Chapter 15 “Lourd!” masayang sambit ni Thadeo nang makita ang pinsan. “Thadeo!” Agad na nagyakapan ang dalawa nang magkatagpo. “It's been a long time since we last met,” saad ni Thadeo na pasimpleng sumulyap sa kanya. “And who is she?” nakangiting baling nito sa kanya. “She's Monina. . . my girl!” tugon ni Lourd na nagpakilig kay Monina. “My girl? Good to hear that! I'm glad that you are ok now,” nakangiting sabi nito. “By the way, nice to meet you, Monina. Welcome to Zaire's clan!” baling nito sa kanya. Hindi alam ni Monina kung papaano magre-react sa harap ni Thadeo. Kahit pa na maganda ang pakitungo nito sa kanya ay alam niyang may agam-agam rin ito sa kanya. “Mabuti pa pumasok na tayo sa loob, the Zaire's bachelor's waiting,” paanyaya nito sa kanila. Muli ay hinawakan siya ni

