Chapter 35 Sumasakit na ang balakang ni Monina sa kakaupo at nangangalay na rin ang panga niya kakakain ng popcorn at kahihintay kay Darlene. Matapos ang mabigat na desisyon niya kagabi ay sa airport siya nagtuloy. Magdamag siyang hindi nakatulog dahil sa pag-iisip kagabi. Sa nangyaring sagutan sa kanilang dalawa ni Danica ay hindi na siya pinatulog ng konsensya. Alam niyang tama siya sa lahat ng mga sinabi niya sa kapatid ngunit hindi niya maiwasang mag-alala rito baka kung ano ang gawin nito sa sarili kaya't nang tumawag kagabi sa kanya si Darlene upang magpaalam na uuwi ang mga ito sa probinsiya ay agad siyang nagpresentang sumama. Napaunat siya ng upo nang makita ang na itong papalapit sa kanyang kinaroroonan. Kasama ang anak nitong si Charles na medyo nagkakulay na ang mukha. Gal

