Chapter 14 Ilang minutong nag-isip si Monina kung dapat ba niyang puntahan sa library si Lourd. Natatakot na siyang mapagsolo silang dalawa dahil baka ipagkanulo na naman siya ng sarili. Napapitlag siya nang biglang tumunog ang aparato na nasa ibabaw ng kanyang higaan. Si Lourd ang tumatawag kaya't nagdadalawang isip siya kung sasagutin ito o hindi. Ngunit nangibabaw sa kanya ang katigasan ng ulo, hindi niya ito sinagot at hinayaan lang na mag ring ang aparato. Padapa siyang nahiga sa kama at nilalaro ang ribbon ng kanyang paboritong unan. Kahit saan siya ay dala-dala niya iyon, dahil Pa-sikreto raw iyon binigay ng kanyang ama noong bata pa siya. Huminto na ang pagtunog ng cellphone niya ngunit mga ilang minuto lang ang lumipas ay muli na naman iyong tumunog, ngunit hinayaan niya laman

