ZH: CHAPTER SIXTEEN

1814 Words
Joshua's P.O.V. Agad kong kinuha ang mop dito sa gilid. Mabuti na lang at may mop dito kundi ay wala akong gagamiting armas dahil naiwan ko sa classroom na pinag-stay an namin nila Zoe at Matthew ang armas namin. Naglakad ako paunta sa cubicle at huminga nang malalim. Hinigpitan ko ang hawak sa mop at binuksan ang unang cubicle pero wala dito si Zoe. Biglang tumahimik din at wala akong ibang marinig kundi ang aking hininga. Anong nangyari? Agad kong binuksan ang pangalawang cubicle at wala din ditong tao. Humakbang ako papunta sa pangatlong cubicle at binuksan ito. Napakunot ang aking noo dahil wala din dito si Zoe. Agad akong napalingon sa dalawang natitirang cubicle dahil may kumalabog dito. Hinigpitan ko ang hawak sa mop at dahan-dahan na naglakad papunta sa pang-apat na cubicle. Nawala din ang kalabog at hindi ako sigurado kung sa pang-apat o panglima na cubicle iyon nanggaling. Dahan-dahan kong tinapat ang aking tainga sa pinto nitong pang-apat na cubicle at pinakinggan ang loob. May narinig akong parang gumagalaw dito. Huminga ako ng malalim at hinanda ang mop. Hinawakan ko na ang pinto ng cubicle at bumilis ang t***k ng puso ko. Nararamdaman ko din ang pagtulo ng aking pawis sa noo dahil sa takot at sobrang kaba na nararamdaman ko. Bibilang ako sa isip ko bago ko ito bubuksa. 1.. 2... 3! "Yaaahh!" Pagkasigaw ko ay binuksan ko na din ito at nakahanda na ang aking mop nang makita ko si Zoe na mukhang gulat na gulat at nakalagay ang kanyang kamay sa bibig. "Shh!" Sabi nito sa akin at bigla kaming may narinig na kalabog sa panglima o panghuling cubicle. "GRAA!!" nagwawalang zombie ito at pilit na tinutulak ang pinto ng cubicle. Agad kong sinenyasan si Zoe na lumapit sa akin at magtago sa likuran ko. Sumunod naman sya sa akin. Tumakbo sya ng hindi gaano gumagawa ng ingay at nagtago sa aking likuran. Nakita kong gulo-gulo ang damit at buhok nya. Mabuti na lang at nakaligtas sya sa isang zombie na ito. Nang lumakas pa ang kalabog ay naalerto kami ni Zoe. Mahigpit ang kapit nya sa damit ko sa likuran at mahigpit din ang kapit ko sa mop na nakahanda na. Napalunok ako nang marinig ang sunod-sunod na kalabog at napakalakas nito. Sumisigaw din ang zombie sa loob at mukhang galit na galit ito sa amin ngayon na para bang gustong gusto nitong saktan kami ni Zoe. *Bogsh* "Sht!" Sigaw ko nang mabuksan ng zombie ang pinto. "GRAAA!" malakas na sigaw ang pinakawalan nito at nakita ko ang bibig nito na puno ng mga dugo at laway. "Omygod!" Takot na sigaw ni Zoe sa aking likod at pakiramdam ko ay magkakasugat na ako sa likuran ko dahil sa sobrang higpit nito kumapit ay nararamdaman ko na ang kuko nya. Agad na sumigaw pa ang zombie at patakbo ito sa amin ngayon pero agad kong tinutok ang mop sa kanyang bibig at napapikit ako nang tumalsik ang dugo sa aking mukha. "Fck!" Sigaw ni Zoe at narinig kong nasuka ito dahil hindi nya kinaya ang nakita. Dinilat ko naman ang mata ko at nakitang tumagos ang mop sa bunganga nito hanggang sa likod ng kanyang ulo. Gusto ko din masuka sa aking nakita pero pinipigilan ko lang ito. Ganto din ang nangyari kanina sa library nung kasama ko si Zoe. "Ayos ka lang ba?" Agad naman akong humarap kay Zoe na namumutla at parang magkakasakit. "Ayos pa naman ako," sabi nito at nagmumug matapos sumuka. "Nasan kaya si Matthew?" Kunot noo kong tanong. "Hindi kaya nasa 2nd floor sya?" Sabi ni Zoe habang pinupunasan ang basa nyang labi at mukha. "Kailangan natin sya mahanap," sabi ko at lumapit sa zombie na ito. Hinawakan ko ang mop at hinila ito sa kanyang bibig. Pagkahila ko ay may natitirang dugo pa din na tumulo sa sahig. Agad namang nasuka ulit si Zoe at napabuntong hininga na lang ako. Kailangan nya na masanay makasaksi ng ganito. Matapos nyang sumuka ay nagmumug at hilamos sya ulit. Tinignan ko ng maigi ang kanyang itsura at katawan. Wala naman syang kagat ng zombie o kahit na gasgas na natamo kanina. Mabuti naman. "Hindi nya ako nakagat," sabi nya at masama akong tinignan. "Hinila nya ako sa panglimang cubicle at sa sobrang dilim ay hindi ko sya makita. Pinaghahampas at sipa ko sya hanggang sa mahiga ako sa sahig at gumapang ako papunta sa kabilang cubicle," paliwanag nya sa akin. Tumango naman ako. "Mabuti naman, " sabi ko sa kanya at hinawakan na sya sa wrist. "Kailangan na natin mahanap si Matthew. Let's go," seryoso kong sabi sa kanya at hinila na sya papalabas sa cr ng boys. Pagkalabas namin ay agad ko namang sinarado ang pinto. Hindi ko ito malo-lock dahil nasa loob ang lock nito. Hindi naman marunong magbukas ang mga zombies ng pinto gamit ang door knob. Ang alam lang nila ay magwala at magtulukan hanggang sa makapunta sila sa kung saang gusto nila. Pagkaakyat namin ni Zoe sa 2nd floor ay tahimik at madilim din dito. Nakakapagtaka naman na lumayo si Matthew dahil alam ko ay hindi ito lalayo sa amin dahil delikado at natatakot sya. Tahimik ko lang na hawak-hawak sa wrist si Zoe habang naglalakad papunta sa cr ng boys dito. "Nandito na tayo," mahinang sabi ko at huminto na kami ng nasa tapat na kami ng cr ng boys. "Joshua." Napatingin ako kay Zoe nang magsalita ito at nakatingin sa sahig. "Bakit?" Nakakunot noo kong tanong dito. "Hindi ba dugo 'yan?" Pagkasabi nya nyan ay tinuro nya ang sahig at agad akong napatingin dito. Madilim dito sa 2nd floor pero dahil sa madaming bintana diro sa hallway ay nabibigyan dito sa loob ng liwanag ng buwan kahit papano. Agad na nanlaki ang mata ko nang makita na may dugo nga sa pinto ng cr ng boys. "Dyan ka lang. Wag kang aalis," madiin kong utos kay Zoe at tumango naman sya. Hinigpitan ko ang hawak sa mop na ngayon ay naliligo na din sa dugo. Hinakawan ko ang door knob ng cr ng boys at napakunot ang aking noo dahil bukas ang ilaw dito. Tinignan ko ang paligid at puting puti ang kisame at pader. Napatingin naman ako sa sahig at may dugo ito papunta sa bathroom sink. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa bathroom sink. Huminto ang dugo dito. Tinignan ko ang bathroom sink at nakitang may bahid ng dugo dito. Anong nangyari? "Joshua! May dugo pa dito!" Rinig kong sigaw ni Zoe sa labas. Agad naman akong lumabas at nakita ang dugo na papunta sa left na hagdan. Dalawa kasi ang hagdan ng building. Mayroon sa right side at mayroon din sa left side. Sa right side kami dumaan ni Zoe kanina. "Sundan natin. Baka nasa panganib ang buhay ni Matthew." Nagaalalang sabi ni Zoe sa akin. Tumango naman ako at nagsimula na ulit kaming umakyat. Nasa likuran ko lang din si Zoe habang hawak-hawak ko naman ang mop. Pagkaakyat namin ay tahimik at patay din ang ilaw dito. Tinignan ko ang dugo at mayroon pa din sa hagdan pataas. Tahimik, dahan-dahan at maingat kaming umakyat ni Zoe. Bawat hakbang ko ay dumadagdag ang kaba at takot na nararamdaman ko. Bawat hakbang ko ay bumibigat ang aking katawan. "Sa rooftop?" Naguguluhang tanong ni Zoe habang nakaturo sa dugo sa hagdan na papunta sa 5th floor. Ang rooftop. Bakit pupunta si Matthew sa rooftop? Teka. Si Matthew nga ba ang sinusundan namin o ibang tao ito? Nagsimula na ulit kaming umakyat ni Zoe papunta sa rooftop. Hindi namin alam ang susunod na mangyayari. Hindi namin alam kung ano o sino ang sinusundan namin. Nang mapuntahan na namin ang pinto papunta sa rooftop ay nakita kong may dugo din sa doorknob. Tinignan ko si Zoe at halata mo sa kanyang mukha ang kaba na nararamdaman nya. Hinawakan ko ang doorknob at huminga ng malalim bago ito buksan. Ryan's P.O.V. Madilim na at nakaupo lang ako sa sahig. Pinagmamasdan ko si Kelly na hindi na humihinga. Si Kelly na hindi na gumagalaw at wala ng buhay. Inangat ko ang baril na hawak ko na syang pinutok ko sa ulo ni Kelly. Pinagmasdan ko ito at tumulo na naman ang aking luha. Napakagat ako sa labi at yumuko. Hindi ko alam bakit si Kelly pa kung pwede namang ako na lang ang dapat na namatay. Dahan-dahan kong tinapat sa aking ulo ang baril. Kumikirot ang aking puso tuwing nakikita ko si Kelly na nakahiga ngayon sa aking harapan. Hindi na naman tumitigil ang aking luha sa pagtulo. Hinawakan ko ng madiin ang baril at pinikit ang aking mga mata. "RYAAANN!" "Ang ingay mo. Hinaan mo nga ang boses mo," nakasimangot kong sagot sa kanya. "Ehh, masaya ako! Pinayagan ako nila Mama na sa Zeifra High na lang mag-aral para kasama kitaa!" Halata mo ang saya at excited sa mukha nito. "Hindi ba sa St. Pholo mo gusto mag-aral? Bakit ka pa lumipat sa Zeifra High?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Nandito kami ngayon sa isang paborito naming coffee shop. Once a week ay nagpupunta kami dito para magkape. Hindi ko rin naman sya inaya ngayon na magkape at hindi ko alam pano nya nalaman na nandito ako ngayon. "Syempre. Gusto kong kasama ka," mahina nitong sabi at uminom ng inorder nyang hazelnut coffee. "Tsaka, malaki at malakas na ako ngayon. It's my turn now para protektahan ka," sabi nito at tumingin sa akin atsaka ngumiti. Napasimangot naman ako. Mas bata lang ako sa kanya ng isang taon pero ngayon ay akala mo ate ko sya. Simula bata ay kaklase ko na sya at lagi syang nabu-bully non. Hindi ko gusto na may umiiyak kaya tinulungan ko sya non. Hindi ko rin alam na lagi pala syang nabu-bully kaya lagi ko na din syang napagtatanggol hanggang sa naging magkaibigan na kaming tuluyan. Last school year naman ay may mga grupo ng lalaki ang gusto akong sigain at bully-hin dahil mag-isa lang ako at wala akong kaibigan na lalaki dahil si Kelly lang ang kaibigan ko. Naalala ko inaasar pa akong bakla non at si Kelly naman ang nagtanggol sa akin. Sobrang tapang nya non at tuwing naalala ko ay natatawa na lang ako. Tinignan ko si Kelly na busy sa pagkain ng blueberry cheesecake nya. Mukhang gutom na gutom ito. Ngumiti naman ako sa kanya. "Thank you," sabi ko dito. Agad akong napadilat at tinanggal ko ang baril sa aking ulo. Napalunok ako at sinuntok ang sahig. Hindi ako pwede sumuko. Sinabihan nya akong kailangan ko maka-survive. Tinignan ko ang kamao ko na nagdudugo. Tinignan ko si Kelly at ngumiti sa kanya. Tumayo na ako at kinuha ang machete. "I promise, that I'll survive, Kelly," mahina kong sabi at masamang tinignan ang mga zombie sa labas ng bintana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD