CHAPTER 4: The Red Souvenir

2750 Words
HABANG abala pa sa pag-aayos ng kanyang longsleeve na suot si Gilbert ay sumulpot ang kanyang kapatid mula sa nakabukas na pintuan ng kanyang kwarto at may kakaibang ngiting sumilay sa labing tumingin ito sa kanya. Alam na niya kung bakit ito ngingiti at inaantay siya. “Tagal mo ah!” nayayamot ang sabi ni Georgina. “Balak mo bang maging super girl, Jo? If I were you, let kuya Gal know his part. Tch! siya dapat ang magsusundo kay Freya,” aniya at ngumiting ibinulsa ang kamay sa pants niyang suot at humakbang papalabas tungong kwarto ni Gal. Nakasunod sa kanya si Georginia at nangingiting sumagot. “Haist! May plano kasi ako, ei. Alam mo 'yung magagalit siya kasi sayo ko ipapasundo si ate Freya,” pilyang ngising sabi ni Georginia na siyang ikina-ikot ng kanyang mga mata. “Tch! Sana nga tumalab iyang naiisip mo,” tanging saad niya bago sumandal sa tapat ng pader sa pintuan ng kwarto ni Gal at hinihintay ito sa kanyang paglabas. Balak nilang dalawang magkakapatid na ma-settle na si Gal, dahil sa ilang taon nitong paghihirap ay ni minsan hindi nila ito nakitang maging masaya. Ikinulong ang sarili sa pagtatrabaho at pagtulong sa iba. Sinisi ang sarili nito at hindi na binigyan ng pagkakataon ang sariling magmahal dahil sa takot. He is still stock in his agony and pain, killing himself in conscience from his darkest past. At hindi sila tutol kung si Freya man ang magbibigay daan para muling magbalik sa totoong sarili niya ang kapatid, ang dating masayahin, strikto man ay may mabuting puso sa kanyang kapwa. Alam nilang pareho kung paano naghirap ang kapatid at gaano ito nagsisisi matapos malaman na nagpakamatay si Miggy. MARAHANG menasahe ni Gal ang kanyang ibabang labi habang kunot-noo niyang binasa ang impormasyong ibinigay sa kanya ng taong inutusan nitong manmanan at kunan ng record si Freya Gonzales, dahil na rin ibinigay sa kanya ng dalaga ang buong pangalan nito ay naisipan niyang ipa-background check ito. Bukod kasi sa misteryosang dumating ito bigla-bigla ay hindi na niya ito mawaglit sa kanyang isipan. “Hindi magkalayo ang babaeng tinukoy niyo sa batang ito konsehal. Pero sa pagkakaalam ko ay matagal na pong patay si Miggy,” Pagbabalik sa isipan ni Gal sa sinabi ng lalaking kinuha niya para imbestigihan ang tungkol sa pagkatao ni Freya. Mali man iyon pero gusto niyang tiyakin ang lahat. “Freya, oh please! Why I can't forget you? Damn this feeling!” sambit niya at naipikit ng mariin ang kanyang mga mata. He can't help it but he want her to be with him. Tama bang pagnasaan niya ito gamit ang malilikot niyang isipan? Gusto na niyang murahin ang sarili dahil, sa dinami-raming babaeng dumaan sa kanyang buhay para handang paligayahan siya ay ni isa sa mga ito ay walang kakayahang magparamdam sa kanya katulad ng nararamdaman niya para kay Freya. And his being arouse forsaken. Mula sa malalim na pag-iisip ay naputol ang nagde-deliryo niyang isipan dahil, sa isang pagkatok mula sa labas nang nakasarang pintuan ng kanyang library. Kung kaya't natigil siya bago tinungo ang pinto. Pagbukas niya ay isang masungit na ayos at ang mukhang atat na atat na si Georginia ang bumungad. “Hello kuya, what time is it? Gusto mo yatang ma single forever anuh? Look! I'm only