ZH: CHAPTER SEVENTEEN

1951 Words
Mika's P.O.V. Isang oras na ang nakakalipas at madilim na. Nakalubog na ang araw pero wala padin sila Ryan at Kelly. Pinagmasdan ko ang mga zombie sa baba dito sa likuran ng building at nandito padin ang mga ito. Kanina pa din ako nagdadasal na sana ay ayos lang sila Kelly at Ryan. Sana walang masama na nangyari o mangyayari sa kanila. Kailangan nila bilisan dahil mas delikado na at mas lalo ng dumadami at ngtitipon tipon ang mga zombies. "Wala padin ba sila?" Tanong ni Yohan. Tinignan ko naman si Yohan at nakaupo na ito habang nakatingin sa akin. Seryoso lang ang kanyang mukha. Agad akong tumango at yumuko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit nasa labas sila Ryan at Kelly ngayon. "Hey, Mika." Napatingin ako kay Yohan nang nasa harapan ko na pala ito at nakayuko ito para makaharap ang aking mukha. "Don't cry, it's not your fault. Okay?" sabi nito at pinunasan ang luha ko. Tumango lang ako sa kanya pero hindi parin tumitigil ang aking luha. Hindi ko alam pano patigilin ang luha ko. Siguro kung kanina ay pinigilan ko sila Ryan at Kelly ay ngayon nandito sila pero mas lalong lalala lang naman ang kondisyon ni Yohan kung walang kikilos sa amin. "I said stop crying," sabi pa nito sa akin. Tumingala ako para makita ang mukha nya pero nanlaki ang aking mata at bumilis ang t***k ng puso ko. Parang tumigil ang paligid at wala akong ibang marinig kundi ang pintig ng puso ko. Sobran lapit ng mukha ni Yohan. "A-ah, sorry--" naputol ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang labi nya sa akin. Hindi ako makagalaw at napatutulala lang. Hindi ko rin alam kung ano ang nararamdaman ko. Bakit mo ako hinalikan Yohan? Nang maalala ko ang pangloloko nya sa akin ng bestfriend ko ay agad ko syang tinulak. Nakita kong nagulat sya sa ginawa ko. Pinunasan ko ang labi ko at masama syang tinignan. "Wag na wag mo na ulit gagawin to sa'kin," matigas kong saad at naglakad papunta sa likod at umupo sa sulok. Habang nakaupo ako ay nakita ko namang nakayuko lang sya at naglakad na papunta sa pisara. Napahawak naman ako sa aking puso. Hindi to pwede. Bakit bumibilis na naman ang t***k ng puso ko dahil kay Yohan? Hindi pwede bumalik yung nararamdaman ko sa kanya. He's a playboy, Mika. Hindi sya seryoso sa'yo. Wake up, Mika. Ryan's P.O.V. Pagkalabas ko sa classroom ay may nakasalubong akong dalawang zombie. Agad kong hinawakan nang mahigpit ang machete at pinagpuputol ang kanilang mga ulo. Kailangan ko makapunta sa clinic sa dulo. Kailangan kong makapunta don ng walang kagat at buhay. May tatlong zombie pa ang tumatakbo papunta sa akin ngayon. Masama kong tinignan ang mga ito at hinanda ang machete na hawak ko. Nang makalapit sa akin ang isa ay agad kong hiniwa ang leeg nito at tumalsik ang dugo nito sa pader. Natumba din naman sya agad at may dalawang zombie nang papalapit sa akin. Agad kong pinutol ang ulo ng isa ngunit nahawakan ako sa braso ng isa pang zombie. Agad kong hiniwa ang kamay nito at napabitaw ito sa akin. Akmang kakagatin ako nito sa braso pero siniko ko ang mukha nya at agad na hiniwa ang mukha. Nagsimula na ulit akong maglakad papunta sa dulo at nakikita ko na ang sign ng clinic. May mga iilang zombies pa akong nakakasalubong pero dahil isa isa o dala-dalawa lang sila ay madali na lang sila paslangin para sa akin. Isang classroom na lang at nasa tapat na ako ng clinic. Isa na lang at malapit na ako sa pupuntahan natin Kelly. Agad akong napatingin sa likuran ko at nanlaki ang mata nang makita ang napakaramimg zombies na galing sa 2nd floor at pababa na ang mga ito. Agad akong tumakbo at kada may madadaanan akong zombie ay pinagtutulak ko ang mga ito. Nang nasa harapan na ako ng clinic ay hinawakan ko na ang doorknob at tinignan ang mga zombies na sumisigaw at nagtatakbuhan papunta sa akin. Mukha silang mga gutom na gutom at handang gawin ang lahat para lang magunahan sila sa akin. Pinihit ko na ang doorknob at agad na pumasok. Sinarado at ni-lock ko naman ang pinto. Naririnig ko ang napakalakas nilang pagwawala at kalabog. Nakita ko pa ang mukha ng isang zombie sa salamin sa pinto. Nakita ko ang pisnge nito na may kagat at kita na ang laman at buto nito. Hindi ko sila pinansin at ginala ang paningin dito sa clinic. Nakasara ang mga kurtina sa limang kama dito. Tahimik at malinis din naman dito sa loob. Kinuha ko ang puting tote bag sa upuan ng nurse at tinapon ang laman nitong mga make up, towels at pera. Nang wala ng laman ang bag ay agad na akong nagpunta sa mga cabinet na pinaglalagyan ng mga panggamot. Binuksan ko ang cabinet at nakita ko ang mga alcohol, betadine at bandage. Pinagkukuha ko ang mga ito at nilagay sa bag. "Kailangan ko ng gamot," mahina kong sabi sa sarili at nagpunta sa gilid kung saan nandito ang mga gamot. Binuksan ko ang drawer at nakita ang mga gamot na tablets, capsules at soft gel capsules. Lahat ito ay kinuha ko at nilagay sa bag. Kumuha din ako ng iilang puti at malilinis na towels. Pati ang mga gunting at pantahi sa sugat ay kinuha ko na din at nilagay sa bag dahil baka kailanganin namin. May mga iilang bote ng tubig din dito na nakalagay sa mini ref at kinuha ko din ang mga ito. Pati mga kape at iba pang energy drink dahil kailangan namin ito. Matapos kong kuhain lahat ng sa tingin ko ay kailangan ay pumunta ako sa bintana at sumilip. Madilim pero sapat na ang liwanag na binibigay ng buwan para makita ko kung ano ang mga nasa labas at kung ano ang nangyayari dito. Walang zombie sa area na ito. Nasa kabilang side pa din sila kung saan pumasok kami ni Kelly. *Bogsh* Agad akong napalingon sa pintuan at nakita kong nabasag na ng mga zombies ang salamin sa pintuan. Rinig na rinig ko na ang nakakatakot at nakakapangilabot na boses nila. Agad ko nang hinawakan ang bintana para lumabas pero nagulat ako ng may kamay na humawak sa aking paahan. Nagulat ako na makitang galing ito sa ilalim ng kama at nagkalat ang kanyang dugo. Nakasuot sya ng puting dress. Teka.. hindi ba sya yung nurse dito? "Tu-tulungan mo ako.." wika nito sa akin. Napaatras ako nang makita na sumuka sya ng dugo. Tinignan ko ang braso nya at dito nanggagaling ang dugo sa sahig. Marami syang kagat sa braso at may tela syang tinali sa braso nito para siguro pigilan ang mabilis na pagkalat ng virus sa kanyang katawan. *Thud* Napatingin ako sa pintuan at nakita kong umuuka na ito at malapit nang matanggal ang doorknob. Napatingin ako sa nurse at unti unti nang nagiging light gray na ang kanyang mga mata. Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa paa ko at binuksan ng dahan-dahan ang bintana para hindi marinig ng mga zombies sa labas. Napatingin naman ako sa nurse nang hawakan nya ako ulit sa paahan. "Please.. tulungan mo ako. Gusto ko pang mabuhay! Ayoko pang mamatay!" Umiiyak nitong sabi sa akin habang lumalabas na ang mga itim na ugat sa maputi nyang mukha. "Sorry," sabi ko sa kanya at sinipa ang kamay nya. Kailangan ko lakasan ang loob ko. Hindi ako dapat maging mahina. Ginagawa ko to lahat para kay Kelly. Ginagawa ko ang lahat ng kayo ko para sayo Kelly. *Bogsh* Agad na nanlaki ang mata ko ng tuluyan nang matumba ang pintuan at agad na nagtakbuhan ang zombie sa amin. Agad na akong lumabas sa bintana at pinagmasdan ang mga zombie. Agad silang lumapit sa nurse at pinagkakain ito na para bang gutom na gutom sila at ngayon lang nakakain. "Aaahh!! Tulongg!!" Halata ang sakit at pagkawala ng pag-asa sa boses ng nurse na ito. Infected na sya. Kahit tulungan at isama ko sya ay baliwala na din ito. Mabilis kong sinara ang bintana at napatingin sa akin ang mga zombies dito sa labas. Agad silang nagsigawan at takbuhan papunta sa akin. Hinanap ko naman ang bakal na hagdan paakyat. "Sht!" Sigaw ko nang hindi ko ito makita dahil madilim sa area kung nasaan ako. "GRAA!" Agad kong kinapa ang hagdan na bakal at nang mahawakan ko ito ay agad na akong umakyat dito. Ginamit ko ang natitira kong lakas para bilisan ang pagakyat. Hindi na ako tumingin sa baba at sa taas lang ako nakatingin. Napatingin ako sa malaking puti at bilog na bilog na buwan. Kasing ganda at mahinahon nito si Kelly. Nangmakapa ko na ang bintan sa 2nd floor ay agad akong kumatok dito. Nasan na si Mika? Napatingin ako sa baba at nakitang may isang zombie ang umaakyat at nakatingin lang ito sa akin. Sht! Bakit ang tanga ko din kanina? Nasa baba lang ng classroom na pinag-stay-an namin nila Kelly ang clinic! Yohan's P.O.V. Agad kaming napatayo ni Mika nang marinig na may kumatok sa bintana. Kahit nahihilo ako at masama ang pakiramdam ay mabilis akong nagpunta sa bintana. Pagbukas ko ng kurtina ay nakita ko si Ryan na kumakatok at nakatingin sa baba. "Si Ryan! Omygosh!" Natataranta na sabi ni Mika. "Gumilid ka," utos ko kay Mika at sumunod naman ito. Agad kong binuksan ang bintana at nanlaki ang aking mata na makitang nagkukumpulan ang mga zombies sa baba at mayroong mga umaakyat. Agad na binato ni Ryan ang puting tote bag sa loob habang nasa bakal na hagdan pa ito. Tinignan ko siya at nilahad ko ang kamay ko sa kanya. Agad nya namang tinanggap ang kamay ko at sinubukan kong hilahin sya pero ang bigat nya. Napakunot ang noo ko at nakitang may isang zombie ang nakahawak sa kanyang paa ngayon. "May zombie na nakahawak sa akin!" Sigaw nito. "Sht!" Sigaw ni Mika, "sipain mo!" Nagpa-panic na utos ni Mika dito. "I'm trying! Masyadong mahigpit pagkakahawak nya sa akin!" Nahihirapang sabi ni Ryan habang sinipa at ginagalaw ang kanyang paa. Agad akong napatingin sa bakal na hagdan nang tumunog ito at umaga. Tinignan ko ang kinakapitan at natanggal ang isang pako nito. Sht! "Kumapit ka nang mahigpit sa akin!" Sabi ko sa kanya. "Akin na ang machete!" Utos ko pa sa kanya at nahihirpan nya namang inabot ito sa akin. Nang mahawakan ko ang machete ay agad kong pinutol ang kabilang side ng bakal na hagdan. "Ahhh!" Sigaw ni Ryan at hinigpitan ang kapit sa aking kamay. Agad kong binato ang machete sa malayo at ginamit ang dalawa kong kamay para tulungan si Ryan. Nakita ko namang nagsilaglagan ang mga zombie pati narin ang nakahawak sa paa ni Ryan. Sht! Pakiramdam ko ay malaglag na din ako kasama si Ryan. Agad kong tinignan si Mika at agad naman syang lumapit sa akin. "Hilahin mo kami gamit ang lakas mo," nahihirapan kong sabi sa kanya. Hindi ko parin kaya si Ryan dahil nanghihina padin ang aking katawan. Tumayo si Mika sa likuran ko at kumapit sa baiwang ko. Naramdaman ko ang mainit at malambot nyang kamay sa tyan ko. "Stop staring at me," masungit nitong sabi at natawa na lang ako dahil sa reaksyon nya. "Aaaahh!!" Sumigaw sya at hinila kami ni Ryan gamit ang buong lakas nya. *Bogsh* Sunod sunod kaming bumagsak sa sahig at hinabol namin ang aming mga hininga. Napaubo pa ako at napahawak sa aking ulo dahil kumirot ito. Tinignan ko naman si Ryan at napakunot ang aking noo. "Nasan si Kelly?" Tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD