Chapter 18 Dumating na ang pinakahihintay ng lahat— Ang magarbong kaarawan ni Lourdes. Abala ang lahat sa paghahanda lalo na ang mga staff ng Zaire's hotel kung saan gaganapin ang party. Kanya-kanya nang bihis ang mga imbitado na kahapon pa lang ay nagtungo na sa hotel para sa reservation. Lahat kasi ng imbitado ay mag-e-stay roon ng isang gabi para sa magaganap na birthday party. Dumating din ang kapatid na babae ni Lourd at ang ama nitong si Dante na sinundo pa nito mula sa airport. Alas-tres emedya na ng hapon ngunit hindi pa nag-abalang mag-ayos ni Monina. Tamad na tamad siyang tumayo sa higaan. “Anak, bakit hindi ka pa magbihis?” tanong ni Rosita kay Monina. Wala sa mode na nilingon niya ang ina. “Tinatamad pa po ako, ‘Nay,” tugon niya habang nakadapa sa kama. “Aba'y hahanapin ka