one making a way here, para lang magka-lovelife ka na,'' nakataas ang kilay nitong asik. Napahilot sa kaniyang batok si Gal at ngumiwing hinarap ang kapatid na siyang sinundan naman ni Gilbert. “Ako ba talaga ang susundo sa kanya, hindi ba mukhang desperado ako kapag ganun?” mahinang wika niya na ikina-irap ng matindi ni Georginia. “Kuya---” putol na sabi nito ng magsalita si Gilbert at nagpresenta. “Give me her address, ako na ang susundo sa kanya. Tsss! feeling virgin ka pa kasi ei,” malamig ang boses wika ni Gilbert na ikinapigil matawa naman ni Jo sabay cross arms nito at sumandal sa gilid ng pintuan. “So kuya Gal, papayag ka ba? Ikaw din, baka kung saan pa dalhin ni Gil si ate Freya. You know this Jerk!” mapanuyang saad ni Georginia. Inis na ginulo ni Gal ang kanyang sariling buhok, kumunot-noo niya dahil sa ngising sumilay sa labi ni Gilbert. He pissed. “Psssh! No need. Ako na lang ang pupunta,” pagsukong sabi niya at iniwan ang dalawang kausap. Nahampas ni Georginia ang balikat ng kapatid dahil sa nadaramang kilig at hindi napigilan ang sariling hindi kurot-kurotin ang pisngi ni Gilbert pagkatapos. “Ang galing mo talagang umarte! HAHA. Tumalab ei, so see yah Brother! magpapaganda pa akets!'' tawang pagpaalam niya. Naibulsa na lamang ni Gilbert ang kanyang magkabilang kamay. Naiiling niyang sinundan ng mata ang kapatid bago siya naglakad patungong kwarto niya hanggang sa nakapkapan niya sa kanyang bulsa ang isang bagay na magpapaalala sa isang mainit na gabing nakaraan. Muli, naalala na naman niya ang mukha ng babaeng hindi niya mawaglit sa kanyang isipan. “Oh darn! Bakit nasa ’kin pa rin 'to? Tangna!” nanlaki ang kanyang mga matang naibulalas matapos pagmasdan ang kulay pulang T-Back. HINUBAD ni Sabel ang suot niyang pang waitress uniform dahil may suot naman itong kulay itim na damit panloob pagkatapos pasimple niyang niliko ang bandang madilim na parte ng mansyon. Inilagay niya sa kanyang likuran ang 45 calibre na pagmamay-ari ni Freya at maingat niyang itutulak na sana ang pintuan nang kusa iyong bumukas, kung kaya ay kaagad-agad siyang kumubli sa parteng madilim dahil, lumabas mula roon ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng Navy Black Suit Italian Style. Sinilip iyon ni Sabel at sinipat ng mabuti ang lalaki upang kilalanin ito. Ngunit, ganun na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata matapos makilala ang lalaking abala sa kausap mula sa kabilang linya. “s**t! anong ginagawa ng lalaking 'to dito?” nagsusumigaw ang loob niyang tanong sa sarili at nararamdaman niya ang kakaibang tensyon at kaba dahil sa nakita. Mahigit isang buwan mula mangyari ang gabing ipinagkaloob niya sa isang estranghero ang kanyang bataan, at hindi siya pwedeng magkamali dahil memoryado na niya ang kabuuan ng lalaki. “Hey! Linares. Are you still there? Mag-ingat ka sa ikikilos mo. May nakabantay sa balkonahe. Bumalik ka rito at si Freya na ang bahalang pumasok sa loob, mukhang hindi siya tatantanan ng Gustav na 'yun,'' rinig niyang babala ni Uno mula sa nakakabit na earpiece sa tainga niya na ikinatigil niya sandali at inilibot ang paningin sa paligid. Tama nga si Uno, may nakabantay sa bawat sulok ng bahay at pasasalamat na lamang siya ay madilim ang parteng kinaroroonan niya. Mabilis niyang nilisan ang lugar na pinagtaguan niya't agad na rin ibinalik ang suot na uniform. Pasimple siyang naglakad pabalik sa pwesto ng kanyang mga kasamahang waitress at inayos ang sarili at sa medyo gusot na damit. “Tang'na! Bakit hindi ko kaagad na alala na kapatid niya si Gal?” nagtatakang tanong niya sa sarili habang patuloy sa paghakbang tungo sa kinaroroonan ni Uno ng biglang may brasong humarang sa kanyang dinaraanan na hindi niya alam kung saan ito nanggaling. Kunot-noo niyang inangat ang kanyang mukha at ganun na lamang ang pagkagulat niya ng makilala kung sino ang nasa kanyang harapan. Nakangisi sa kanya ang lalaki. “Trying to hide from me huh? What a small world, w***e gold digger!” pang-iinsulto ng lalaking nakaharang sa dinaraanan niya at nakangising masamang nakatingin sa kanyang kabuuan. Natulos sa kanyang kinatatayuan si Sabel dahil sa sakit na ipinaratang ng nakaharap. Tila'y nakakita siya ng multo dahil sa sobrang gulat. “Jeez! Kaya mo 'yan Isabel. H'wag kang paapekto,” kausap niya ang kanyang sarili at lakas loob niyang hinarap ang lalaki. Nagtagis ang pangang humakbang ni Gilbert papalapit sa babaeng gusto niyang ipakulong dahil sa ginawa nito sa kanya at pagnanakaw nito sa pera niya habang siya'y tulog pa at hubo't hubad sa hotel. Tumambol naman sa kaba ang puso ni Sabel at gusto ng malusaw ora-mismo. Dahil, kahit gaano pa man siya katapang at katigasan ng loob ay napapalambot ang kanyang mga tuhod matapos makita sa lalaking ito kung gaano kasama ng titig nitong ipinukol sa kanya. “What a gross air bring you here?” mahinang asik sa kanya ng lalaki. A smirk smile forms on her lips while staring at the stranger. But she stunned. “You still really want to come here after you've done to me, huh? Tell me! You know me, don't you?” inis at nanggigigil nitong hinawakan ang kanyang baba at marahas nitong iniangat ang kanyang mukha upang iniharap dito. Ngunit, isang matinding pag-irap ang kanyang pinakawalan bago sapilitang iwinaksi ang kanyang braso at isang ngiting nakakairita ang kanyang ibinigay rito. “What a big deal, Mr. Unknown? I don't know you, nagtatrabaho ako kaya pwede ba, bitawan mo ako!” naiiritang asik niya rito na ikinatagis ng panga ng lalaki. Ginawa rin niya ang pagtitig sa lalaki mula ulo hanggang paa nito habang nakangising aso. “Ako Gold Digger? Ay! Wow, just wow! Bakit sino ka ba, huh?” taas noo niyang singhal sabay pamewang. “Tch! lemme correct you Mr. Unknown, for your informal information. Una, ikaw itong biglang humarang sa dinaraanan ko tapos ininsulto mo pa pagkatao ko. Hindi kita kilala, wala akong kinuha sayo. Kaya pwede ba, umalis ka sa harap ko at baka pagsisihan mong magagawa ko,'' mahabang paliwanag niya. Hindi malaman ni Gilbert kung paano I approached ang babae. Mukhang hindi maganda ang pagkasabi niya kanina kung kaya't nagalit sa kanya ito. Siya man ay napahagod sa ibabang labi, hindi niya malaman paano ipaalala sa kaharap ang nangyari. Napaka-imposible naman na nakalimot ito. Hindi niya tuloy mapigilan ang kanyang sariling inisin ang kaharap. “Really, huh? How could you forgotten what had been happened between us? Gusto mo yatang ipapaalala ko sayo,” Gilbert devilish smiley said. Nanlaki ang mga matang nakatitig sa kanya ang