KABANATA-6

2610 Words
"Maayos na kami Nurse Zubii, Si Nurse Yna ang nag-alaga samin." masayang sabi ni Krin sa akin. "Mabuti naman... May itatanong lang sana ako kung ayos lang sa inyo?" Napansin kong natigilan sila sa aking at sabay-sabay na nagkatinginan sa isa't-isa. "S-sino ba si Lord Chen?" deretsong tanong ko at kaagad kong nakita ang pagbago ng kanilang emosyon. "Siya lang naman ang nagbigay ng mga pasang 'to sa amin." mapait na saad Krin habang itinuturo ang mga pasang natamo. Maging ang kaniyang kasamahan dito ay sumang-ayon din kung kaya't nakakalungkot na marinig 'yon. "Sobrang delikado sa Sentro at alam niyo 'yon. Bakit naman kasi bumaba pa kayo ng bundok?" "Kami kasi ang nataasan na kumuha ng mga kawayan sa ibaba upang ipantapal sa itatayong kabahayan dito sa bundok. Wala naman kaming kaalam-alam na sinusubaybayan na pala nila ang aming ikinikilos." pagpaliwanag ni Yokyok sa akin at seryoso naman silang nagsitanguan na lahat. "Kasama niyo si Yoohan sa pagkuha sa umagang iyon tama ba?" "Hindi...." deretsong tugon naman sa akin ni Krin kung kaya't nagbago ang ekspresyon ko. Nagtataka ako dahil sa umagang iyon ay umalis din si Yoohan dito sa bundok. "Nagulat nalang kami sa gitna nang aming pag-kakawayan nang bigla na lamang dumating si Lord Chen kasama ang ibang kawal sa hukbo ng Zitadel. Tinutugis nila kami at hinahanap si Sir Yoohan sa amin." dagdag ni Krin. Nakinig lang ako nang nakinig sa kanila dahil sa bawat impormasyong aking malalaman ngayon ay masasagot din isa-isa ang aking mga katanungan. "May kasunduan kasi kami ni Sir na kapag umabot kami doon ng dalawang oras ay pasusundan niya kami." si Yokyok naman ngayon ang nagsalita. "Nagulat nalang kami ng bigla siyang dumating doon sa pinangyayarihan. Hindi namin inaasahan ang kaniyang pagdating, akala namin ipapasundo niya kami sa ibang kawal ngunit siya ang mismong pumunta doon para sunduin kami." kitang-kita ko sa kanilang pagmumukha ang paghanga nila kay Yoohan. "Nadatnan niya kaming nakagapos sa mga puno, pilit namin siyang pinaaalis ngunit hindi niya kami iniwan." may pagmamalaki sa tono ng boses ni Ken. "Ang galing niyang makipaglaban! Hindi umabot ng isang oras ay napatumba niya na lahat ng kawal ni Lord Chen. Maging si Lord Chen ay nakahandusay narin." mayabang na hayag nila sakin at doon ko na pinipigilan ang aking ngiti. "Sino ba kasi si Lord Chen? Hindi niyo naman sinagot ang tanong ko e," bahagya kong aniya at sabay ngisi na lamang sa kanila. "Kapatid po siya ng Inang Reyna..." deretsong sagot ni Ken kung kaya't bigla akong natigilan. "Ayoko talaga sa lalaking 'yan! Napayabang. Akala mo naman ang galing sa sining ng pakikipaglaban." naiinis ngayong sabi ni Leo at bahagyang tumawa sila dito. Bahagya narin akong tumawa para makisabay kahit ang utak ko'y puno nang pangngangamba. "Alam niyo nagkagulo na daw ngayon sa kaharian dahil nawawala daw ang Prinsipe. Ewan. Hindi ko nga nakita sa malapitan ang Amang Hari, ano pa kaya ang Prinsipe?" bulong-bulong ngayon ni Yokyok habang sila naman ay tutok na tutok ngayon sa kaniya. "Masyadong bantay sarado ang pamilya ng Hari kung kaya't mahihirapan talaga tayong makalapit sa Prinsipe. At batid ko ding kilala nila Sir Yoohan at Commander Xian ang Prinsipe dahil