Chapter 17 Pasalampak na nahiga si Lourd sa malambot na kama. Tapos na ang kanilang meeting tungkol sa reunion na gagawin kasabay ng birthday party ng ina na magaganap sa makalawa. Sinulyapan niya si Angel na tulog pa rin hanggang ngayon. Napagod nga siguro ito sa byahe. Tiningnan niya ang oras, alas-sais pa lang ng gabi ngunit ang mata niya ay parang hinihila na sa sobrang antok. Pagod na rin siya sa maghapong pakikipag-usap sa mga pinsan. “Hi!” Ang mapang-akit na si Danica ang biglang pumasok sa kuwarto. Naka-miniskirt lang ito at sleeveless na damit. Ngunit walang epekto iyon kay Lourd. “What are you doing here?” iritado niyang tanong sabay hikab. “I'm visiting my daughter,” saad nito at maarteng naglakad papalapit kay Angel. Hinalikan ang noo ng anak, ngunit pagapang itong bumaling

