Chapter 24 Ngunit halos naikot na ni Monina at Israel ang lahat na mga pasyalan pero hindi pa rin nila makita si Angel. “Pagod ka na ba?” malambing na tanong ni Israel sa kanya. Sandaling nagpahinga muna sila sa naroong bench, para silang bagong magkasintahan na nagda-date roon. “Medyo!” hinihingal niyang sabi. Masiyado na kasing tirik ang araw kaya't medyo nahihilo na rin siya. “Ihahatid na kita sa inyo upang makapagpahinga ka na. Baka ano pa ang mangyari sa ipinagbubuntis mo.” “Ok lang ako, medyo naninibago lang, ngayon lang kasi ako ulit nabilad sa araw ng ganito.” “Ikaw ang bahala. Pero kapag nakapagpahinga ka na ihahatid na kita sa bahay ninyo.” Hindi na siya nagsalita pa sa sinabi ni Israel. Kinuha niya ang baong tumbler na may lamang tubig sa bag at uminom dahil uhaw na uhaw

