sa kanyang siko na may gasgas at nagdudugo. Mabuti nga sa'yo. "Ohh, bagay pala ang isang ballerist na nagngangalang Caraley Deams sa sahig," nangaasar kong sabi at tumawa kami ni Asia. "Tumigil na nga kayo!" napalingon naman kami kay Denni. Masama ang tingin nito sa amin ni Asia. Talaga nga namang wala silang utang na loob sa amin ni Asia sa ginawa naming pagtulong sa kanila. Sila pa ang galit ngayon. "Tayo," utos ni Denni kay Caraley at nilahad nya ang kamay para tulungan itong tumayo. "Tsk," sabi ni Caraley at hindi nya tinanggap ang kamay ni Denni. Tumayo lang sya mag-isa at padabog na naglakad sa likod at umupo. "See? Mas mahirap pakisamahan ang babaeng yan kaysa sa amin ni Asia," sabi ko kay Denni at umirap sa kanya. "Let's go na nga sa gilid," sabi ni Asia kaya naman nagpunta na lang kami sa gilid at naupo. Fck. Trap kami dito ngayon. No phones at puro zombie lang ang nakikita namin sa labas. Pano kami nyan ngayon lalabas? Nasa 13th building pa kami at napakalayo namin sa gate nitong Zeifra High para makalabas. "Kailangan natin ng pagkain," sabi ni Denni at kinuha ang fire extinguisher sa gilid. "Pano tayo kukuha ng pagkain? puno ng zombies sa labas," sabi ni Asia. Hindi sumagot o nagsalita si Denni at nagpunta sya sa dulo sa mg lockers. Napatakip ako sa tainga ko nang marinig na malakas nyang hinataw ang fire extingushier sa lock ng locker. Biglang kumalabog ang mga zombie sa pinto at binata. "Nahihibang kana ba?" agad na tumayo si Asia. "Kung gusto mo na mamatay, wag mo kami idamay," asar na sabi ni Asia. Hindi ulit sumagot si Denni at binuksan nya ang locker. May kinuha sya sa loob at nagulat ako nang ibato nya ito sa akin. Malambot ito. Napakunot ang noo ko nang makita ito. Tinapay ito. Binatuhan nya din si Asia ng tinapay at nanahimik na si Asia. "Kailangan natin kumain kung gusto pa natin mabuhay at maka-survive," sabi nya at binatuhan din ng tinapay si Caraley na tahimik na nakaupo. "Kailangan din natin makalabas dito sa building na to at sa Zeifra High. Hindi pwede habang buhay tayo dito. Wala tayong sapat na pagkain." sabi pa nito at binuksan ang tinapay nya. "Pero pano?" tanong ni Caraley dito. Ryan's P.O.V. "Nice one," sabi ko kay Kelly at ngumiti sa kanya. Napakagat lang naman sya sa labi nya dahil alam kong kinakabahan padin ito at natatakot lalo na ngayon na ginamit nya ang machete para pumaslang ng mga zombies. Tumingin pa ako dito sa paligid at wala ng zombie. Nasa likod kasi kami ng 6th building at puro nasa harap ng building ang mga zombie. "Ano na susunod nating gagawin? padilim na," kinakabahan na tanong nya sa akin at lumapit sa akin. "Alam mo ba kung pang-ilan sa mga bintanang ito ang clinic?" tanong ko sa kanya at nakatingin lang ako sa bintana dito sa likod ng building. Hindi ko kabisado kung pang-ilang kwarto ang clinic dito sa 6th building. Tinignan ko naman sya at mukhang nag-iisip sya. Ginala ko pa ang paningin ko para siguraduhing walang zombie na papunta sa'min. "Dun sa dulo. Pang dulo ng right side ang clinic. Sa pinakadulo na bintana," sabi nya sa akin. Tumango naman ako sa kanya. Papasok na lang kami sa bintana para hindi na kami dumaan sa harap dahil siguradong maraming zombie doon at isa pa sa kinakatakutan ko ngayon ay baka may makasalubong kaming zombie na sobrang lakas tulad ng zombie na guard kanina. Pagtingin ko naman sa pinakadulo na right ay agad kaming naalerto ni Kelly dahil may mga zombies na naglalakad doon at mukhang papunta ang mga ito sa amin. "Ahhh!" agad akong napatingin kay Kelly nang tumili ito. Agad kong nakita ang isang zombie na nakahiga at buhay padin pala ito. Nakakapit ito sa paahan ni Kelly at napaupo si Kelly. Napatingin ako sa mga zombie sa right side at tumatakbo na ang mga ito papunta sa amin. Napatingin din ako sa left side at may mga zombie na din doon na naglalakad papunta sa amin. Sht! narinig nila ang sigaw ni Kelly. Agad kong kinuha ang machete sa sahig na nabitawan ni Kelly. Tinignan ko si Kelly at mukhang takot na takot ito habang nakatingin sa zombie na duguan at nakahawak sa kanyang paahan. Huminga ako nang malalim. "Close your eyes," sabi ko kay Kelly at agad naman nyang pinikit ang kanyang mga mata. Agad kong pinutol ang kamay ng zombie at napabitaw na ito sa paahan ni Kelly. Sumigaw ang zombie ng malakas at nakita kong bumilis ang lakad ng zombies sa left at right side namin ni Kelly. Tinaas ko na ang machete at agad na hiniwa ang ulo ng zombie at natahimik na ito. "Ryan.." natatakot na sabi ni Kelly habang nakaupo sa sahig at nakatingin sa paligid namin. Ngumiti ako sa kanya at nilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Let's go, Kelly," sabi ko sa kanya at tinanggap nya ang kamay ko. Agad ko syang hinila papunta sa binata na malapit sa amin at pagsilip ko sa bintana ay may mga zombies dito sa loob kaya lumipat kami ng bintana at nang tignan ko ang loob nito ay walang zombies dito at nakasara ang pintuan dito. Agad kong sinubukan na buksan ito pero naka-lock ito sa loob. "Fck," mahina kong sabi at napatingin sa paligid ko na punong puno na ng zombies at malapit na ang mga ito. "Ryan.." mahinang tawag sa akin ni Kelly habang nakatingin lang sa mga zombies. "Don't worry, makakaligtas tayo Kelly," sabi ko sa kanya at hinila sya sa isang bintana. Tinignan ko ito at walang zombie dito. Agad kong sinubukang buksan ito at nakabukas ito. Nakabukas din ang pinto nito pero wala pang zombie dito. Pagkabukas ko ng bintana ay nakita kong may mga iilang zombie na patakbo na sa amin at sobrang lapit na nito. "Pasok!" sigaw ko kay Kelly at tinulungan syang makapasok sa bintana. "Ryan!" umiiyak nyang sabi sa loob. "Bilisan mo! hawakan mo ako sa kamay!" inabot nya ang kamay nya at agad ko iyon na hinawakan. Pagkahawak ko sa malambot nyang kamay ay naririnig ko na ang mga zombie sa likuran ko. Naramdaman ko ding may humawak sa akin sa braso ko pero agad ko itong sinipa nang malakas sa tyan at natumba ito. Naramdaman ko namang may humawak sa damit ko sa likuran at napatingin ako sa mukha ni Kelly na umiiyak. Parang slow motion ang pangyayari. Wala akong marinig kundi ang lakas ng kabog ng aking puso dahil napapalibutan na ako ng mga zombies ngayon. "Hilahin mo ako!" sigaw ko sa kanya. Kelly's P.O.V. Nakahawak ako sa kamay ni Ryan at nakikita ko ang mga zombie sa gilid at likuran nya. Hindi ko mapigilan ang aking luha dahil sa takot at kaba na nararamdaman ko. No! I won't let them take Ryan! "Ahhhh!!" Agad kong hinila si Ryan gamit ang buong lakas ko at nagtagumpay ako. Pagkahila ko sa kanya ay natumba kami. Nakapaibabaw sya sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang makita na sobrang lapit ng mukha nya sa akin. Agad na tumulo ang luha ko nang makitang ligtas sya at nandito sya ngayon sa akin. Kasama ko sya. Agad naman syang tumayo at sinusubukang isara ang bintana. Napatingin ako sa pintuan dahil bukas ito at may zombie na papasok dito sa loob ngayon. Agad kong kinuha ang machete at agad na nagtungo sa pinto. "I will protect you, Ryan," mahina kong sabi at tinignan nang masama ang isang zombie na ito. "Kahit na kapalit ay ang buhay ko. I will not let them take you away from me," sabi ko at nilapitan ang zombie. Tinignan ko si Ryan na nahihirapang isara ang bintana dahil madaming zombie ang nagpupumilit pumasok dito. Hinawakan ko nang mahigpit ang machete at huminga nang malalim. Tinignan ko ng zombie na kaharap ko. "Ahhhh!" sigaw ko at malakas na pinutol ang ulo nya. Pagkaputol ng ulo nitong zombie ay nakita kong may mga zombie nang paparating kaya agad kong sinara ang pinto. Pagkasara ko ng pinto ay agad kong tinulungan si Ryan sa pagsara ng bintana at nagtagumpay kami. Pagkasara namin ng bintana ay napaatras kami sa table dito at nakahing ng maluwag. "Ryan.." mahina kong tawag sa kanya. "Hmm?" tanong nito sa akin. "Thank you for saving me, Kelly," nakangiti nyang sabi sa akin. Agad akong napayuko at sunod-sunod na pumatak ang aking luha. "Kelly! anong problema?" agad syang lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Ryan.. I'm sorry," umiiyak kong sabi sa kanya at tinignan ko ang paa ko. Agad syang napabitaw sa akin at napaatras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD