ZH: CHAPTER EIGHTEEN

1066 Words
Joshua's P.O.V. "Matthew?" Tawag ni Zoe kay Matthew pagkabukas ko ng pinto dito sa rooftop. Nakita namin sya na nakatalikod lang at may mga butil ng dugo sa sahig papunta sa tinatayuan nya. Hindi sya sumagot at nakatalikod padin ito. Naramdaman ko naman ang malamig at malakas na hangin dito sa rooftop. "Matthew?" Ulit na tawag dito ni Zoe at nagsimula nang maglakad si Zoe papunta sa kanya. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ito sumasagot sa amin. Nakatalikod padin ito na para bang hindi nya kami naririnig. Nagsimula na din ako maglakad papunta sa kanya. "Bakit ka nandito sa rooftop? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Zoe at hinawakan nya si Matthew sa balikat. "Kanina kapa namin hinahanap ni Joshua. Tsaka bakit ka nagdudugo? May sugat ka? Anong nangyari sa'yo?" Natigilan ako sa paglalakad nang makita na mahinang nanginginig ang ulo at katawan ni Matthew. Agad akong napatingin sa kaliwang kamay nya at may dugo ditong tumutulo. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at agad na napatingin kay Zoe. "Zoe! Lumayo ka sa kanya!" Malakas kong sigaw kay Zoe at tumakbo papunta sa kanila. Bigla namang napalingon na si Matthew kay Zoe at napatili ito. "Ahhh!" Agad syang bumitaw dito at napaatras. Pagkalingon ni Matthew ay nakita kong naging light gray na ang dalawang mata nito. Sobrang puti na din ng balat nya. Kita na din ang mga itim na ugat sa kanyang mukha. "Matthew!" Sigaw ni Zoe dito dahil sobrang lapit na ni Matthew kay Zoe. Nang malapitan ko sila Matthew at Zoe ay agad kong tinulak si Matthew at humarap ako kay Zoe. "Magtago ka muna o lumayo dito," sabi ko sa kanya at agad naman syang tumango at nagpunta sa pinto. "GRAAA!" Napatingin ako sa likod ko at nagulat ako nang tulakin ako ni Matthew sa pader pero agad kong hinarang ang mop para hindi nya ako makagat sa mukha. Pinagmasdan ko ang mukha nya. Hindi na sya si Matthew. Wala na si Matthew. Halos puti na ang kulay ng mga mata nito samantalang kulay itim na itim naman talaga ang kulay ng kanyang mga mata. Napapikit ako at pinigilan ang hininga dahil sumigaw ito ng malakas sa aking bibig. Naramdaman ko ang nakakadiring laway nito na tumalsik sa aking pisnge at noo. Agad kong binuhos ang lakas ko para itulak sya gamit ang mop. Pagkatulak ko naman sa kanya gamit ang mop na hinarang ko ay napasigaw ako dahil sa lakas nito. Mabilis akong tumakbo at patuloy ko lang syang tinutulak hanggang sa mapunta kami sa hawakan dito sa rooftop. "Joshua! Itulak mo sya!" Sigaw ni Zoe sa akin. "Alam ko!" Sigaw ko din at buong lakas na sinusubukang itulak si Matthew dito sa rooftop. "GRAAA!!" Biglang lumakas ito at muntik na akong matumba pero agad kong diniinan ang hakbang ko para hindi nya ako agad matibag. "Aaahhhh!" Sigaw ko habang tinutulak sya. Ramdam ko na ang pawis ko dahil sa pagod. Ramdam ko na din ang sakit at pagod ng aking hita at braso. "I'm sorry, Matthew," sabi ko dito atsaka binuhos ko na ang natitirang buong lakas ko at nagtagumpay naman ako. *Thud* Agad akong napatingin sa baba at nakitang bali-bali na ang buto nito sa sahig habang dilat ang mga mata. Agad na lumapit din sa akin si Zoe at tinignan si Matthew na wala ng buhat at hindi na gumagalaw o humihinga pa. "Matthew.." mahina nyang wika. Halata sa kanyang boses ang lungkot. Kahit ako din ay nalulungkot sa nangyari kay Matthew. Akala ko makakalabas o ligtas kaming tatlo ng buo pero hindi pala. Mali ako. Napakunot ang aking noo nang makitang nagkukumpulan ang mga zombie sa katawan ni Matthew. Maya maya pa ay nagsimula din silang kainin si Matthew. Bakit pati Zombie na o katulad nila ay kinakain din nila? "Kinakain ba nila si Matthew?" Rinig kong mahinang tanong sa akin ni Zoe. "Pero bakit? Zombie na din naman na si Matthew," sabi pa nito. "Hindi ko alam," saad ko at tumalikod na. Sumandal ako sa railing at napabuntong hininga. Tinignan ko ang langit na puno padin ng mga bituwin at isang malaki na puting buwan. Habang nakatingin sa langit ay naririnig ko ang mga zombie sa baba. Naririnig ko ang kanilang pagkain kay Matthew. "Hindi kaya yung zombie sa cr kanina sa boys yung nakahawa kay Matthew?" Tanong ni Zoe sa akin. "Hindi ko alam," mahinang sambit ko at napaupo na lang sa sahig dahil sa pagod na nararamdaman. "Pero sa 2nd floor ng cr ng boys nagsimula ang dugo nya. Hindi kaya.. may isa pang zombie dito sa building?" Seryoso ang tono ng boses ni Zoe. Tama sya. Maaring may isa pa o hindi namin alam kung ilang zombie pa ang nandidito ngayon sa building na ito. Kailangan ko sila agad mapatay. Hinawkan ko ang mop at akmang tatayo na nang matumba lang ako. "Joshua! Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Zoe. Tinignan ko sya at mukhang umiiyak ito. May bahid pa din ng lungkot ang kanyang mukha. Mukha din syang nagaalala sa akin ngayon. "Magpahinga na muna tayo," sabi ni Zoe. "Kahit dito na muna tayo sa rooftop matulog, okay lang," sabi pa nito at tinabihan ako sa pagupo dito sa sahig. "Masarap din naman matulog dito. Presko at malamig pa ang hangin!" Masaya nitong sabi. Tinignan ko naman sya at nakitang nakatingin sya sa langit habang nakangiti. Tinignan ko din ang langit at mas dumami pa lalo ang mga bituwin. Napangiti din ako habang nakatingin dito. Napakalawak talaga ng langit. Maaliwalas din dito. Tuwing nakikita o nakatingin ako sa langit pakiramdam ko talaga ay wala akong problema. Parang nakakalimutan ko lahat. Lahat ng problema. "Nakakapagod naman ngayong araw," sabi ni Zoe at nag-unat unat ito. "Nag-aral pa naman ako ng maigi. Late pa nga ako sa klase dahil sa pag-aaral ko para sa exam dahil ayoko bumaba ang grades ko at madisappoint si Mama pero nasira yun dahil sa zombie. Lahat ng pangarap din natin ay nasira dahil dito. Parang wala nang future na ilo-look foward ang mga gaya natin," mahinang sabi pa nito. Tinignan ko naman sya at nakayuko lang sya habang nakapikit na ang mga mata. Napabuntong hininga naman ako. Tama sya. Sa isang iglap ay biglang nagbago ang lahat. "Goodnight, Zoe," bulong ko sa kanya at naramdaman ko na lang na bumagsak ang ulo nya sa balikat ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD