Nathalie's point of view Nang magising ang aming kambal ay mabilis ko silang pinadede. Tig-isa na sila dahil pareho silang hindi makapag hintay. Lahat ng ugali at mukha ay nakuha nila sa kanilang ama. Tinulungan ako ni Daddy Vince na hawakan ang aming Jr. "Ang mga mata mo Daddy." Puna ko sa kanya dahil halos lumuwa na ang kanyang mga mata na nakatingin sa dibdib ko. "Mas lalong silang lumaki baby." "May gatas nga." Sagot ko na nailing. Ang mga anak namin at nagpapaligsahan sila sa pagsipsip at may tunog pa talaga. Mabuti at noong nasa bahay kami ng mga magulang ko ay ginabayan ako ng aking Ina kung ano ang mga dapat kung kainin para maraming akong gatas. Ang problema lang ay ayaw nilang dumede talaga sa bote kahit gatas ko ang laman. Ang hirap pa ay nasanay silang katabi namin si

