CHAPTER 5: We're locked, stranded here!

1597 Words
KINAGABIHAN, hindi dinalaw ng antok si Sabel matapos mapanaginipan ang kanyang inang nakahilata sa kama at umiiyak habang tinatawag siya nito. Bumundol ang kaba sa kanyang dibdib at kaagad na naisipang tumawag sa kanilang mansion. Nakailang tunog ang telepono ngunit walang sumasagot. Hindi siya nawalan ng pag-asa kung kaya't muli niyang tinawagan ang memoryadong numero ng kanyang ina. Nakahinga siya ng maluwag ng sumagot ito. Ngunit, natigil na lamang siya ng hindi ang kanyang ina ang kausap niya. “Hello, sino po sila?” inaantok ang boses ng babaeng sumagot mula sa kabilang linya. “Si, Isabela ito. . .” mahinang sagot niya sa kausap. Tila nabuhayan ng dugo ang kinausap nito at halatang nagulat. “Maam! Ay! Señorita, Isabel. Diyos ko! Salamat naman at tumawag ka,” anito. “May problema ba, Jeneve? Ang mama, k-kamusta na siya?” kinakabahang tanong ni Sabel. “Pasensya na señorita, pero may malubhang sakit ang iyong Mama. Hanggang ngayon ay nakahiga pa sa kanyang kama at lagi niyang tinatawag ang pangalan mo. Kanina lang umaga po ay binisita ulit siya ni sir Sebastian at nagpapasabing harapin mo raw siya,'' mahabang wika ng kanyang kausap. Sumikip ang dibdib niyang naikagat ang ibabang labi at agad na bumaba ng kanyang higaan. Habang ningatngat niya ang kanyang mga kuko sa daliri dahil sa kaba at tensiyon ay napapa-isip siya ng malalim. Tiyak niyang nagkasakit ang kanyang mama dahil, sa pagsuway niya rito. She sighed, “Pwede mo bang bantayan ang mama para sa akin? Uuwi ako kapag okay na pakiramdam ko,” aniya at tuluyan ibinaba ang tawag. KINABUKASAN, malawak na nakangiti si Sabel habang pumalapakpak sa harap ng mga estudyanteng tinuruan niya. Isa siyang Kindergarten Teacher na lingid sa kaalaman ng iba. Pagkatapos ng klase ay isa-isang lumabas ang kanyang mga estudyante at isang batang lalaki ang umagaw ng kanyang atensiyon ng kalabitin siya nito at kinukulit na naman. “Teacher Sab! Teacher Sab! Can you date my dada? Please. . .pretty please?'' nakangusong pag-puppy eyes ni Angelo na noong isang linggo pa niya hiniling at muli na namang ungkatin ngayon. Natawa na lang at naiiling sa harap ng bata si Sabel at nameywang ito sabay kunot-noo. “Sorry, Angelo. But, I can't. You know naman na busy si Teacher, diba? So, teacher Sabel can't go on date,” nakangiti niyang pagtanggi sa kausap na batang lalaki. Ngumuso sa kanya ang bata na para bang naiiyak na ito dahil sa kanyang pagtanggi. “But, your single diba? You don't have a boyfrien---” putol ang sambit ni Angelo ng may tumakpan sa bibig nito na ikinanlaki ng mga mata ni Sabel nang makita at makilala ang taong iyon. “She is not a single anymore, you duck! Your teacher Sabel is only belongs to me,” baritono ang boses sambit ng lalaki na ikinasama ng mukha ni Sabel. “Excuse me! Kilala ba kita?” kumukulo ang dugong naitanong niya na ikinangisi lamang ng lalaki. Tinapunan ng tingin ni Sabel si Angelo na ngayon ay naiiyak na kaya niluhuran niya ito at inalo. “Don't mind him, sweety. Sige na. You can leave now. Kakausapin ko lang ’tong lalaking ito,” malambing niyang sabi na ikinaangat ng kilay ni Gilbert na animo hindi nagustuhan ang sinabi ng dalaga. “Date my dadda po. He promise to me he, buy me stuff if you go on a date with him,” naiiyak pakiusap ni Angelo na ikina-buntonghininga ni Sabel. Tumayo siya at hindi natuloy ang pag-node niya ng magsalita kaagad si Gilbert. “No! She can't go and she never do that. I can buy you stuff if you want,” saad ni Gibert kay Angelo na ikinanganga ni Sabel at hindi pinahalatang nabibilib sa kakapalan ng mukha nito. “Sure?” malawak ang ngiting paniguradong tanong ni Angelo at tuwang-tuwang yumakap sa binti ni Gilbert na ikina-ngiwi ng huli ngunit, hindi pinahalatang may-allergy siya sa mga bata. “Walangyang bata! Mapapasubo ako. Ta*na!” naibulong niya na ikina-ngiting palihim ni Sabel at pinipigilang matawa. “Lumayo ka na bata, bukas ko dadalhin sa'yo ang gusto mo. Umuwi ka na at sabihin mo sa tatay mo---Ako ang harapin niya, okay?” tugon ni Gilbert na ikinatigil ni Sabel. Biglang kumulo ang dugo niya sa lalaki na akala mo ay kung sinong makapagsalita. Isang matinding pag-irap ang kanyang ginawa matapos umalis ang mga estudyante niya. Kunot-noo niyang hinarap ang pangiti-ngiting si Gilbert. Nagtataka si Sabel kung paano siya nito nahanap. Ngunit, hindi pa man siya nagtanong ay nagsalita na ang lalaki. Nababasa siguro nito ang nasa kanyang isipan. “I know what's in your mind,” bruskong tinig ng lalaki na ikina-irap ni Sabel at inayos ang lesson plan niyang nakapatong sa ibabaw ng kanyang desk. “Ano naman ang masamang hanging nagdala sa'yo rito Mr? Pa'nu mo nalamang nasa paaralan ako?” walang gana niyang tanong rito bago ito hinarap na may pagtatakang tingin. A genuine smile traces on Gilbert's lip and simply crosses his arms. “Easy! I have my own way---oh! I do investigate Miss Isabel Linares Fontanilla. Hmp! Did I spell it right?'' nakakalokong pagngising sagot sa kanya ng lalaki na ikina-walang kulay sa mukha ni Isabel. She nervous as well, imposibleng si Sebastian ito. Hindi kaya? Biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Baka nga, pero kapatid ito ni Gal at nasisiguro niya iyon. “I-ikaw ba---” nauutal at kinakabahan niyang sambit at hindi itinuloy ang gustong itanong rito. “Did you stalking me, Mr?” pag-iba niya sa kanyang tanong na ikina-tawa ng pagak ng lalaki at namumula ang ilong na umiling ito. “Diffinitely No. Ang gwapo ko namang stalker kapag nagkataon. And by the way, I'm Gilbert Gustav. Nice too meet you, Isabel,” pilyong pagpapakilala ni Gilbert sa sarili na may ngiti sa labing inilahad ang kamay papunta kay Isabel. “Tsk! Kahit pa, so what if your Gilbert Gustav? Did I ask your name? Hindi ako uto-uto para tanggapin 'yang kamay mo, malay ko bang may gayuma kang nilagay. Nah! Para sabihin ko sa'yo---” nahintong pagtataray ni Sabel nang malakas na isinara ng lalaki ang padlock ng pinto bago siya nito binigyan ng warning gaze. Kaagad siyang naalarma, “What is you're planning to do!” Singhal niya rito saka dumistansya ng bahagya. Ngumisi lamang sa kanya si Gilbert at nagkibitbalikat ito bago humakbang tungo sa kanya habang ang mga kamay nito ay nakasuksok sa bulsa ng kanyang leather jacket. “Gayuma? I don't have that poisonous thingy, Isabel. My charms will be more effective better than that. And to tell you frankly wether you like it or not, our paths cross again and it only means that your belongs to me,” giit ni Gilbert at literal na ikinanganga ni Sabel at lihim na kinikilig. Why the earth allowed her to meet this handsome guy owning her as if he already knew her? Pinagpala kaya siya? She stunned for a while, sadyang napaka-straight forward kasi nito. “Kapag kasi gusto may paraan, gusto kita Isabel and that's final,” nakangisi ng seryosong saad ni Gilbert. Hindi makahuma si Sabel ng niisang hakbang lamang siya ng lalaki. Before she could react, ay simpleng halik sa labi ang iginawad sa kanya ni Gilbert dahilan para bumilog ng husto ang kanyang mga mata at tila dumaloy sa kanyang kaugatan ang milyon-milyong boltahe. Before they knew it, the door was already locked. Kaagad naitulak ni Sabel ang lalaki sa kapusukan nito. Tila namaga ang kanyang mga labi dahil sa panghahalik nito sa kanya. Bigla siyang napaatras nang subukang ilapit rito ni Gilbert ang sarili. “Don’t go near me! Diyan ka lang!” pagbabanta niya na ikinangisi lalo ni Gilbert at bahagyang tinarapuhan ang ibabang labi gamit ang kanyang hinlalaki. Forsaken! He absolutely teasing him. Dahil, sa pagkataranta kaagad pinihit ni Sabel ang seradura ng pinto ngunit naka-lock iyon. Bigla siyang natigilan at kinabahan. “God! Bakit ayaw bumukas?” sambit niya dahil sa kagustuhang makalayo sa lalaki. Isang pilyong ngisi ang sumilay sa labi ni Gilbert at nahahalata niyang nangangamatis na ang mukha ng dalaga at panay-iwas nito sa kanya. “We’re stranded here, hintayin na lang natin na puntahan tayo ni Manong Guard,” kampanteng sagot ni Gilbert na ikina-sama ng titig ni Sabel nang lingunin ito. Sinamantala ni Gilbert ang pagkakataon upang hindi na makawala pa sa kaniya ang dalaga. Ever Since that coincidence happen that night that time make him obsessed, kung pwede nga lang isako niya ito ay ginawa na niya. Ilang araw na siyang hindi nakatulog nang maayos dahil, sa kakaisip niya kung anong dapat na gagawin kung sakaling makita niyang muli ito. He rubs his lower lip wearing those genuine smiles of his. “There's nothing wrong with what I’m doing, Isabel. Pasalamat ka nga hindi kita kinidnap o kaya itanan,” nakangising sambit niya. Naramdaman ni Sabel ang pag-akyat ng dugo niya sa binitiwang salita ng kaharap, hindi lang pala ito prangkador kundi makapal din ang mukha. Pero, bakit ganun? Lihim naman natutuwa ang puso niya? “Y-your out of your mind, Mr. H-hindi mo ako madadala sa mabulaklakin mong salita, okay? A-at pwede ba, huwag ka m-masyadong kampante. Just checked my background first,” nauutal isinaad ni Sabel at nagawang pakalmahin ang puso. She's afraid after all. “M-manong! D-dito ho!” Sigaw niya sa guwardiyang naglilibot upang puntahan siya dahil palihim siyang nagpapadala ng mensahe rito. Nawala sa mukha at labi ni Gilbert ang kakaibang saya dahil pinalitan iyon ng pagkadismaya. Kulang pa ba ang sinabi niya? How could she reject him so easily?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD