Chapter 10 “Masuwerte ka Rosita at mabuting tao ang anak mong si Monina,” papuri ni Lourdes sa kanya. “Ginagawa niya ang lahat para sa ‘yo,” “Oo. Napakasuwerte ko sa batang iyan. Hindi na nga nag-abalang may boyfriend para lang maalagaan ako,” nakangiting tugon niya naman habang nakatanaw kay Monina at Angel na noo'y masayang naghahabulan sa garden. Para itong mag-ina. “Maiba ako, Lourdes. Alam mo na ba ang tungkol sa pagtira namin dito?” nahihiyang tanong niya sa ginang. “Oo, naipaliwanag na sa akin ni Lourd kanina pagdating namin. Huwag kang mag-alala, wala akong iniisip na masama tungkol sa inyo ni Darlene. Alam kong mabubuti kayong tao at napaka-importante ng nagawang desisyon ni Monina dahil dignidad niya ang nakasalalay rito. Pero nilunok niya ang lahat para sa ‘yo, that's why I