babae. Kung kaya't napangisi siya sa naging reaksiyon nito. “Antipatiko!” nang-aasik nitong naibulalas. “Yes I am,” proud pa niyang sabi at ningisihan ito ng nakakaloko. Sabel, didn't know how to react. She stunned at unti-unti siyang napaurong ng inilapit ng lalaki sa kanya ang sarili nito. Gusto niyang iwasan ito, ngunit paano? Hindi niya hahayaang ungkatin ng lalaki ang nakaraan at baka mabaliw siya sa pag-iisip pagnakataon. Nakangising asong tumitig sa kanya ang lalaki at nangaasar ang mga matang ibinaba ang tingin sa kanyang labi hanggang dibdib. Hindi niya alam kung makailang beses na siyang napapalunok dahil sa tensyong nadarama. Pakiramdam niya ay pati singit-singitan niya rin ay namamawis na. “S-stop staring at me! Lu-lubayan mo nga ako,” nagawa niyang awat rito na ikinabawi ng tingin sa kanya ng kaharap at may nakakalokong ngiti sa labing tumitig muli sa kanyang mga mata. “Why, kitty? Do you want me to remind you. . . that, we had one night stand?” deretsang pagpapaala nito sa kanya na ikinatigil niya. Ramdam niya ang pag-akyat ng kanyang dugo hanggang mukha niya dahil bigla siyang namanhid. Sobrang lakas makapinting ng kanyang puso na anumang oras ay lalabas na ito sa kanyang katawan. At hindi niya magawang ikilos ang sarili para saktan ito, nawalan siya ng lakas at hindi alam paano kumilos. Nanggigigil na lamang niyang kinuyom ang mga kamao na sinundan naman ng tingin ng kaharap saka nakangising ibinalik sa kanya ang paningin. Hindi malaman ni Gilbert kung saan niya kinuha ang tapang at basta na lamang sinunod ang inilabas ng kanyang bibig. Tila sinaniban siya ng kakaibang init at basta-basta na lang nagpapatangay sa gustong ilabas ng kanyang puso. He wants her to be punished and that punishment is to be with her for a long time. “You can't escape from me again, now that you we're here---” pambibitin niyang sabi at lumambot ang ekspresyong tumitig siya sa mga mata ng babae. “Panagutan mo ako kung ayaw mong sa kulungan ang bagsak mo. It's a simple way of paying me honey. Don't say no to me. Dahil, hawak ko ang video footage sa lahat ng ginawa natin ng gabing iyon,” pagbabanta niyang sabi bago ngumiti ng ubod-tamis. Nanggagalaiting umigkas ang kamay ng dalaga sa kabilang pisngi niya. Galit na galit ang mga matang tumitig ito sa kanya. Ngunit ngumiti lamang siya at marahas niyang hinablot ang braso ng estranghera upang isiksik ito sa kanyang mga bisig at hinawakan ang mukha nito upang siilan ng isang mapusok na halik. Nanlaban ito kung kaya't bumitaw siya at tumigil. Aakma siya nitong muling sampalin ng agad niya itong napigilan. Iwinaksi ng dalaga ang kanyang braso at lumayo mula sa kanya. She even cursed him. “Go to hell! This is blackmailing, you jerk!” He just laughed and about to kiss her again but someone punch him straight into his face. KUMUKULO ang dugong ginawang punching bag ni Sabel ang tagiliran ni Uno na siyang panay ang iwas ng huli. Halatang nanggigigil ang dalaga kaya't nangingiting sinalubong na lamang ni Uno ang pagsuntok nito hanggang sa tumigil ito at galit na ibinagsak ang mga gloves na ginamit. “Mukhang may tinatago kang galit sa akin ah? Panay tira mo kahit dehado na ako,” nakangiting sabi ni Uno at tinungo ang lalagyan ng mineral water nito saka kinuha iyon