Charles's point of view Pagkapanganak sa aming kambal na babae, halos isang linggo na muna si Regina sa hospital dahil tumaas ang presyon ng kanyang dugo. Lagi naman kasing nagagalit kaya paano hindi tataas ang kanyang blood pressure. Sobrang na stress siya na hindi siya matandaan ng aming anak. Mas Lalo pa siyang na stress ng nagdala ng babae sa hospital ang anak namin para dalawin siya. Hinding-hindi ko makalimutan kung paano siya nagalit sa anak namin. Ayaw daw niya sa babaeng dala niya dahil mas gusto niya si Dianna para sa aming anak. After a week na hindi nagpakita ang aming anak sa kanya ay normal na muli ang blood pressure niya. Pinayuhan ko kasi ang aking anak na huwag na muna magpapakita sa kanyang Ina. Lumabas na kami sa hospital at inuwi ko na sila sa bahay. Nabuhay ang akin

