Chapter 1

2170 Words
Chapter 1 ALIGAGA at hindi magkamayaw ang mga tauhan ng Zaire’s Hotel. Abala ang lahat sa paghahanda dahil sa paparating na bagong CEO. Habang ang iba ay busy sa mga kanya-kanyang gawain, si Monina naman at Darlene ay tahimik lamang na naghihintay sa isang tabi habang hawak-hawak ang malaking banner na may nakasulat na ‘Welcome Our New CEO’. “Balita ko, guwapo raw ang bago nating boss at binata pa, kaya’t may chance pa tayong dalawa,” kinikilig na saad ni Darlene. “Tse! Ilang CEO at COO na ang dumaan dito ngunit wala pa akong napupusuan, kaya’t imposibleng magkagusto ako sa bago nating boss,” confident niyang sagot. Wala talaga sa isip niya ang ma-fall sa mga big bosses nila, lalo na iyong mga happy-go-lucky at puro lang pa-cute sa mga kababaihan ang inaatupag. “Ang nega mo naman! Malay mo itong bago nating boss ang magpalaglag na sa ‘yo ng panty!” Mas lalo pa itong kinilig. Ngani-nganing binatukan niya ito dahil nakatatawag na sila ng pansin sa mga naroroon. “Maghunos-dili ka, Darlene at makukurot kita sa singit!” pigil na pigil siya habang nagsasalita. Ayaw niyang gumawa ng eksena roon. “Mamaya ka lang,” bulong niya. Ilang sandali pa ay mabilisan nang pumunta sa kani-kanilang puwesto ang bawat isa dahil dumating na pala ang bagong CEO nila. “Oh my!” narinig niyang sambit ni Theo, ang baklang kasamahan niya, nang masilayan ang guwapong mukha ni Lourd. “Good morning, Sir!” Managsabay nilang pagbati sa bagong dating na boss. Sumulyap ito sa may bandang gawi niya at nagtama ang kanilang mga mata. Lihim na napalunok si Monina nang mapagmasdan ang kulay abo nitong mga mata. Titig na titig ito sa kanya na animo’y kinakabisa ang bawat sulok ng kanyang mukha. “This way, Sir,” ani Haidee na nagsisilbing guide nito na saka pa lang naalis ang pagkatitig sa kanya. “Ang lagkit ng tingin sa ‘yo ni boss. Mukhang type ka niya,” bulong ni Darlene. Mukhang napansin nito ang titigan nila ng bagong boss. “Gaga! Hindi naman porke’t tinitigan ako ay may gusto na sa akin iyong tao,” nakairap niyang sabi. “Hoy! Anong tao! Boss natin ‘yon,” natatawang sabi nito. “Sabi ko nga!” “Halika na, sumunod na tayo sa kanila, mukhang hindi naman napansin ‘yong pa-welcome natin sa kanya. Iba ang nakita,” patuloy nito sa panunukso. “Isa pa, bibinggo ka na sa akin!” banta niya rito. “Tatahimik na po!” saad nito, saba’y tikom ng bibig. Napapailing na lang si Monina. Halos araw-araw ay ganito ang mga eksena nila ng kaibigang si Darlene. Mag-uusap at ‘di maglaon ay magtatalo. But they are a very close friends. Halos magkasabay silang pumasok nito sa hotel noong nakaraang taon at ito rin ang una niyang nakasundo. Siguro, dahil halos pareho lang sila ng problema sa buhay. Dumiretso sila sa third floor kung nasaan ang Conference Room. Doon kasi ipakikilala sa kanila ang bagong CEO. Halos nag-uunahan ang mga kasama niya sa pagtungo—karamihan ay babae, na pawang mga excited sa bagong boss nila at nagbabakasakaling matulad kay Penelope na nakapangasawa ng CEO. Iyong una nilang big boss. Ang lahat ng may katungkulan sa hotel na iyon ay nakapuwesto na sa kanya-kanyang upuan. Sila naman na mga chambermaid ay nasa bandang likuran. “Good morning, everyone! I’d like to introduce you, the new CEO of Zaire’s Hotel . . . Mister Lourd Zaire!” masiglang pagpapakilala ng kanilang spokesperson na si Miss Glenda. Halata sa boses ang tinitimping kilig. Masigabong palakpakan ang sumunod na namayani, kasabay ng pag-akyat sa entabladong bilog ni Mister Lourd Zaire. “Good morning, everyone!” masiglang bati nito. “Good morning!” tugon naman nila. Halos ayaw lumabas sa bibig niya ang salita. Sumasakit na kasi ang paa niya sa suot na sapatos. Hindi siya makapag-concentrate sa talumpati nito. Nakamahabang puti na may malaking ribbon sa ulo ang kanilang uniporme na binagayan ng sapatos na kulay puti rin. Masikip kasi ang napili niyang sapatos, kaya’t halos naiipit ang kanyang mga daliri sa paa. “Ano ba’ng nangyayari sa ‘yo at kanina ka pa hindi mapakali r’yan?” takang tanong ni Darlene sa kanya. “Ang sakit na ng paa ko,” aniya na hindi na nakatiis kaya’t tinanggal ang sapatos. “Oh, saan ka pupunta?” “Sa maids room, magpapalit lang,” sagot niya. Sa gilid siya dumaan upang hindi makita ni Miss Tessie, ang kanilang supervisor. Paika-ika siyang naglakad bitbit ang sapatos. Hindi na niya talaga kaya. Namumula na ang kanyang mga paa sa sobrang sikip ng sapatos. Dumiretso muna siya sa kuwarto kung saan naroroon ang kanilang mga gamit. Kumuha ng puting T-shirt na pamalit at kinuha ang isa pa niyang sapatos. Ang balak niya lang sana ay magpalit lang ng sapatos ngunit dahil nangangamoy kubeta na siya ay magpapalit na rin siya ng T-shirt. Nagtungo siya ng Rest Room ngunit nakalimutan niya ang susi kay Darlene. Naka-lock pala ang banyo na ginagamit nilang mga chambermaid. Hindi naman puwedeng magpalit siya nang hindi naghuhugas ng private parts niya. Ilang sandaling nag-isip siya ng paraan hanggang sa bigla niyang naisip ang Private Room na nasa itaas. “Tamang-tama, walang nakacheck-in doon ngayon. Doon na lang ako magbibihis,” kausap niya sa sarili. Nagmamadaling umakyat siya sa next floor, bitbit ang mga kasuotan. Ginamit niya ang susing hawak upang mabuksan ang pintuan na nasa pinakadulo. Kampante siyang naghubad dahil wala namang tao dahil busy sa pagpapakilala ng kanilang bagong CEO. “Lintik na . . .” Nanlaki ang mga matang napatutop siya ng bibig nang biglang pumasok ang kanyang boss. “Ano’ng ginagawa mo rito?” mataray niyang tanong. Nakalimutan na big boss nila ito. “Hindi ba dapat ako ang magtanong sa ‘yo niyan? What are you doing here? I thought, this is my room,” walang kangiti-ngiti nitong sabi. “And please! Cover your body!” Bigla niyang nahila ang puting kumot na naroon upang ipantakip sa hubad niyang katawan. Hindi man lang ito nag-abalang tumalikod. Bagkus ay titig na titig pa ito sa kanya. “S-Sorry, Sir!” hinging paumanhin ni Monina. Pakiramdam niya ay pulang-pula ang mukha niya sa kahihiyan. “I’ll go out first, so you can get dressed,” anito bago lumabas ng kuwarto. Agad naman siyang nagbihis. Hindi na siya nag-abalang mag-shower pa at baka mapatalsik na siya nang wala sa oras. Gulo-gulo pa ang kanyang buhok pagkalabas habang bitbit ang mga maruruming damit. Nakapamulsang naghintay si Lourd sa kanya. “I’m sorry, Sir. And . . . thank you,” saad niyang hindi tumitingin dito. Umabante siya nang kaunti upang bigyang daan ito. Hinintay niya munang makapasok ulit ito. At nang isara na nito ang pinto ay mabilis siyang umalis. “Saan ka galing?” takang tanong ni Darlene nang magkasalubong sila sa hallway. Tila may pagdududang naglakbay ang tingin nito sa kanya. Hindi muna siya sumagot sa tanong nito. Hinawakan niya lang ang kamay nito at hinila sa hindi mas’yadong matao. “Nagpalit ako ng damit at . . . “ “At ano?” “Naabutan ako ni Sir,” kinakabahan niyang sabi. “Saan?” gulat nitong tanong. “Sa kuwarto niya.” “Ano? Bakit doon ka nagbihis?” “Nasa sa ‘yo ang susi. Malay ko bang papasok siya, eh, kanina lang nagtatalumpati pa iyon sa conference,” nagpapadyak niyang sabi. “May sinabi ba siya sa ‘yo? Nagalit ba?” “Hindi naman, pero kinakabahan ako. Baka matanggalan ako ng trabaho.” “Hindi naman siguro. Baka nabigla lang noong makita ka sa kuwarto.” “Ano na gagawin ko?” tanong niya na hindi pa rin maalis ang kaba. “Let’s wait and see,” saad nito na may halong pananakot. “Darlene naman, eh! Seryoso ako!” “Bakit, ako ba mukhang nagbibiro? Magtrabaho ka lang nang magtrabaho. ‘Di ka naman yata tatanggalan ng trabaho ni Sir. Mukha namang mabait—strikto lang.” Napabuntonghininga na lang si Monina. May punto naman si Darlene. Sa ngayon, wala siyang magagawa kung hindi ang maghintay na ipatawag nito. Trespassing kasi ang matatawag sa ginawa niya. Pumasok siya ng kuwarto na hindi naman kaniya. Dasal niya lang na hindi siya paalisin nito. Ngunit hanggang sa gumabi at nag-out na sila ay walang pagpapatawag mula sa Principal Office na nangyari. Mukhang pinalampas na ni Lourd ang kanyang kapangahasan kaya’t laking pasasalamat niya. “Sasabay ka ba sa akin sa pag-uwi?” tanong niya kay Darlene. “Hindi na. Susunduin ako ni Warren,” tukoy nito sa kasintahan. “Ganoon ba. Mauuna na lang ako dahil bibili pa ako ng gamot ni nanay,” paalam niya. “Sige, mag-iingat ka, Monina. Magkita na lang ulit tayo bukas,” ani Darlene. Nauna na siyang umuwi kay Darlene dahil hindi niya ugali ang mag-bulakbol pagkatapos ng trabaho. Umuuwi kaagad siya ng bahay upang maalagaan niya pa ang nanay niyang may sakit bago matulog. Maaga rin siyang nagigising para asikasuhin ito bago pumasok ng trabaho. “Nay! Narito na po ako!” malakas niyang pagtawag dito pagkarating. Sinasadya niya iyon upang hindi pa man siya lubos nakapapasok ng pinto ay marinig niya na ang boses nito. Natatakot kasi siya na baka isang gabi pag-uwi niya ay hindi na ito madatnang buhay. Ilang buwan na lang ang ilalagi nito sa mundo dahil sa sakit nito. Kung may sapat na pera lang sana siya ay hindi muna siya magtatrabaho upang maalagaan niya ito ng bente-kuwatro oras. Ipinanganak siyang walang kinikilalang ama. Putok sa buho, iyan ang madalas niyang marinig na itawag sa kanya ng mga kalaro niya noon, o kahit noong nag-aaral pa siya sa elementarya dahil hindi niya alam kung sino ang totoo niyang tatay. Anak siya ng nanay niya sa pagkadalaga nito. Hanggang sa lumaki na siya at nagka-isip ay ganoon pa rin kaya nagpasya ang kanyang ina na lumuwas ng Maynila at doon manirahan. Doon na siya nag-aral ng college ngunit hanggang First Year College lang dahil hindi na kaya ng nanay niyang pag-aralin siya. Nagpasya na lang siyang magtrabaho. Pinasok ang iba’t-ibang uri ng trabaho hanggang sa makapagtrabaho siya sa Zaire’s Hotel. Dahil sa sakit ng nanay niya sa atay ay hindi na rin ito nakapagtrabaho kaya ngayon at siya na lang ang mag-isang kumakayod. “Anak, dumating ka na pala,” mahinang saad ng kanyang ina. Nakahinga siya nang maluwag at pilit ang ngiting nilapitan ito. “Opo, kararating lang po. Kumain na po ba kayo?” tanong niya habang inaayos ang unan nito sa higaan. “Kaunti. Wala kasi akong gana.” “May pasalubong po ako sa inyo. Paborito mo pong bibingka.” Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. “Bakit po, Nay?” nag-aalalang tanong niya. “Wala. May naaalala lang,” anito. “Kumain na po kayo.” Inalalayan niya itong makatayo at dinala sa hapag-kainan. “Kumusta ang trabaho mo, anak?” “Okay naman po, medyo pagod dahil maraming bisita. Marami kaming nilinis na kuwarto,” sagot niya sa ina. “Ganoon ba, matulog ka nang maaga, anak upang makapagpahinga ka.” “Opo, pagkatapos ko po sa mga gawain ay magpapahinga na po ako.” Bandang alas-nueve ay tapos na si Monina sa mga gawain, ngunit ayaw pa siyang dalawin ng antok. Naiisip niya kanina ang mga nangyari. Sinulyapan niya ang ina. Tulog na ito. Nagpasya siyang lumabas at magkape muna habang nagpapaantok. Sa ikaapat na pagpalit-palit ng CEO ng Zaire’s Hotel ay ngayon lang nagulo ang isip niya ng isang lalaki. Sa edad niyang trenta ay never been touch at never been kiss pa siya dahil sa takot na umibig. Maraming nagtangkang manligaw sa kanya, ngunit ni isa ay walang pumasa. Takot siyang magkaroon ng kasintahan. Sa nangyari sa kanila ng kanyang ina ay mulat na siya sa katotohanan na hindi madali ang magtiwala sa kalalakihan, lalo na sa katulad niyang lumaki na walang kinikilalang ama. Sabi ng nanay niya ay matapos itong mabuntis ng kasintahan nito rati ay bigla na lang itong naglaho na parang bula. Simula noon ay hindi na sumubok pa ang nanay niya na mag-asawa kaya hanggang sa paglaki niya ay tinutularan niya pa rin ito. Ang iniisip niya ngayon ay, paano na siya kung wala na ito? Sino na ang makakasama niya? Napabuga siya ng hangin dahil nagsisikip na naman ang dibdib niya dahil sa naiisip. Gusto niya pang mabuhay ang nanay niya, ngunit wala siyang sapat na pera upang ipagamot ito. Kahit pa magdamag siyang magtrabaho ay kulang pa rin. Sa gamot pa lang nito ay hirap na siya, paano pa kaya kapag sa ospital na ito naglagi? Wala naman siyang mahingian ng tulong, dahil wala naman silang ibang kamag-anak doon. At kung mayroon man ay mahihiya rin siyang humingi ng tulong. Napakalaki ng kakailanganin niya, saan siya hahanap ng malaking halaga? Napapakamot sa ulong ininom na niya ang lumalamig ng kape at saka bumalik sa kuwarto upang matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD