Episode1
"Napaka talino mo talaga kahit kailan! Sabi ko na nga ba at ikaw ang magiging tagapagtanghal ng pinakamataas na karangalan sa buong paaralan! Congrats bestie!" Gulat kaming napalingon ng aking Lola sa masayang at tatalon-talon pang sigaw ng aking kaibigan na si Justina.
"Sabi sayo eh, iba talaga ako sa inyong lahat at ako lang ang may ganitong katalinuhan!" biro ko pa kaya naman nagsitawanan silang dalawa.
"So, anong plano mo ngayong bakasyon girl? Balak kong mamasyal sa Cebu dahil sabi nila maganda raw ang tubig doon. Kung gusto mo, sumama ka sa akin!" Taas noong sabi ng kaibigan ko. "Teka, wag mo sabihing mag-aaral ka na naman ha!? Bigyan mo naman ng pahinga ang sarili mo sa mga pag-aaral na 'yan," kantiyaw pa nito.
Bakasyon na nga pala at papasok na ako sa kolehiyo sa susunod na school year. Siguro itutuon ko na lang ang aking atensyon sa pagaaral dahil sabi nila mas mahirap na raw ang kolehiyo. At tsaka ganun naman palagi ang eksena namin ni lola tuwing bakasyon, kung hindi ako mag-aaral ay magtitinda kami. May pera naman kami kung tutuusin para sa mga bakasyon na 'yan, ngunit ayaw ng aking lola. Kaya kahit gusto ko sumama sa kaibigan, hindi ko naman kaya iwan na lang si lola sa bahay na nag-iisa.
"Sa bakasyon, may mahalagang lakad din pala si Eralice," gulat naman kaming napatingin ni Justina sa aking lola. Bago iyon ah!? Ayaw akong pinagbabakasyon ng aking lola sa malayong lugar dahil delikado raw at maraming mga engkanto.
Noong bata pa ako, naniniwala ako sa mga sinasabi ni lola tungkol sa mga engkanto na nakatira sa mga gubat at kung saan-saan. Pero ngayong matanda na ako, tinatawanan ko na lang siya dahil feeling ko ay sign of aging lang kaya siya nag-sasalita ng ganun.
Matapos ang usapin na 'yon, nagpaalam na rin kami sa aking kaibigan. Ayoko naman kasi na mapagod ang aking lola at kailangan niya pa ng sapat na pahinga dahil kakagaling lang nito sa lagnat.
"Eralice, handa ka na bang buksan ang libro?" seryosong tanong ni lola, tinutukoy ang librong ibinigay niya sa akin noong ako'y 16 years old pa.
"Lola naman eh, kinakabahan kasi ako sa sinabi mong may mahalagang misyon ako!" patawa ko pang sabi. Ang totoo, hindi naman ako kinakabahan, tinatamad lang talaga ako magbasa ng libro na 'yon dahil ayoko sa mga romance books!
"Lumiliit na lang ang panahon. Baka pag binuksan mo ito, huli na ija," seryoso pa rin siya.
"Osya-sya, sige, babasahin ko na. Maliligo lang ako, tigilan mo na 'yang pananahi at gabi na baka matusok ka," pagalit pa kunyari na tugon ko't hinalikan siya sa noo at mabilis na umakyat sa aking kwarto.
Habang suot ang aking kulay pink na sando at padyama, walang anu-ano'y binuksan ko ang libro. Gulat ko itong naibagsak dahil sa liwanag na lumabas at ang mga letrang naghahabulan. Sunod-sunod naman akong napalunok. Totoo ba ito!?
Unti-unti kong inabot ang liwanag at gulat naman akong napaatras dahil hinihigop na ako ng libro! "L-lola! Tulong! Oh my god!" At sa isang iglap, nagpagulong-gulong na ako sa hindi ko malamang lugar. Ang sakit! Tumama pa ang ulo ko sa puno, peste!
"Huh? Nasaan ako?" kinakabahang bulong ko. "Lola!? Lola, tulong!" kinakabahang sigaw ko. Pero agad din akong napatigil ng may marinig akong mga kaluskos. Kaya naman dali-dali akong nagtago sa isang puno.
"Dito nyo ba narinig ang sigaw?" tanong ng isang lalaki, malalim at nakakatakot ang boses. "Opo, heneral Alejandro, dito po nanggaling at tila'y isang babae dahil matinis ang kanyang boses," sagot din ng isa. Alejandro? Siya ang tinutukoy ng lola ko na kailangan kong tulungan! Oo, tama kaya baka kilala niya ako!
Aalis na sana sila ngunit agad akong nagsalita, "Alejandro!? Sa wakas, nakita na kita! Ikaw lang pala 'yan! Halika na, hatid mo na ako sa lola ko. Sasabihin ko sakanya na hindi ko kaya ang mission na sinasabi niya," sabi ko at agad na hinila ang braso niya. Ngunit agad niyang binato ang kamay ko at itinulak ako, at itinutok ang itak niya.
"Sino ka at ano ang karapatan mong tawagin ako sa aking pangalan?" Napakurap naman ako sa kanyang sinabi. Teka, hindi ba ako pinakilala ni lola sakanya?
"Ay hindi ba nag heads up sayo si lola na pupunta ako?" Napakunot ang noo naman ng dalawa sa sinabi ko.
"Hedsup? Lola? Hibang na ata ang babaeng ito, heneral," natatawang ani nung isang pangit na katabi ni Alejandro. Dinampot pa ako nito at iginapos ang isang