nagtatrabaho sila sa kaharian." bulong din na saad ni Ken. Nagchichismis din pala ang mga lalaki? Akala ko gawain lang namin 'yan. Napaisip talaga ako doon sa nawawalang Prinsipe... Anong koneksyon ni Yoohan sa kaniya? Bakit kaya hinahanap ng hukbo si Yoohan? "Sinabi ba ni Lord Chen kung bakit niya tinutugis si Yoohan?" muli kong tanong sa kanila. "Hindi. Basta ang huli niyang sinabi sa amin ay kapag kasama daw namin si Sir Yoohan ay asahan daw naming may kapahamakan palagi." makahulugang sabi ni Yokyok. Hindi ko masyadong naiintindihan ang linyang iyon, Pakiramdam ko dumudugo ngayon ang aking utak sa pag-iisip kung anong kapahamakan ang dala ni Yoohan sa amin... Napansin ko ang biglang pagtahimik nila na tila nakakakita ng multo. "Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanila habang ang kanilang paningin ay nasa aking likuran lang. Napalingon ako doon at nagulat nang makita ngayon si Yoohan na malamig ang tingin sa amin. Kanina pa ba siya diyan? Narinig niya ba ang aming pinag-uusapan? Ayokong isipin niyang nangingialam ako sa kaniyang buhay... "Yoohan..." wala sa sariling usal ko habang unti-unting bumibilis ang pagtibok ng aking puso. "B-bakit ka nandito? D-diba ang sabi ko magpahinga ka?" galit-galitang saad ko ngunit hindi niya ako pinansin at ibinaling ang kaniyang tingin sa mga sugatang lalaki sa aking likuran. "M-magandang araw po sa inyo Sir Yoohan..." nakayukong bati ni Ken kay at sabay-sabay naring yumuko ang ilan para magbigay galang. "Magandang Araw..." malamig na bati naman ni Yoohan at pumwesto na lamang ako sa gilid upang mas matanaw niya sila Yokyok sa kanilang mga higaan. "Napadaan lang ako. Kumusta naman kayo?" mababang tonong tanong naman ni Yoohan sa kanila. "Ayos na po kami." "Salamat pala sa pagligtas niyo samin." "Ang galing niyo po!" "Hinahangaan namin kayo.." "Sana ganon din kami kagaling makipaglaban tulad mo Sir Yoohan." Halos nag-uunahan silang pumupuri ngayon kay Yoohan ngunit wala man lang siyang kaimik-imik. "Sir, baka bukas pwede na kaming magtrabaho ayos na naman po kami. Diba mga kasama?" sabi ni Ken at masayang nagtanguan ang kaniyang mga pangkat. "Ayos ka na din po ba?" mahinahong tanong naman ni Krin sa kay Yoohan at napansin kong nag-angat ito ng tingin. "Hindi pa e.." ako na ang sumagot para sa kaniya at kitang-kita ko ang pagbago ng kanilang emosyon. "Sige. Dumaan lang talaga ako para kumustahin kayo. Salamat naman at maayos na kayo." mahinahong sabi ni Yoohan at malimit lamang itong ngumiti sa amin. "Oo naman Sir! Kasing ganda ba naman ni Nurse Zubii ang mag-aalaga samin." nakangiting saad ni Ken na ikinagulat ko. Napansin kong natigilan si Yoohan at malamig ngayon na tumingin sakin. Nagtataka naman akong sumulyap sa kaniya at deretso na kaming tinalikuran. Sinundan na lamang namin ng tingin ang kaniyang paglabas at isa-isang huminga nang malalim ang pangkat ni Yokyok ngayon. "Nakakaba talaga siya. Hanggang ngayon saulo ko parin ang bawat kilos niya habang nakikipaglaban." namamanghang ani ni Yokyok na sinang-ayunan ng kaniyang mga kasama. Kalaunan ay nagpaalam na din ako sa ibang kawal para makapagpahinga na silang muli. Pagkalabas ko ay kaagad kong hinanap si Yoohan upang suriin ang kalagayan niya. "Kahit kailan talaga