Chapter 34 Pagkatapos ng salo-salo ay inihatid ni Lourd si Monina sa bahay nila, laking gulat nila nang madatnan nila ang mga magulang nito roon. “Ano’ng ginagawa nila Tita Lourdes dito?” tanong niya kay Lourd nang nasa tapat na sila ng bahay nila. Hindi muna sila bumaba ng sasakyan dahil hinintay pa nilang makalabas ng bakuran ang mag-asawa. “Hindi ko rin alam. Baka dinadalaw lang nila si Aling Rosita, alam mo namang magkasundo na silang dalawa. Tahimik lang siya at hindi na muling nagsalita pa. Nakita niyang papalapit na ang mga ito sa kanila kaya't hinintay na lang nila ito. “Kakarating n’yo pa lang ba?” masuyong tanong ng ginang nang ibaba ni Lourd ang bintana ng sasakyan. “Opo, Tita. Hinintay lang po namin kayo na makalapit,” sagot niya rito. “Ganoon ba? Naisipan ko kasing dala

