Chapter 43 “Umalis na ba ang kaibigan mong antipatiko?” agad na salubong ni Darlene kay Monina nang pumasok siya ng kusina. Naghehele pa rin ito sa anak niya habang sumusubo-subo ng bikong gawa ng kanyang nanay. “Hindi pa. Nasa sala,” sagot niya. Kinuha niya ang bata mula rito at hinayaan na muna itong makakain. “Pagkatapos mong kumain sumunod ka na lang,” bilin niya sa kaibigan bago tuluyang umalis. Babalikan niya muna si Israel upang makapag-usap pa sila ng matagal. Ngunit naabutan niya na itong nakatayo sa may pintuan at mukhang paalis na. “Aalis ka na ba?” kunot-noong tanong niya rito. “Yup! Someone's calling me and i think this is verry important,” nakangiti nitong sagot. Nagtataka man ay wala nang nagawa si Monina nang tuluyan na itong makalabas ng pinto, pero bago makasakay