napakatigas ng ulo. Sabing huwag munang maglalakad-lakad e." mahinang bulong ko at inilibot na ang aking paningin sa buong bundok. Ngayon ko lang napansin na malapit na palang matapos ang mga kabahayan na pinapatayo ni Yoohan at Commander. Nagpunta ako malapit sa tarangkahan upang tignan kong pinuntahan niya ba doon si Commander dahil sa mga oras na ito ay nagsasanay ngayon ang lahat ng kawal malapit doon. Hinanap ko doon si Yoohan ngunit wala naman siya doon. "Nasaaan na kaya 'yon?" Muli akong nagtungo sa aking silid baka nandoon na siya at nagpapahinga ngunit wala parin siya doon. "Nang-iinis ba siya!?" Nagpunta narin ako sa kusina at baka napadaan ang lalaking 'yon upang kumain. "Magandang Araw Zubiii!" bungad sa akin ni Yna na naghihiwa ngayon ng mga rekados. "Napadaan ba si Yoohan dito?" deretsong sagot ko ngunit nagkibit balikat lamang siya sa akin. "Diba magkasama kayo sa silid mo?" inosente niyang tanong. Mukang hindi napadaan si Yoohan dito... Nasaan kaya nagsusoot ang isang 'yon. Umalis na ako doon at muli siyang hinanap sa kapaligiran. Bumalik ako sa kwebang silid ko at doon nakita si Yoohan na tahimik na nakaupo sa may mesa. "Hinanap kita dito ngunit wala ka kanina! Kung saan-saan ako nagsusuot mahanap ka lang." bulyaw ko sa kaniya ngunit hindi man lang niya ako binalingan. "Diba ang sabi ko huwag kang aalis sa silid hanggang hindi pa tuluyang naghihilom yang sugat mo?" "Pati ba pag-ihi ay bawal na? Huwag kang mag-alala maayos na naman ako. Ikaw ba naman ang mag-alaga hindi ba?" sarkastikong aniya habang hindi parin ako tinitignan. Ano bang nangyayari sa lalaking 'to. - Lumipas ang ilang araw naghilom ang sugat ni Yoohan. Nagtuloy-tuloy ang pa-galing niya pero napakasuplado padin at napakatahimik. Natapos na din ang ipinagawang mga kabahayan para sa pamilya na gustong pumarito muna habang napakadelikado pa sa Sentro. Tanging hangad lang namin ay mahinto na sana ang epedemyang ito para bumalik na sa normal ang lahat. Sa paglipas ng maraming araw marami akong natutunan. Natutunan kung lumaban sa sitwasyong ito, mas lalo akong nagtiwala sa aking sarili at kahit hindi ganito ang pangarap ko sa pagiging Nurse. Ang panahong 'to ang nagpatatag sa akin at tumuro kung paano lumaban sa anumang hamon na paparating sa buhay. - Nagising ako sa isang sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Napabalikwas ako ng bangon at naiinis na sumulyap doon. Kaagad ko itong binuksan at tumambad si Yoohan sa aking harapan na seryosong nakatayo habang nakaayos ang pananamit. "Ano ba, ke aga-aga!" inis na inis kong asik sa kaniya ngunit hindi ito umimik. "Mag-ayos ka, may lakad tayo." "Teka! Wala ka namang sinabi kagabing may lakad tayo ah. Hindi ka pa pwedeng lumabas dahil baka maimpeksyon iyang sugat mo." bulyaw ko at bahagya niyang tinabunan ang kaniyang tenga sa sarili niyang mga palad. Napalingo-lingo nalang talaga ako habang ginagawa niya ang bagay na 'yon. "Pwede ba? Mag-ayos kana ang baho nang hininga mo." kalmadong saad niya habang ako ay nagngingitngit na sa galit sa kaniya. Ibang klase! Papaano niyang nagagawang maging kalmado? Padabog kong sinirado ang pintuan at napapikit sa sobrang inis. Walang hiyang lalaking 'yon. Kahit kailan talaga hindi kami magkakasundo non. Nag-ayos ako sa aking mukha at nagbihis na rin, sinadya kong hindi bilisan ang aking pagkilos para siya naman ang mainis. "Bahala siya! Ilang araw na niya akong iniinis at hindi ko na talaga siya gagamutin pag nagkasugat siya!" Lumabas na ako nang matapos ako at nakita si Yoohan na seryosong nakasandal sa kabayo. "Hoy lalaki! Sandali muna sinong may sabi sayong pwede kanang gumala? Baka nakalimutan mong ako ang gumamot sa'yo at kailangan mong sundin ang aking mga payo. "Alam ko, maayos na ako at pwede na akong tumulong muli. Kaya pwede ba huwag ka nang masyadong maingay, ilang araw na akong rinding-rindi sa bunganga mo." mababang tonong aniya at mas lalo akong naiinis sa kasamaan ng ugali niya. "Masyadong bilib sa sarili. Tignan nalang natin iyang kayabangan mo." Hindi niya ako pinansin at sumampa na sa kaniyang kabayong dala. Kapag 'yan bumuka pasensyahan nalang tayo, ipapasa talaga kita kay Yna. "Ano pang hinihintay mo? Sumakay kana." Iritado ko muna siyang tinignan at deretsong inirapan na siya. Inabot niya sakin ang kaniyang kamay at natigilan muna ako doon. Nakatitig ako sa kaniyang mga palad at nag-angat ng tingin sa kaniya. Seryoso lang din siyang nakatingin sa akin habang naghihintay na abutin ko ang kamay niya. Sumampa na ako at bahagyang inilayo ang aking katawan sa kaniyang likod. "Kumapit ka sakin, baka mahulog ka." "Ayos lang..." sagot ko at narinig kong malakas siyang bumuntong hininga at ngayo'y hinablot ang aking kamay at ipinulupot iyon sa kaniyang bewang. "Ano bang ginagawa mo!" singhal ko sa kaniya. "Huwag matigas ang ulo. Kailangan mong kumapit sa akin." Nailang ako bigla sa posisyon naming dalawa napasandal ako at naipatong ang ulo sa kaniyang balikat. Humayo na kami at napatingin sa amin ang iilang kawal habang palabas kami nang tarangkahan. Kumakaway sila sa amin at kinawayan ko din sila pabalik. "Saan pala tayo pupunta?" mahinahong tanong ko habang tinatahak namin ang kagubatan "Hardin.." Inilibot ko ang aking mga mata sa kagubatan. Ibang-iba na ito sa dating gubat na masayang tinatanaw ko noon, maraming puno ang nawasak at natumba. May mga tuyong dahon na nakakalat din sa buong lugar. Parang nanibago ako sa anyo ng gubat para itong dinaanan ng bagyo dahil sa wasak nitong imahe... Tanging ang huni lang ng ibon ang nagpapaingay sa buong kagubatan. May mga kaluskos din akong naririnig sa kahit saan. Muling bumuhay ang aking takot. Baka muling magpakita ang mga nakakatakot na mga taong 'yon. "H-hindi ba delikado ngayon sa Sentro? Baka kasi pagdating natin doon ay mapahamak tayo." nagaalalang kong bulong sa kaniyang likuran ngunit hindi ito umimik sa akin. Natatakot lang naman ako sa kaligtasan naming dalawa, baka hindi na kami makabalik ng buhay sa aming kuta. Matapos ang ilang oras naming paglalakbay sa gubat ay nadating namin ang Hardin ng Zitadel. Inilibot kong muli ang aking mga mata at sinuri ang lugar ngunit tahimik naman ito at walang nag-aaligid aligid na mga Disease. Akala ko sa sentro kami pupunta mabuti nalang at dito lang sa hardin. Una siyang bumaba at kaagad na inayos ang kaniyang damit. Sinuri din niya ang lugar at tsaka ito bumaling sakin. "Bumaba kana.." seryoso niyang aniya at bumaba talaga akong mag-isa. "Bakit ba kasi kailangan mo pa akong