NAHILOT ni Misis Samira ang noo at hinagod niya iyon. Bumaba ang share of stocks ng companya nila dahil sa kagagawan ni Mr. Sebastian 'cause he mean to get his daughter's hand. Nanakit ang puso niyang maisip na lumayo ang loob ng anak niya dahil sa desisyon niyang ipakasal ito sa lalaking alam niyang ikakapahamak ng anak niya.
'' I'm sorry my princess. I didn't mean to hurt you.'' Sambit niya at kasabay naman nun ang pagpatak ng iilang butil ng luha niya.
'' Madam, may ibinigay na info ang inutusan mo. She's in Mr. Gustav.'' Nadinig niyang sambit ng P.A nito na ikina-angat niya ng mukha at napatigil sa binanggit nito.
'' Are you serious, Melanie. How did they met? Kilala ba siya ng anak ko?'' Naguguluhan at nalilito niyang ani na ikinatango ng kausap nito.
'' Uutosan ko ba ang mga bodyguard Madam?'' hinging permiso ng babae na ikinataas ng kamay ni Misis Samira hudyat para tumahimik ang kausap.
'' No. Don't do that. I know she's in the good hand. Just let her, Melanie. Ayaw ko ng madagdagan pa ang pagrerebelde ng anak ko.'' Maawtoridad nitong ani na ikinayuko ng babae at lumisan sa harap niya.
She heaved a sighed closes her eyes.
Ang pagbagsak ng companya nila ay walang kinalaman ang anak niya, all she want is to make it still---ayaw niyang mawala ang pinaghirapan ng kanyang yumaong asawa. At ang inakala niyang sagot ay si Sabel na siyang lumayo naman ang loob dito.
She knew Mr. Sebastian---a reckless Mafia.
At nagkamali siya ng taong nilapitan.
Buong biyaheng walang imikan sa pagitan ng dalawa, nakikiramdam lang sa bawat isa kung sino ang unang iimik. Habang sa kalsada ang tuon ng pansin ni Gilbert ay lihim naman napapasulyap dito si Sabel at hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ng binata.
Nagmamaneho ang kaliwang kamay nito habang hagod naman ng isang kamay niya ang ibabang labi niya.
'' I'm sorry for kissing you earlier...'' Aniya't huminga ng malalim. '' I didn't mean it.'' Dugtong niya na ikina kirot ng puso ni Sabel.
'' I-its okay. Sa-salamat sa pagligtas sa akin.'' Malungkot ang boses niyang tugon bago iniwas ang tingin sa binata at ibinaling iyon sa labas.
'' Whats the problem, Sabel? Bakit ka nila hinahabol?'' Seryosong tanong ni Gilbert sa kanya.
Napatitig muli si Sabel sa kausap at ramdam nito ang pagtibok na naman ng puso niya ng mabanggit ng binata ang pangalan niya. It seems she missed this guy.
'' May ginawa ka bang masama sa kanila?'' Muling ani ng binata na ikina-iling niya at napakagat labi.
'' Wa-wala, pero ang totoo niyan. Mga tauhan iyon ng Mama, gu-gusto niya kasi akong maikasal kay Mr. Sebastian.'' Parang bata niyang sumbong dahilan para ihinto ni Gilbert ang sasakyan at makikitaan ang pagdisgusto nito pero sandali lamang iyon at agad na pinalitan ng walang emosyong tingin.
Wala ng marinig na salita pa si Sabel mula kay Gilbert. Nakaramdam tuloy siya ng paninibugho dahil noong araw na lagi itong naka-abang sa kanya ay nakukulitan na siya, pero bakit ganun? Kaydali naman nitong mawalan ng determinasyon kung totoong may nararamdaman siya para sa kanya?
'' Sinungaling.'' Bigla niyang naisatinig mula sa pag-iisip at kaagad nitong tinakpan ang bibig.
'' Huh? Sino?'' Litong tanong ni Gilbert.
Agad na iniwas ni Sabel ang mukha at nagkunwaring natulog.
'' Jeez, Sabel. Ngayon, nagsisisi ka nang binusted mo ang lalaking iyan.'' naisambit niya sa sarili't isipan.
Ang tulog-tulog ni Sabel ay nauwi sa mahimbing na pagkakatulog. Magdidilim na ngunit, heto parin siya...natutulog habang titig na titig si Gilbert.
Marahan hinaplos ni Gilbert ang malambot na labi ng dalaga, kaysarap nito pagmasdan. Mula sa pagkatitig niya ay napangiti siya ng palihim. He's not regret kissing her earlier, he's sorry then dahil ayaw niyang madagdagan pa ang pagdisgusto ng dalaga sa kanya. Ngunit ng maisip na ikakasal pala ito sa ibang lalaki ay tila nag-aalburuto na ang puso niya sa galit.
'' Not now, sweety. I'd made it sure that you'll be mine. Only mine, Sabel.'' sambit niya sa isipan bago nito bigyan ng isang banayad at damping halik sa labi ang himbing na himbing na dalaga.
KINAUMAGAHAN...
Napa-unat ng kamay nito si Sabel habang humihikab. Nasa isang malambot at malapad na puting kama siya na siyang ikinanlaki ng kanyang mga mata. Nagtataka siyang inilibot ang mga mata sa kabuuan ng kwarto at huling sinilip ang nakabalot na katawan. Napasinghap pa siya masilip iyon.
''God, buti na lang may damit pa ako.'' Naisambit niya at bigla siyang napatda ng mula sa bungad ng pinto ay iniluwa ang nakatopless na si Gilbert.
Mamasa-masa pa ang buhok ng binata at tumutulo iyon sa dibdib niya ng matitigan iyon ni Sabel hindi tuloy nakaligtas ang iilang beses niyang paglunok.
'' Gising kana pala. Sorry, hindi na kita ginising pa kagabi dahil mahimbing kang natutulog.'' Saad ni Gilbert sabay tinarapuhan ng tuyong twalya ang buhok nito sabay inilagay iyon sa leeg ang twalyang ginamit.
Humakbang ito palapit kung nasaan si Sabel na halatang nag-iiwas ng tingin. A smirking smile traces on his lips knowing that Sabel is distracting from his charms.
'' A-ah anu...ahmp. Nasaan ba ako? Pa-paano ako napunta di-dito?'' Nauutal ang boses na ani ng dalaga na lalong ikinangisi ni Gilbert.
Halos kapusin naman ng hininga nito si Sabel ng matitigan ang kumikinang na Abs ng binata. Pinamulahan siya ng mukha at nanginginig ang kamay dahil sa matinding kaba at kabog ng puso niya.
'' U-uy, a-ano bang ginagawa mo? Lu-lumayo ka nga.'' Nauutal niyang sabi ng inilapit ni Gilbert ang mukha sa mukha nito.
Dahil sa nakatayo ang binata at niyukuan siya ay napatingala naman siya para salubungin ang titig nito.
'' I brought you home...in my house.'' Ngiting sagot ni Gilbert sa kanya na ikinatigil niya at napa-atras bigla ng mas lalong inilapit ng binata ang mukha nito at ngayon ay nakatukod ang magkabilang braso nito para ikulong siya.
He's on top of her, ay mali. Hindi pa naman ganun talaga pero para narin ganun dahil ang lapit nito sa kanya. Mas lalong kinabahan si Sabel at nailunok nito ang laway ng matitigan ang mapupungay na mata ng binata.
''Jeez! he's teasing me. Oh God.'' naisambit niya sa isip at biglang pumikit ng mariin habang tikom ang bibig.
Kita niya kasing hahalikan na siya nito pero hindi pala iyon ang pakay nito.
'' Why you're closing your eyes, Sabel.'' Ngising sambit ni Gilbert na ngayon ay nakatayo na uli at isinuot sa kamay ay pambisig relo niyang nasa ilalim ng unan ng dalaga.
Agad naman iminulat ng dalaga ang mga mata nito at pinamulahan ng mukha ng mapansin ang hawak ng binata. Gusto niya tuloy lamunin ng lupa at lumisan na dahil sa kakaibang ngiti ng binata. Baka iniisip nitong gusto niyang mahalikan muli.