Chapter 36 Masakit na sa balat ang sikat ng araw nang makaalis na ng bahay sina Monina at Darlene. Hinintay pa kasi nilang magising si Charles upang maisama nila ito sa bayan. “Ang ganda pala rito sa inyo,” namamanghang saad ni Monina kay Darlene. Halos lumuwa ang kanyang mga mata sa magagandang tanawin na nakikita. Nakasakay na sila ngayon ng jeep at patungo na sila ngayon sa bayan upang mamili ng mga kakailanganin. “Sinabi mo pa! Kaya gustong-gusto ko na narito sa aming lugar upang kahit papaano makalimutan ko ang pagod at konting problema,” nakangiti namang tugon ni Darlene. Nililipad ng malakas na hangin ang mahahaba nilang buhok, habang si Charles naman ay tahimik lamang na nakikinig sa kanilang pag-uusap. Hindi pa ito masiyadong nagsasalita dahil kagagaling lamang sa gamutan. Nap