sabay iniabot iyon papunta kay Sabel. “Oh, tubig!” pag-abot niya't umupo sa bakanteng silya. Tinapunan lamang ng tingin ni Sabel ang kausap bago tinanggap ang ibinigay nito. “Tch! Naiinis ako. Huwag mo na lang akong kausapin sa ngayon, na hi-high blood pa ako,” kunot-noong sabi ni Sabel bago binuksan ang takip ng mineral water. Natatawang iniling na lang ni Uno ang kanyang ulo bago tumayo. “Chill ka lang! Sabihan mo lang ako kung anong balak mo. Resbakan natin ang muklo na 'yun ng hindi ka na ma-highblood riyan!” nakangising wika nito sa kanya. Isang malakas na sapok sa batok ang ipinagkaloob ni Sabel rito at sinamaan ng tingin pagkatapo. “Psh! Tumahimik ka na lang. Ako nang bahala sa kanya,” seryoso ang mukhang saad ni Sabel saka sumilay sa labi ang tipid na ngiti. Bago pa man kasi siya muling mahalikan ng lalaking iyon sa gabing nagdaan ay dumating na si Uno at walang pasabing sinigawan at sinuntok ang lalaking may hawak sa braso niya at agad siyang ilayo mula rito. And she thanks after all, kahit pa na may nangyari sa kanila ng lalaking iyon ay hindi niya papangaraping panagutan ito. Bagkus, nabawasan na ang kaunting paghanga niya sa lalaki at pinalitan iyon ng takot at pagkairita. “Sini-suwerte ang damuhong 'yun kung sa inaakala niyang mapapayag niya ako. Pwes! Nagkakamali siya. Ang kapal talaga ng apog niya! Ako itong babae pero ako pa ang talaga ang managot. Haist! Kapal! Ang kapal!” nanggigigil niyang sabi na ikinangiwi ni Uno. INIISA-ISANG kinolekta ni Gilbert ang mga Personal Data ng mga crew na siyang nag catter kagabi sa mansion nila at inabala niya ang may-ari ng restaurant na siyang namamahala. Tila pinagpawisan si Mr.Arth, ang lalaking nakatayo sa kanyang tabi dahil, hindi niya matandaan ang mukha ng babaeng pinapahanap nito. Hanggang sa natigilan at nahinto si Gilbert sa isang file at nahanap niya ang kanyang hinahanap. Isang ngiting tagumpay ang ibinigay niya sa lalaking nakatayo na ikinahinga naman ng maluwag ng huli. “I'm sorry for making you bottered Mr. Arth. Thanks for this info, sana naman hindi ito makakarating kay Kuya, okay?” naka-ngiting wika niya sa lalaki na ikina-ngiting pilit ng kausap nito. “I will, Mr. Gustav,” sagot sa kanya ni Mr. Arth bago niya ito iniwan at talikuran. Isang ngising nakakaloko ang sumilay sa sulok ng labi ni Gilbert matapos niyang makuha ang kanyang gusto. Tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib dahil, hawak na niya ang impormasyong gustong-gusto niyang malaman. “Sabel Linares,” pagbigkas niya bago niya tinupi ang kapirasong puting papel at isinuksok sa bulsa ng kanyang pantalon. Umupo siya sa loob ng kanyang Audi habang kinakalikot ang kanyang cellphone. Nag-research siya tungkol sa pangalan na nakalap niya at ganoon na lamang ang pagkunot ng kanyang noo ng walang mai-labas ang internet. Bagkus ay inire-komenda lang sa kanya ang hindi pamilyar na pangalan. “Isabel Linares Fontanilla,” nakakunot-noo niyang sambit at makahulugang minasdan ang impormasyong nakalap. Bagamat nag-aalangan ay hindi na niya inisip pa ang dahilan ng dalaga kung bakit hindi nito isinulat sa Resume ang totoong apelyido at buong pangalan. “Hmp! Interesting,” nakangising naisatinig na lamang ng kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD