ZH: CHAPTER FIFTEEN

1649 Words
Ryan's P.O.V. Agad akong napaatras at hindi makapaniwala sa aking nakita. Agad akong napahawak sa aking ulo at sunod sunod na pumatak ang aking luha. Bakit? Bakit si Kelly pa? "Ryan.. I'm sorry," umiiyak nyang sabi sa akin. Tinignan ko sya at namamaga na ang kanyang mga mata sa kakaiyak. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya. Niyakap ko sya nang mahigpit at kahit kailan ay ayoko na syang bitawan pa. "No.. don't cry," sabi ko sa kanya. "Sasama ka pa sa akin. Sa amin nila Yohan at Mika. Lalabas pa tayo dito sa Zeifra High and hihingi ng tulong sa labas, remember?" nanlalabo na ang aking paningin. Bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin at tinulak nya ako. Parang biniyak ang puso ko nang makitang nagiging light gray na ang kulay ng mga mata nya. Gusto kong magwala dahil sa galit at lungkot na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong sumigaw ng malakas at gusto kong yakapin lang si Kelly. "I'm sorry.. Hindi na kita mapo-protektahan, Ryan," Umiiyak nitong sabi sa akin. "No.. makakasurvive pa tayo Kelly," sabi ko sa kanya at ngumit. Lumapit ako sa kanya pero tinulak nya lang ako. "Wag.. wag kang lalapit sa akin, Ryan," nakayuko nyang sabi. "Baka kung ano lang ang magawa ko sa'yo at ayokong may masamang mangyari sa'yo," sabi nito at tumingin sa akin. "Kelly.." mahina kong tawag sa kanya habang nakayukom ang aking mga palad. "Simula bata pa lang tayo ay lagi mo akong pinoprotektahan sa mga nangbubully sa akin. Simula bata pa lang ay lagi na tayong magkasama hanggang sa paglaki natin," ngumiti sya sa akin ng malungkot. "Hanggang sa alam ko na lang ay mahal kita, Ryan," natigilan ako sa sinabi nya. Mas lalong bumuhos ang luha ko dahil sa sinabi nya. Tama ba ang narinig ko? Mahal ako ni Kelly? "Kaya Ryan please.." pinunasan nya ang luha nya. "Please, survive." pagkasabi nya nyan ay agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya. "Ryan! anong ginagawa mo?" pilit nya akong tinutulak pero niyakap ko lang sya nang mahigpit. "Don't leave me, Kelly," umiiyak kong sabi. Hindi ko alam kung ano na lang ang gagawin ko pag nawala sya. Nasanay na akong kasama sya. Nasanay na akong nasa tabi ko lang sya. "I'm sorry, Ryan.." hindi nya na ako tinulak at niyakap nya na din ako. Naramdaman ko init ng yakap nya. Hindi ko mapigilan ang paghikbi ko. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Sobrang sakit. Sobrang sakit sa puso at isipan ang nangyayari ngayon. Hindi ko pa naaamin ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko pa napaparamdam sa kanya kung gano ko sya kamahal. Madami pa rin akong gustong gawin kasama sya. Paano na ako pagnawala sya? "Kelly," humiwalay ako sa yakap at hinawakan ang mala-angel nyang mukha nya. Napakagat ako sa labi nang makitang puti na ang kanyang mga mata at may mga itim na ugat na sa kanyang mukha. Halos kakulay na ng papel ang kanyang mukha at katawan pero maganda padin sya. "I'm sorry ngayon ko lang sasabihin to," Huminto ako saglit at ngumiti sa kanya ng mapait. "Mahal din kita, Kelly. Dati pa. I'm sorry I've been a coward," yumuko ako at naramdaman kong hinawakan nya din ang aking mukha. "I'm happy, Ryan. Masaya akong nakilala kita sa mundong ito," nakangiti nyang sabi habang pumapatak padin ang kanyang mga luha. "I love you, Kelly," sabi ko at hinalikan sya sa noo. Tinanggal na nya ang kamay nya sa aking pisnge at mas lalong tumulo ang luha ko nang maramdamang nanginginig na sya. Kinuha ko sa bulsa ko ang baril at lumayo sa kanya. Tinignan ko sya sa huling pagkakataon. Ang itim nyang mga mata ay ngayon puti na. Ang mahaba at brown na buhok nya ay gulo-gulo na din. Ang mala-angel nyang mukha ay sobrang puti na. Tinaas ko na ang baril at tinapat ito sa kanyang noo. Pumikit sya saglit at pagdilat nya ay sumigaw sya at nakita kong hindi na ito si Kelly. Hindi na sya ang babaeng nakasama ko simula bata. Hindi na sya ang babaeng minahal ko. "You still looks like an angel, Kelly," nakangiti kong sabi sa kanya. Nang patakbo na sya sa akin ay agad ko nang pinutok ang baril sa noo nya at natumba ito sa malamig na sahig. Paalam, Kelly. Mika's P.O.V. Nang makarinig ako ng tunog ng baril ay agad akong napatayo. Agad akong sumilip sa bintana at nanlaki ang aking mata nang makitang madaming zombie dito ngayon sa likuran ng building. Nasan na sila Kelly at Ryan? Okay lang ba sila? Agad akong nakaramdam ng kaba at takot. Pinunasan ko ang luha ko at umupo sa sahig. Nangako sila sa akin. Nangako silang babalik sila. "Mika?" Napalingon naman ako kay Yohan nang magsalita ito. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya. Nakita kong basang basa ito ng pawis. Agad kong kinuha ang towel na nilagyan ko ng konting mineral water na nakuha namin dito sa classroom at pinunasan ang mukha ni Yohan. Nang hawakan ko ang kanyang noo ay mainit pa din sya. Nilalagnat pa din sya. "Nasan sila Ryan?" Mahina nyang tanong sa akin. Agad akong nahinto sa pagpunas sa kanyang mukha at napayuko. Anong sasabihin ko? Nagpunta sila Ryan at Kelly sa clinic sa baba para kuhaan sya ng gamot? Alam kong magagalit lang si Yohan. "Nasan sila? Bakit nakarinig ako ng putok ng baril?" Seryoso nyang tanong sa akin at umupo sa sahig. "Hindi ka pa magaling. Humiga ka muna. Kailangan mo magpagaling," sabi ko sa kanya at kinuha ang isang bote ng mineral water at inabot ito sa kanya. "Lumabas ba sila para kuhaan ako ng gamot?" Tanong nito habang nakatingin sa akin kaya naman ay napaiwas ako ng tingin. "Answer me, Mika," madiin nyang sabi. "Oo," nakayuko kong sagot sa kanya. "Why? Hindi nila kaya ang mga zombie sa labas! Lalo na at dalawa lang sila," agad syang tumayo kaya napatayo din ako at hinawakan sya sa braso. "Ginawa nila yun para sa'yo!" Malakas kong sabi sa kanya at natigilan sya. "Gusto ka nilang gumaling agad para mabilis tayong makahingi ng tulong," dugtong ko pa. "Pano kung may mangyaring masama sa kanila?" mahinang tanong ni Yohan at napaupo sa sahig. Pinunasan ko ang luha ko at kinagat ang labi ko. Hindi ko din alam. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kila Ryan ngayon. "Wag na lang tayo mag-isip ng ganyan. Let's trust them," sabi ko at kinuha ang basang bimpo. "Kaya mahiga kana para mabilis kang gumaling. Kailangan ka namin, Yohan," sabi ko sa kanya at umupo din ako. Napatingin ako sa kanya at nakatingin lang din sya sa akin. "Fine," sabi nya at nag-iwas ng tingin tapos ay humiga na ulit. Agad ko namang pinatong sa noo nya ang basang bimpo. Binigyan ko din sya ng mineral water para inumin ito. Puro tinapay at candy lang din ang nahanap naming pagkain dito sa classroom kanina nila Kelly at Ryan. Nakaupo lang ako at pinagmamasdan si Yohan. Nakapikit na ulit siya at hindi ko alam kung tulog na ba sya o gising pa. Napatingin ako sa mahahaba nyang pilik mata, matangos na ilong at pinkish na labi. Bakit parang mas babae pa sya kaysa sa akin? "Thank you, Mika," rinig kong mahina nyang sabi habang nakapikit. Hindi ako sumagot at ngumiti lang ako. Tumayo na ako at nagpunta na harap ng bintana. Nakita kong padilim na at walang ni isang ilaw ang nakabukas ngayon dito sa Zeifra High. Napabuntong hininga ako. "Please be safe Ryan and Kelly," mahina kong sabi. Eros' P.O.V. "Hindi ba ito prank?" Hindi makapaniwalang tanong ni Royce sa amin ni Jay. "Mukha bang prank ito? Tignan mo nga at live at totoo talaga ang nangyayari ngayon sa labas," sabi naman ni Jay sa kanya. "What the fck. I need to call my Dad," sabi ko at kinapa ang cellphone ko sa bulsa. "Yes! Sa wakas at may cellphone din. Kinumpis kasi ang mga phones namin dahil exam day ngayon dito sa Zeifra High," excited kong sabi dahil sa wakas ay makakahingi na din kami ng tulong mula sa labas! "Huh?" Napatingin naman ako kay Royce dahil hindi nya mahanap ang cellphone nya sa bulsa. "I think i dropped my phone and my earphones," nakakunot noo nitong sabi. "Aahh! Asar!!" Nagpapanic na sabi ni Jay at napakamot sa ulo. "It's your fault!" Nagulat ako ng ituro ako nito ni Royce. "Bakit kasalanan ko?" Naguguluhan kong sa kanya. "Bigla mo kasi akong hinigit o hinila kanina kaya nalaglag siguro ang phone ko," nakasimangot na sabi nito at sumilip ulit sa bintana. "Pano natin kukuhain yung phone ko? Napakadami ng zombies sa labas ngayon. Mahihirapan tayo," seryoso nitong sabi. "Intayin nating kumonte ang zombie," sabi ko sa kanila at tinignan sila ni Jay. "Tsaka natin subukang kuhain yung cellphone mo para makahingi na tayo agad ng tulong dito sa labas ng Zeifra High na ito," paliwanag ko sa kanila at nagsimula nang maglakad dito sa hallway. "Saan ka pupunta?!" Tanog sa akin ni Jay. Halata ang takot at kaba sa kanyang boses at mukha. Gusto kong matawa dahil sa mukha nya ngayon pero hindi ko naman magawa dahil masyadong seryoso at totoo ang nangyayari ngayon. Kailangan namin magseryoso kung gusto namin mabuhay at makaligtas. Isang pagkakamali lang namin ay game over na agad. "Lilibutin ko tong building para i-check kung may zombies ba dito o wala," paliwanag ko sa kanya at tinaas ang baseball bat na hawak ko. Agad namang lumapit sa akin si Jay. "Sama ako," sabi nito sa akin. "Count me in!" Singit naman ni Royce at lumapit din sa akin. "Okay, okay. Pero first kailangan nyo ng mga armas. Pano kung may zombie nga dito at wala man lang kayong panglaban sa mga 'yon?" Sabi ko sa kanila. "Edi game over!" Sagot ni Jay at binatukan ko ang isang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD