Chapter 16 Ngiting tagumpay ang namutawi sa labi ni Danica nang matanaw ang papalapit na si Lourd. Alam niyang pupunta ito roon para sa gaganaping meeting ng mga Zaire. Hindi niya matanggap na si Monina ang kasama nito samantalang siya ang legal wife na dapat ay nasa kiliran nito. “Hi, Love!” agad na sabi niya paglapit nito. “What are you doing here!” may diing tanong ni Lourd. Nakita niya si Angel na nahihimbing sa tabi nito. “Kanina ka pa hinahanap ni Angel. Gusto ka niyang makita kaya dinala ko siya rito,” tugon nito. “Dapat ipinahatid mo na lang siya rito sa driver. Alam naman ni manong kung nasaan kami!” inis niyang sabi. Nilapitan niya ang anak at dahan-dahan itong kinuha mula kay Danica upang hindi magising. “I'm still your wife! Kaya karapatan ko pa rin puntahan ka saan ka ma

