Raselles's point of view Japan2x Pagkatapos ng concert ay pinalibutan na kami ng mga guards dahil pati ang mga press ay sumugod na rin. Mabuti at dala ni Kuya Rowan at Tito Vince ang mga bodyguards nilang malalaki ang mga katawan kaya walang nakalapit sa amin at higit sa lahat ay walang nasaktan. Napagpasyahan namin ni Kuya na mag Japan na muna gamit ang private plane ni Tito Vince na papuntang America sana. Doon na muna kami ng isang buwan hanggang humupa ang mga tao at press. Babalik na lang kami sa 52nd birthday ni Tito Vince. Pagpasok palang namin sa eroplano ay binuhat na niya ako agad, natawa ang mga crews kaya nahihiya akong itinago ang aking mukha sa kanyang dibdib. "Marami tayong pag-uusapan baby." Sabi niya at ginamit ang kanyang paa para buksan ang pinto. "Kuya gutom na a