isama dito! Natatakot ako.." "Kailangan kong makasiguro na hindi mo ginalaw ang bulaklak. Tayong dalawa lang ang nakakaalam non mabuting nang makasiguro." Napakunot ang noo ko at napaisip bigla, "Ang bulaklak na 'yon?" inosente kong tanong, "Bakit natin kailangang makita iyon?" Hindi niya ako kinibo at nagsimula ng lumakad papunta sa hardin. Hindi nalang din ako nagtanong pa at sumunod na sa kaniya. Nahinto kami doon sa pwesto kung nasaan namin huling nakita ang bulaklak na iyon. "Pakiramdam mo bang 'yan ang X-plant?" "Oo, kaya kukunin natin 'yan at baka maunahan pa tayo. Maraming magkakainteres na kunin ang bulaklak na ito dahil sa kakaiba nitong anyo." Bakit hindi ko nga ba naisip ang bulaklak na ito? "Kung ganon ay hindi natin pwedeng kunin 'yan. Paano kung tama ka at 'yan talaga ang bulaklak na hinahanap natin? Nabasa ko sa Doctor's Journal na hindi tayo maaring lumapit sa bulaklak, kailangang dalawang dipa ang layo natin mula sa X-plant." seryosong saad ko habang nakatitig parin sa bulaklak. Kung ikaw talaga ang bulaklak na nagdadala ng delubyo sa bansa namin ay kailangan mong huminto sa pamumukadkad. "Totoo ba ang sinasabi mo?" marahang tanong niya na ngayo'y nakatingin sa akin. "Oo." makahulogan kong sagot sa kaniya habang napatitig din sa kaniya. Hanggang sa makarinig kami ng malakas na hagalpak ay kaagad kaming napalinga-linga sa buong lugar. "Ano ang ingay na iyon?" wala sa sarili kong tanong at ipinwesto ako ni Yoohan sa kaniyang likuran. Parang iyong mga taong nagtatakbuhan at nagsisigawan. Hindi parin nawawala ang ingay at sigawan kung kaya't nagpasya kaming magtago sa halamanan. Nasaksihan namin ang nagkakarambolang mga tao habang sumisigaw-sigaw sa daan para humingi ng saklolo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, namin. Nanginginig ako sa takot habang tinatanaw silang nahihirapan. Namuhay ulit ang takot ko sa nang muling makita ang mga "Disease" na hinahabol ngayon ang mga tao na nagmula sa Sentro. Napaatras ako at mahigpit na humawak sa kamay ni Yoohan. "Tulong! Tulongan niyo kami!" sigaw nang isang babae habang nahihirapan ng tumakbo. Tinanaw namin sila habang hawak-hawak ang kanilang mga batang anak. "Diyos ko..." wala sa sariling bulong ko. Nakita naming nadapa ang isang matanda, pilit siyang bumabangon para makaligtas ang sarili ngunit sa kasamaang palad naabutan siya ng mga nakakatakot na disease at ngayo'y pinagkaguluhan siya ng mga ito habang kinakain ang kaniyang mga lamang loob. Napahagulhol ako sa aking nakita, gusto kong tumulong ngunit wala kaming magawa. Tinakpan ni Yoohan ang aking paningin gamit ang kaniyang kaliwang kamay. Nagpatuloy ako sa paghagulhol habang hindi mawala sa isipan ang nangyari kani-kanina lang. Naawa ako sa kanila, Ilang araw na kaya silang ganito? Nakakain kaya sila nang maayos? Naawa ako sa mga batang walang kamuwang muwang, ang babata pa nila para maranasan ang ganitong sitwasyon. Hindi ko lubos maisip na dadating ang ganitong kahirapan sa buong kaharian ng Zitadel. "Maayos din ang lahat." marahang aniya at hinahagod ngayon ang aking likuran. Sori sa typos ^_^ Hindi tayo perfect!! Follow me! Salamat sa pagbasa. Wattpad: GorgeousCally FB: Dazzling Chang
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD