Vince's point of view Pagkatapos ng masarap naming loving-loving ng asawa ko ay saktong nagising na ang aming kambal. Kumain na kami at parang na re charge nga ang aking katawan. Tinapos ko ng mabilis ang aking trabaho dahil birthday pala ng nililigawan kong ama ng aking asawa. Mabuti at may extra pa si Kuya Mark. Pinuntahan ko siya sa kanyang condo sinabi ko na kasama ko ang mag-iina ko kaya baba nalang daw. Pagdating namin sa building ay nasa baba na nga siya. Agad akong bumaba at nagbatian kami. Masaya siya ng nalaman niya na buhay si Ate Ria. Ibinigay lang niya ang paper bag at napa-alam na ako. Gusto man niyang silipin ang mag-iina ko pero tumatawag na ang kanyang asawa. Pumasok na ako sasakyan at ibinigay kay Nat ang paper bag tinignan niya ito at sinabi ko kung ano ang mga ito.

