Chapter 13 Isang napakagandang umaga iyon para kay Monina. Feel na feel niya kasi ang bagong new look. Ano'ng oras na sila nakauwi kagabi dahil pagkatapos ng kanilang pamamasyal ay nag dinner pa sila ni ma'am Lourdes. Nag bring house na lang sila ng mga pagkain para sa ina at mga kasama sa bahay. Si Lourd at ang anak nitong si Angel kasama si Danica ay hindi rin nakauwi dahil dumiretso pala ang mga ito sa Catering business nito. Lihim siyang nasaktan at nagseselos sa dalawa hindi pa nga siya masyadong nakatulog dahil sa kaiisip kagabi. Bumangon siya sa higaan at dumiretso ng banyo upang maghilamos, ngunit nang maalala ang bagong ayos na kilay ay hindi siya tumuloy. Gumamit na lang siya ng cleanser sa mukha upang hindi matanggal ang kanyang eyebrows, pagkatapos ay nagpalit siya ng damit, d

