Chapter 42 Pagkalipas lang ng ilang araw ay nakauwi na rin sa bahay si Monina. Labis ang galit at inis niyang nadarama, dahil simula nang makapanganak siya ay hindi na siya binalikan ni Lourd sa hospital. Mukhang hindi yata nito nami-miss ang anak nila at hinayaan na lang sila roon. Maging ang papa niya ay nakauwi na rin. Isang araw makalipas buhat nang manganak siya ay nagising na rin ito mula sa ilang araw na walang malay. Inalagaan at binantayan ito ni Danica na labis naman nilang ikinatuwa. Talaga nga yatang nagbago na ito. Mga dapit hapon ay hindi nila inaasahan ang pagdalaw ng mga magulang ni Lourd. Tuwang-tuwa ang mga ito nang makita ang anak niya. “Ang guwapo naman ng apo ko, mana sa akin,” masayang sabi ng tatay ni Lourd. “Huwag kang feeling, dahil kamukha namin ni Angel ang

