Hinaplos ko ang kaniyang mukha at naramdaman ko ang init ng kaniyang leeg. Nilalagnat siya kaya inilagay ko ang bimpo sa kaniya noo upang bumaba naman ang init na kaniyang nararamdaman.
Dumating ang hapon at muling bumisita si Commander dala-dala ang basket na punong-puno ng iba't-ibang klaseng mga prutas.
"Nurse Zubii?" tawag sa akin ni Commander "Ayos na siya," mahinahon kong sagot at muling napabaling sa kay Yoohan na mahimbing paring natutulog.
"Hindi na ako magtatanong kung anong nangyari dahil masyadong pribado ang katauhan ng kawal nato, sabihin mo nga gaano ba kaespesyal ang taong to? Kung bakit walang may alam sa kaniya at sa tuwing tinatanong ko siya sa ibang kasamahan natin dito ay wala silang maisagot." hindi ko na mapigilan ang aking sarili pinapatay ako ng sariling kuryosidad kakaisip kung sino siya.
"Patawad, ngunit wala ako sa posisyong ilantad ang katauhan niya." napayuko siya at marahang napatitig sa kay Yoohan.
Bahagya akong napabuntong hininga dahil siguro tama nga ako, hindi lang siya basta-bastang kawal lang.
Isa kaya siya sa utak ng Hukbo?
Isa kaya siya sa anak ng mga Opisyal?
Isa ba siya sa mga anak ng Konseho?
Napapikit nalang ako dahil ang gulo-gulo na ng utak ko!
"Naglayas kami sa Zitadel, matalik ko siyang kaibigan. 'Yon lang ang maari kung maibigay na impormasyon sa iyo, ang tanging magagawa lang natin ay ang siguraduhin ang kaligtasan niya at sana matulungan mo kami," mahinahong sabi ni Commander at bahagyang yumuko sa akin.
Iniwan ko muna saglit si Yoohan habang nagpapahinga ito sa aking silid.
Nagpasya akong tignan ang iba pang kawal na sugatan, at gusto ko sanang tanungin kung anong nangyari sa kanila't bakit ganon nalang ang mga bugbog, pasa ang inabot nila.
Nagpatayo si Commander ng pansamatalang bahay-bahayan na gawa sa trapal para sa mga sugatan.
Medyo problema ito dahil hindi pa tapos ang mga kubong ipinapatayo ni Yoohan para sa mga taga-sentro.
Sa muling pagkakataon naranasan ko ulit ang magtiis ng pagod, uhaw, gutom at iba pa. Dahil sa bawat pagpatak ng oras kailangan naming unahin ang mga pasyente kaysa sa aming sarili.
"Tinambangan kami ng Hukbong Zitadel Commander, pilit nilang tinutugis si Sir Yoohan pero nanlaban kami." narinig kong sabi ng isang kawal kaya bahagya akong pasulyap-sulyap doon para makasagap pa ng impormasyon.
Tumango si Commander sa kaniya at tinapik niya ito. Napaiwas ako ng tingin ng magtama ang aming mga mata, baka isipin pa niyang nakikinig ako sa usapan ng may usapan.
Napaupo ako sa malapit na upuan at gayundin si Yna. Gabi narin ng matapos naming gamutin sila at nasa-ayos na ang lahat at nagpapahinga nadin sila.
"Ang sakit ng likod ko," reklamo niya habang hinihilot-hilot ang kaniyang likuran.
"Bakit Nurse ka!?"
Makahulugan niya akong tinignan at inirapan.
"Tignan ko muna si Yoohan," paalam ko at kaagad na umalis doon.
Nakaupo ako sa gilid ng aking kama habang pinupunasan ang kaniyang mukha.
"Mas malubha ka sa lahat," halos pabulong kong sambit habang nakatitig sa maamo niyang mukha.
Halos masugatan ko ang aking labi sa paghanga sa kaniyang wangis. Siguro maganda ang kaniyang Ina at magandang lalaki din ang kaniyang Ama, kakaiba ang kaniyang wangis para bang hindi mo na maibaling pa sa iba ang iyong paningin sapagkat siyang tunay na nakakabighani.
"Ang gandang lalaki...." nang-gigil kong sabi at akmang kukunutin sana ang tungki ng kaniyang ilong pero pinigilan ko iyon dahil natatangahan na ako sa aking sarili.
Bigla siyang gumalaw at nagsimulang manginig, nataranta ako at marahan inilagay ang aking palad sa kaniyang noo.
Ayan na naman ang temperaturang kay
"Mahal kita," halos maiyak niyang sambit.
Natigilan ako doon at itinuon ang sariling atensyon sa kaniya.
"Mahal na mahal kita Mama..." Dumaan ang kirot sa aking puso nang marinig ko ang linyang iyon mula sa kaniya.
Binabangungot siya at tila masama iyon.
Kinumutan ko siya at inayos ang kaniyang unan ngunit patuloy parin siya sa pagtawag ng kaniyang Ina.
"W-wag mokong I-iwan..." nanginginig na aniya at tila nagsusumamo ang kaniyang tinig.
Pilit kong hinigpitan ang aking pagkakahawak sa kaniyang kamay ng mas naging agresibo siya, pinipigilan ko iyon sapagkat inaalala ko ang kaniyang malalim na sugat.
Baka dumugo ito at mas lalo lang kaming magkaka-problema.
"Yoohan.." mahinahong sambit ko upang pakalmahin siya.
Natataranta na ako dahil sa pagpupumiglas niya, nagsisimula ng dumudugo ang tela na ginamit kong benda sa kaniyang sugat.
"W-wag mokong I-iwan Ma! wag... W-wag niyong saktan ang m-mama ko!" sigaw niya pa na mas lalo kong ikinataranta.
Napalunok nalang ako sa mga pinagsasabi niya at hindi ako nagdalawang isip na yakapin siya ng mahigpit para pakalmahin siya.
"N-nandito lang ako," mahinang bulong ko habang niyakap ko padin siya ng mahigpit.
"Huwag kang mag-alala, hindi kita iiwan..." halos pabulong kong sambit.
Kumalma siya at unti-unting natulog muli, mahigpit parin siyang nakayakap sa akin.
Kahit na nagdadalawang isip ay nilakasan ko ang aking loob na hawakan ang kaniyang kamay.
Muli akong napasulyap sa kaniya at bigla akong nakaramdam ng lungkot.
Hindi ko pa siya lubusang kilala ngunit iba ang pakiramdam ko sa tuwing nandyan siya. Siguro tama si Yna, hindi mo kailanman mapipigilan ang iyong nararamdaman.
Kaya malungkot ko nalang siyang tinititigan at marahang napangiti.
-
Kinaumagahan ay nagising ako sa sobrang lamig halos napa kapa ako sa isang kumot ngunit napansin kong walang tao sa aking tabi, kaya deretso akong bumangon at napasulyap sa lalaking nakaupo sa gilid ko na seryoso lang na nakatingin sa akin.
"Uh.. Magandang Umaga," napapikit ako sa kahihiyang mas nauna pa siyang nagising kaysa sakin.
"A-ayos ka n-naba?" utal na utal kong tanong ngunit tinanguan niya lang ako.
Hilaw akong ngumiti sa kaniya halos kabado ako sa bawat pagkilos ko dahil sa kaniyang madilim na ekspresyon habang nakatitig sa akin.
Ganon nalang ang gulat ko ng makitang magkahawak parin ang aming kamay "P-patawad.." deretso kong hinablot iyon at bahagyang yumuko dahil sa kahihiyang natamo.
Muli akong napa-angat ng tingin ngunit seryoso parin siyang nakatitig sa akin.
Agad akong tumayo at tinalikuran siya, hindi pa ako nakalayo ay...
"Salamat.." halos napunit ang puso kong marinig iyon galing sa kaniya at unti-unting napalingon.
-
"Tinanghali ka Zubii ah? Ayos ba ang tulog mo habang yakap-yakap siya?" nawalan ako ng ganang ngumiti at napalitan ito ng hiya ng salubungin ako ni Yna.
"Ano baa.. Tigil-tigilan moko ha!" asik ko at narinig ang malakas niyang pagtawa.
"Tanghali na kumain naba kayo?" nagulantang ako sa sinabi niya at deretsong napasulyap sa kaniya.
"T-tanghali na!?"gulat na sabi ko at napakunot ang kaniyang noo
"Bakit, gising naba siya?" inosenteng usal niya.
Napapikit ako sa inis dahil bakit hindi naman niya ako ginising?
"Hindi mo alam!?"
"Eh..kas--"
Dumiretso ako sa kusina at hindi pinansin ang naroon.
May iilan akong narinig na bumati sakin ngunit hindi ko iyon pinansin.
Tanghali na ngang talaga.
"P-paumanhin Commander sa istorbo," nahihiyang sabi ni Yna na nasa likuran.
Nagmamadali akong sumandok ng kanin at ulam at naghanda ng maiinom para kay Yoohan.
Paniguradong gutom na gutom na iyon.
"Gising na po," narinig kong sagot ni Yna.
Dali-daling umalis si Commander habang abala parin kami ni Yna sa paghahanda ng pagkain ni Yoohan.
Ilang minuto ang nakalipas ay napahinto ako sa pintuan ng aking silid dahil narinig ko ang boses ni Commander sa loob.
"Kailan mo sasabihin saking balak kang patayin ni Lord Chen!?" Pagalit na sabi ni Commander.
Biglang namilog ang aking mga mata sa narinig ko at napa-ayos ako ng tayo sa gilid.
"Hindi ko alam Xian. Maaring may alam na silang nawawala ako, tayo." mahinahong sambit ni Yoohan.
Paano niyang nagawang huminahon habang si Commander ay galit na galit na!
Lumabas si Commander at tumango ito sakin.
Pumasok ako sa loob at ayan na naman ang nakakalusaw niyang mga tingin.
Inilapag ko ang pagkain sa kaniyang harapan at nakita ko ang pag-angat ng kaniyang mga tingin sa akin.
"Sabayan moko kung ganon," malamig niyang sabi sa akin at deretso akong umayaw.
"Hindi na sasabay nalang ako kay Yna." kaagad na tanggi ko.
"Naiilang kaba sakin?" mayabang na aniya na mas lalong ikinagulat ko.
"H-hindi ah!" deretsong sabi ko.
Uminit ang pisnge ko dahil sa alok niyang sabayan ko daw siya sa pagkain ngunit wala akong lakas ng loob na sabayan siya.
Habang tinititigan ko siya napansin kong napakadisente niyang kumain, mula sa paghawak ng kutsara at tinidor, mula sa pag subo at pag nguya ay nandoon ang paghanga ko sa kaniyang magaang pagkilos.
Kapag kasi kakain na ako ay wala akong pakealam sa magiging itsura ko. Noong una kong makilala si Yna ay napansin ko agad na anak mayaman siya maging kung gaano siya kadesinteng kumain, gumalaw at manamit.
Samantalang ang iba naming kasamahang Nurse ay halos makalimutan na may kutsara pala dahil sa oras na kailangang naming habulin.
Sa pagdating ng panahon nasanay si Yna sa aming trabaho ang disente niyang mga kilos ay biglang napalitan ng magaslaw na pag-galaw.
Gusto ko ding matawa ng minsang maalalang gusto niya daw maranasang maglaba, maghugas ng pinggan, maglinis ng bahay, at mamuhay ng mag isa.
Bukod sa magaling siya sa trabaho ay magaling din siyang magluto ng ibang mga pagkain. Lagi nga akong dumadalaw sa kaniyang silid para doon makikain.
Simula noon ay naging matalik ko na siyang kaibigan, kahit ang yaman-yaman niya nagagawa niya paring makisama sa mababang uring taong katulad ko at kumain ng mga putaheng hindi naman pamilyar sa kaniyang panlasa.
Ang swerte ko pa din sa parteng may kaibigan akong kagaya niya, dahil kapag nalulungkot ako at naalala ko ang pait ng dati kong buhay ay palagi siyang nandiyan para pakalmahin ako.
"Zubii!"
"Ay Zubii!" gulat kong usal at bumalik sa ulirat ng marinig ko ang mababang boses ni Yoohan.
"Tapos na ako," iritabling aniya at bahagyang itinulak ang plato palayo sa kaniya.
Niligpit ko ang kaniyang pinagkainan at itinabi iyon sa isang lamesang naroon sa aking gilid.
Nakikita ko ang bawat pagsulyap niya sakin ngunit hindi ko nalang iyon pinapansin, baka hindi ko maituon ng maayos ang aking atensyon sa ginagawa.
"Bakit kayo umalis ng hindi nagpapa-alam?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Nakita kong kumunot ang kaniyang noo at marahang ipinukol ang paningin sa akin.
Sabi ko nga dapat hindi nalang ako nagtanong...
"Hindi naman din ako papayagan, kaya hindi ako nagpa-alam." kaswal niyang sagot at napa-awang ang mga bibig kong sinulyapan siya.
Seryoso ba siya?
"Bakit, saan ba kayo banda sa Zitadel nakatira?"
"Anong ahensya ka nabibilang?"
"Si Commander alam kong nabibilang siya sa Ahensyang Militar."
Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya dahil pinapatay na ako mismo ng aking kuryosidad kaiisip kung sino ba siya. Para kaming tanga ni Yna na hinuhulaan kong anong ahensiya siya nabibilang.
Masyado masekreto.
"Hindi ako nabibilang sa kahit ano mang ahensya," makahulugang sagot niya kaya natahimik nalang ako sa gilid.
"Wag mo nalang alamin, dahil malalaman mo din naman." pagalit niyang aniya at iniwas ang paningin sa akin.
Tumahimik nalang ako at hindi na muling nagtanong pa.
Napatingin ako sa sugat niyang nakabenda at medyo dumudugo na iyon.
Naghanda ako ng mga panibagong benda, mainit na tubig at ibang halamang gamot.
"Papalitan ko na muna ng benda ito.." turo ko sa sugat sa kaliwang tiyan niya.
Marahan siyang tumango at nagsimula na akong sumampa sa kama at lumapit sa kaniya.
Nanginginig akong hinubad ang kaniyang pang-itaas na damit, wala naman itong malisya sa akin sa tuwing may ganitong eksena sa Ospital ngunit pagdating sa kaniya naghuhurumentado ang puso ko.
Mayabang siyang ngumisi at hindi ko iyon pinansin, inalis ko ang ginamit na benda niya at sinuri ang kaniyang sugat.
"Wag ka na muna gumawa ng pwersa sa katawan mo, kasi sa bawat pag-galaw mo dumudugo ito at baka mas maging malala lang ang sugat mo." paalala ko sa kaniya ngunit hindi siya umimik sa halip ay tumango lang ito.
Pinahiran ko ito ng katas ng halamang gamot upang malinisan iyon, alam kung nahahapdian siya pero pinipigilan niyang magreklamo.
"Pwede ka namang umaray, wag mong pigilan," halos matawang sabi ko.
Tinignan niya lang ako ng masama.
"Hindi nga ako nasasakta---" napadaing siya sa muli kong pagdampi ng bulak sa kaniyang sugat.
"Akala ko, 'di kana talaga dadaing..." pang-iinis ko sa kaniya.
"Eh, kung ikaw kaya ang padaingin ko?" natigilan ako sa sinabi niya, Hindi ko nakuha ang gusto niyang sabihin kaya't nagpatuloy nalang ako sa paglinis ng kaniyang sugat.
"Sige... Itaas mo muna ang iyong mga kamay dahil mahihirapan akong ikutin to," turo ko sa bagong bendang inihanda ko.
Nahirapan akong paikutin ang benda sa tiyan ni Yoohan, hindi ko iyon makuha ng maayos kaya huminto ako at tumingin sa kaniya.
"Tatawagin ko muna si Yna, para tulungan akong magbenda." tatayo na sana ako ng mahuli niya ang aking palapulsuhan.
"Yakapin mo nalang ako para maging mas madali, ayokong pinaghihintay ako.." nagulat ako sa kaniyang sinabi at napalunok nalang habang nakatitig parin ako sa kaniya.
"Eh kasi kailangan ko talaga si Yna.." palusot ko ngunit binigyan niya ako ng masamang tingin kaya muli akong lumapit sa kaniya para gawin nalang kung anong gusto niya.
Muli kong inikot-ikot ang benda at nang humigpit na ito sa kaniyang tiyan ay saka ko ipinatong ang aking leeg sa kaniyang kanang balikat upang itali ang benda doon
"Bakit ka nanginginig?" napapaos niyang aniya kaya napapikit ako doon habang nakapatong ang aking ulo sa kaniyang balikat, halos hindi ko na makita ang tali dahil naiilang ako sa posisyon naming dalawa.
"H-hindi naman ah!" muli niyang idinikit ang kaniyang sarili sakin at mas lalong kumabog pa ng husto ang aking puso.
"Ngayon ay... gusto ko na ang amoy mo," napapaos niya sambit ngunit may paglalambing iyon.
Umangat ako ng tingin sa kaniya at unti-unting lumayo sa mula sa kaniya.
Iniwan ko saglit si Yoohan sa aking silid upang makapagpahinga dahil parang masama talaga ang kaniyang pakiramdam dahil kung ano-ano na ang pinagsasabi e.
Nang magkaoras ay bumisita ako sa pansamantalang silid ng pasyenteng kasama ni Yoohan sa pakikipaglaban doon sa Lord Chen na iyon
Hindi naman sila gaanong napuruhan at nagpapahinga na sila ngayon, nandoon naman si Yna upang tignan sila at kung anong mga sakit ang kanilang nararamdaman.
Maayos naman silang nagpapahinga doon at medyo nakakausap na sila.
"Magandang gabi Nurse Zubii," nakangiting bati ng isang kawal ngunit hindi ko na ito matandaan.
"Magandang gabi din sa inyo.." bati ko sa kanila at naagaw ko ang kanilang atensyon sa pag-uusap.
Nang sinuyod ko ang silid ay masaya akong tinignan sila dahil sa kanilang ngiting walang kakupas kupas.
Di tulad ng espesyal kong pasyente mang-aasar muna bago masilayan ang ngiti.
"Alam mo Nurse Zubii, ang ganda mo talaga..." sabi sakin nong isang matipunong kaedad lang ni Yoohan na isang kawal.
"Salamat," deretso kung tugon at naiilang na ipinukol ang paningin sa kahit saan.
"Pati din po si Nurse Yna.. Ang ganda niyo po talaga..." sabi naman nong isa, pamilyar sila sa akin ngunit hindi ko na alam ang kanilang mga pangalan.
"Teka.. ano nga ba ang mga pangalan niyo?" tanong ko sa kanila habang hindi ko parin inaalis ang aking mga ngiti sa aking labi.
"Ako si Ken," kinikilig na sabi nong kaedad ni Yoohan.
"Ako po si Yokyok," pakilala nung lalaking nagsabing maganda din daw si Yna
"Ah... Ken." turo ko sa kaedad ni Yoohan upang matandaan ko na talaga sila.
"At ikaw naman si Yokyok," turo ko sa nagsabing maganda daw si Yna kahit hindi naman.
May nagpakilala ding mga kawal na kasama namin doon sa silid. Isinaulo ko talaga ang bawat pangalan nila para sa muli naming pagkikita ay maalala ko na sila kaagad.
Thankyou for voting
Follow me GorgeousCally
Wattpad: GorgeousCally