KABANATA-7

2083 Words
Bigla ko siyang naitulak paatras at nakaramdam ako ng hiya sa sarili habang inaalala ang paghawak ko sa kaniyang mga kamay. Nauna akong lumabas sa aming pinagtataguan at nagpalinga-linga ako sa buong lugar. Wala na akong nakikita pang mga Disease, bumalik na ulit sa tahimik ang buong kagubatan. Sumulyap ako kay Yoohan na ngayo'y nakatitig na sa akin. "Ano pang hinihintay mo diyan? Bumalik na tayo sa bundok dahil delikado na ang lugar na ito para sa atin." Hindi siya umimik sa akin ngunit parang may inaaninag siya sa aking likuran. Nanlamig ako bigla nang makita ang isang nilalang na ngayo'y papunta sa aming gawi. "Huwag kang magpanik! Maari ka niyang mapansin kung masyado kang kumikilos." si Yoohan kung kaya't hindi muna ako kumilos hanggang sa biglang tumalikod ang nilalang ay doon lang ako nakahanap ng tyempo. Sa takot ko ay muli akong bumalik sa pwesto kung saan kami nagtago ni Yoohan. "Masyado kang malikot, parang kang bata." iritadong aniya at matalim ko lamang siyang tinignan. Nasa bingit na nga kami ng kamatayan nagagawa niya pa akong pagsabihan. "Aray!" pahapyaw na sigaw ko nang maramdaman ko ang isang matinik na bagay sa aking binti. Halos mapamura ako ng maramdaman ko ang hapdi. Narinig kong suminghap si Yoohan at tuluyan na niyang hinablot ang aking likuran upang mapalapit sa kaniya. "Ano ba! Maghinay-hinay ka nga." naiinis niyang bulong sa akin ngunit hindi nalang ako nagsalita. Mas lalo akong natarantang makitang dumudugo ngayon ang aking mga binti dahilan sa isang matinik na sanga. Muli akong sumulyap sa nakakatakot na habang napasinghot-singhot na para bang may hinahap na amoy. "Hindi ka nag-iingat mas lalo lang tayong malalagay sa peligro." dagdag niya pa at nagsisimula na akong kinabahan. Nanlamig ako sa takot nang papalapit sa amin ang Disease na sumisinghot-singhot ngayon habang binabali-bali ang kaniyang ulo. "Kailangan kong takpan ang aking sugat dahil maari niya tayong masundan sa ating pinagtataguan..." bulong ko. "Bilisan mo na." malamig na aniya kaya dali-dali kong inikot-ikot ang tela na galing sa aking saya para matakpan ang sugat. "Yoohan..." takot kong bulalas nang makitang papalapit na talaga sa amin ang Disease. Tinakpan ni Yoohan ang aking bibig gamit ang kaniyang kaliwang kamay, muli niyang ipinatong ang kaniyang ulo sa aking kanang balikat. Hindi ako makakilos dahil sa puwesto namin ngayon. Napakalapit ng mukha niya sa akin at naiilang ako. Ngunit iwinaksi ko iyon sa aking isipan dahil nagsisimula na akong kabahan dahil sa Disease ngayong papalapit na sa amin. Naisambit ko ang pangalan ni Yoohan ngunit hindi ko ito maisatinig nang maayos dahilan ng kaniyang kamay na nakapirme sa aking bibig. Nakarinig kami ng isang malakas na hagalpak at napabaling doon ang nakakatakot na taong ito. Para siyang uhaw na uhaw at gutom na gutom na lumingon doon. Ngunit ang akala namin ay aalis na na siya pero muli siyang lumingon sa halamanan kung nasaan kami nakatago ngayon ni Yoohan. "Y-yoohan..." nanginginig na bulong ko sa aking isipan. Halos nagpupumiglas pa ako sa takot ng unti-unti siyang humakbang patungo sa aming pinagtataguan, takot na takot kong hinawakan ang braso ni Yoohan habang seryoso lang itong nakatingin sa Disease. "Huminahon ka. Nandito lang ako, huwag kang mag-alala hinding-hindi kita pababayaan," halos bulong na sambit ni Yoohan. Bigla akong natigilan ng muli kong marinig ang katagang iyan. Naalala kong sinabi din niya ang katagang 'yan sa akin noong ako'y nanganganib sa bundok. "Sa likuran muna kita. Huwag na huwag kang gagawa ng ingay, kundi tayong dalawa ang malilintikan ng nilalang na iyan" dagdag niya pa. Wala sa sarili akong tumango sa kaniya at pumwesto na sa kaniyang likuran. Unti-unti niya hinablot ang kaniyang sandata kaya napasulyap ako sa nakakatakot na nilalang. Nasa harapan ko si Yoohan habang inaabangan niya ang Disease. "Papalapit na siya! Ito na!" Bago pa ito nakalapit sa amin ay inunahan na ito ni Yoohan sa paglapit at walang habas na pinagsaksak ang kaniyang bandang dibdiban. Deretsong bumulagta ang nilalang habang ang kaniyang mga mata ay nasa kawalan. Kumalma ako at pumirme parin sa aking posisyon. Malakas akong napabuntong hininga dahil sa aking naramdamang takot, naalala kong muli ang kaniyang nakakatakot na mukha at napapikit nalang ako para iwaksi iyon sa aking isipan. "Ayos ka lang ba?" Napakurap-kurap ako ngayon habang kaharap si Yoohan. Natitigan ko ang kaniyang nag-aalalang mga mata. "Ayos ka lang ba?" muli niyang tanong at hinaplos niya ang magkabilang balikat ko. Hindi ako makaimik at para akong pipi nakatingala lamang sa kaniya. 'A-ayos lang ako." utal kong tugon at bahagyang umatras papalayo sa kaniya. "Natakot ka ba?" Napaiwas ako nang tingin dahil parang matutunaw ako sa paraan nang pagtitig niya, "Huwag mo ng alalahanin 'yon, mabuti at nakaligtas tayo." Umayos kaming dalawa at lumabas na kami sa halamanan. Marahan kong pinagpagan ang aking damit at muling sinuri ang aking sugat sa binti. "Pag minamalas ka naman oh! Sa binti ko pa talaga..." bulong ko habang sumisinghap. "Napakalikot mo kasi kaya ayan." "Nanisi ka pa talaga? Baka nakakalimutan mong ikaw ang nagdala sa'kin dito?" Hindi niya ako pinansin at napalinga-linga sa lugar. "Naririnig mo ba 'yon?" Biglang nangunot ang aking noo at luminga-linga din sa lugar. "Tulongan niyo kami!" "Pakiusap, papasukin niyo na kami!" "Kahit mga bata nalang!" "Tulong!" "Maawa ka sa amin Gobernador!" kahit halos bulong nalang iyon ay narinig ko parin ang kanilang pagmamakaawa. "Saan galing ang ingay na iyon?" nagtatakang sabi ni Yoohan. "Sigurado akong sa tarangkahan 'yon kung saan namamalagi ang tuso naming Gobernador!" matalim kong tinitigan ang gawi ng tarangkahan dahil alam kong pinabayaan na naman niya ang mga tao dito sa Zitadel. "Bakit anong ibig mong sabihin?" "Hindi kami tinutulungan ng Gobernador dito sa Sentro. Sa tuwing nagkakaubusan ng suplay ang bansa ay palaging tahimik ang kampo niya. Maging sa ospital namin ay ibenebenta niya pa ang mga medisina na dapat libre sa mga mamamayan." "Ni-isa sa inyo ba ay may nagsumbong sa kinauukulan?" tanong ni Yoohan ngunit lumingo lamang ako. "Wala kaming magagawa, tiyuhin siya ng Reyna." sabi ko. Biglang nangunot ang noo ni Yoohan at tila patanong niya akong tinititigan ngayon. "Kamag-anak siya ng Reyna?" "Oo, kahit naman magreklamo kami ay alam naming hindi iyon makakarating sa Hari." Matapos kong sabihin ang linyang iyon ay makahulogan lamang niya akong tinignan. Hindi ko alam ngunit, tila interesado siyang malaman ang pamamalakad ng pamahalaan namin dito sa sentro. "Puntahan natin ang mga tao. Kailangan nila ang tulong natin." marahang saad ko at hinawakan ang kaniyang kamay. Hindi siya umimik at tumitig lamang sa akin. Hinihintay ko ang kaniyang sagot ngunit dahan-dahan niyang kinuha ang aking mga kamay at ibinaba iyon papalayo sa kaniya. Marahan akong napalunok at nahihiyang umatras palayo. "Tutulungan natin sila.." mababang tonong aniya. Sumakay siya sa kaniyang kabayo at inabot niya ang kaniyang kamay sa akin. Nang makalapit na kami doon ay namilog ang aking mga mata sa nakita. "Diyos ko..." bulong ko. Hindi ko lubos maisip na ganito sila karami dito sa tarangkahan. Daan-daang tao ang narito ngayon habang humihingi ng saklolo at nakikiusap na papasukin na sana sila. Napaangat ako ng tingin sa terasa ng tarangkahan, nakita ko doon ang hangal naming Gobernador habang nakangising nakadungaw sa kaniyang mga sakop dito sa baba. Nailibot kong muli ang aking paningin sa daan-daang taong narito. Dumaan ang kirot sa aking puso habang tinatanaw silang ganito. Yong mga ngiti nilang hindi mapantayan ay napalitan ng kalungkutan, ang kalinisan ay napalitan ng kadungisan. Napatingin ako sa isang Ginang na panay pag aalo sa kaniyang anak na sanggol. "Ayos lang po ba kayo?" nag-alala akong tanong sa kaniya. "Ayos lang ba sa iyo kung magsasabi ako ng totoo?" mapait siyang ngumiti sakin. "Hindi, ilang araw na kaming patakbo-takbo habang walang laman ang tiyan at tuyo ang lalamunan." malungkot niyang aniya at tumakas ang luha sa kaniyang mga mata. "Gusto ko na sanang mamatay ngunit..." napatingin ito sa kaniyang sanggol, "Hindi pwede, dahil paano nalang itong anak ko..." halos pumiyok siya nang sabihin ang huling linya. Biglang kumirot ang aking puso habang tinitignan ang sanggol na hindi matigil sa pag-iyak. Natignan ko si Yoohan sa gilid ng aking mga mata ngunit seryoso lamang siyang nakatingin sa mag-iina. "Namatay na ang aking asawa at tatlong anak, masakit iyon sa akin. Gusto ko pang lumaban para mabuhay pero sobrang nahihirapan na ako," malungkot siyang tumingin sa akin habang humahagulhol parin. "Maaayos din ang lahat..." nakangiting sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya at tinanguan ako, panay parin ang pag-iyak ng kaniyang sanggol kaya pilit niya itong pinapatahan. Sobrang ingay ng mga taong nandito. Patuloy silang humihingi ng tulong habang malakas na kinakalampag ang tarangkahan. "Mga kasama!" sigaw ko at naagaw ko ang atensyon ng iilan. Lumapit sa akin si Yoohan habang nakakunot ang noo. Tinitignan niya ako na para bang nagtatanong sa aking ginagawa. "Ako po si Nurse Zubii, nabibilang po ako sa Ahensiya ng Medisina." nakita ko silang nagbulong-bulongan ngunit hindi ko iyon pinansin. Bahagyang kong sinulyapan si Yoohan dahil kinakabahan akong magsalita sa ganito kamarami na mga tao. Kahit na nanginginig ako ay nilabanan ko ang kabang nararamdaman dahil gusto kong makatulong. "Tama po ang inyong ginawa, nanatili kayo sa iisang lugar ngunit huwag po tayong masyadong mag-ingay dahil maari tayong masundan ng mga nakakatakot na taong iyon..." seryosong sabi ko ngunit nagtataka silang tumingin sa akin. "Huminahon lang sana tayo, kayang-kaya nating lagpasan ang pagsubok na ito..." dagdag ko at biglang humagalpak sa tawa ang grupo ng mga kalalakihan. Bigla akong natahimik habang umugong ang malakas na tawanan mula sa kanila. "Huminahon? Wala kaming panahon para huminahon! Naghihirap na kami, ilang araw na kaming nandito tapos sasabihin mong huminahon kami? Anong klaseng Nurse kaba?" galit na galit na saad ng isa sa mga kalalakihan. Muling nag-ingay ang mga tao habang tinitignan nila ako nang masama, sa paraan ng pagtingin nila ay tila nababaliwan na sila akin. Hindi nila pinansin ang aking paalala at babala subalit mas lalo lang silang nag-ingay na para bang nanadya. Nakita ko ang ibang kalalakihan na pilit umaakyat sa tarangkahan para makapasok sa loob, ngunit ang hindi nila alam inaabangan na pala sila doon sa itaas ng mga kawal. Tusong ngumisi ang mga ito habang hinihintay ang mga lalaking maka-akyat doon sa terasa. Habang abala ako sa pagtingala ay nakatingin sa akin ang hangal naming Gobernador. Matalim ko itong tinititigan at ngumisi lang ito sa akin. Napaka-hayop mo, wala kang puso! Napatalon ako ng bumagsak ang isang lalaki mula doon sa terasa, dali-dali kong nilapitan iyon at gulat na gulat nang makitang may gilit ito sa kaniyang leeg. "Napakawalang hiya niyo!" hagulhol nang isang babae, "Walang kayong awa!" ngunit tumawa lang ang mga kawal sa itaas habang dinudungaw kami dito sa may ibaba. "Siya ba ang sinasabi mong Gobernador?" bulong na tanong sa akin ni Yoohan at tango lamang ang aking naibigay na sagot. "Mukhang kailangan na nating umalis dito Zubii." marahang saad ni Yoohan at hinablot ang aking braso. Lumingon ako sa mga tao na ngayo'y nakatingin sa napaslang na lalaki. Umugong muli ang malakas nilang sigawan at pinagbabato na ang tarangkahan. "Dakpin ang isang yan!" biglang sigaw ng Gobernador sa itaas habang matalim akong tinititigan. Napaatras ako at ang iba pang mga kasama namin dito sa labas. Biglang bumukas ang tarangkahan at tumakbo ang mga tao papasok doon. Nagkagulo na ngayon dito nang biglang akong pinalibutan ng mga kawal. "A-anong gagawin niyo sakin?" hinablot nila ang aking braso at padarag akong kinaladkad papasok sa loob. "Bitawan niyo ko!" sigaw ko at pinilit ang sarili na makawala sa mahigpit nilang pagkakahawak. Naluluha ako ngayon habang lumilingon sa aking likuran. "Yoohan!" Nang makita ko siya ay pinalilibutan din siya ng mga kawal. "Saan niyo siya dadalhin?! Ibalik niyo siya sakin!" galit na sigaw niya sa mga kawal. "Yoohan!" bulalas ko. Ngunit humagalpak lamang na tumawa ang mga ito habang nagpupumiglas si Yoohan sa kanilang mga bisig. "Tarantado ka ah!" sigaw ng isang kawal at malakas na sinuntok si Yoohan sa bandang tiyan. Napasigaw ako nang makita si Yoohan na napaikot-ikot sa sahig, hindi pa sila nakuntento at tinadyakan nila ang sugat sa bandang tiyan ni Yoohan. "Huwag! Maawa kayo, tigilan niyo na 'yan..." naluluhang saad ko habang kinakaladkad na ako papalayo sa kaniya. "Bitawan niyo ako!" dumadagundong na sigaw ko at pilit na kumawala sa kanila. Iniwan nila si Yoohan na nakahandusay sa sahig habang ang mga kamay nito ay nakapermi sa dumudugo nitong sugat. Malungkot ko siyang tinignan habang hindi niya inaalis ang kaniyang paningin sa akin. "Y-yoohan..." Tuluyan na akong nakapasok sa loob at 'yon din ang pagsarado ng tarangkahan. Follow me GorgeousCally Thankyou for voting -,-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD