CHAPTER 8: Paghahanap
NAHIHIYANG iniyuko ni Sabel ang mukha habang nakasunod kay Gilbert palabas ng silid. Kinatukan kasi sila kanina ng katulong, at kailangan na raw nilang mag-aalmusal na. Niyaya rin siyang lumabas ng binata nang malaman nitong kumakalam na ang sikmura niya.
Mula sa pagyuko niya ay hindi niya kaagad napansin ang pagtigil ni Gilbert mula sa paghakbang nito. At hinarap siya nito. Sa sandaling iyon ay nauntog siya sa malapad, at matigas na dibdib ni Gilbert, bagay na ikinasapo niya sa kanyang noo. At pakiramdam ni Sabel, ay tila umalog ang utak niya.
Pag-angat niya ng mukha ay nakita niya ang pagkunot-noo ng binata, at binigyan lamang siya nang walang ekspresyon na titig.
“So-sorry,” nakangiting aniya at muling yumuko.
Subalit, maagap siyang napigilan ni Gilbert at hinawakan ang baba nito. Nagulat at para bang nag-loading pa ang isipan niya. Nang hatakin siya ng binata at walang pasabing inangkin ang labi niya. Napakurap-kurap si Sabel at hindi makahuma hanggang sa lumalim ang paghalik sa kaniya ni Gilbert na animo’y ayaw pakawalan ang labi niya.
Hindi nakaiwas si Sabel. Na tila nagugustuhan mainit na halik ng binata. Sandali pa ay nakaangkla na ang kanyang mga braso sa batok ni Gilbert, at nakikisabay na siya mula sa panghahalik nito. Walang pagsawa na nagpapalitan sila ng kagat. At minuto bago sila kumawala sa isa't-isa. Isang nakakalokong ngisi naman ang binigay ni Gilbert sa kaniya bago nito hinagod ang labi ibabang niya.
“Nagugutom na ako. Tayo na!” nakangiting anito, at naunang humakbang.
Tila na istatwa si Sabel mula sa kinatatayuan.
Nagugutom?
Nagugutom?
Tila umeko sa utak niya ang katagang iyon ng binata bagay na ikinasunod niya rito nang tingin. Umarko ang kilay niya sa naisip, at saka bumusangot na lang din.
“Anong akala niya sa labi ko, pagkain?” nakangusong sabi niya bago sinundan si Gilbert.
—---
NAPASINGHAP si Sabel dahil, sa preskong hangin na nalanghap niya pagkalabas niya sa bahay ni Gilbert. Sa may dalampasigan siya nagtungo matapos niyang magpaalam sa binata, at hinayaan naman siya nito.
Bahagya siyang napangiti, inalala ang huling sandaling pinagsaluhan nila ang maninit na halikan. Nahagod niya ang labi na animo naiwan pa ang init ng labi ni Gilbert. Tuloy, hindi niya mapigilan ang kilig na kanina pa niya naramdaman.
“Ibig bang sabihin nito ay gusto pa niya ako?”
Nagpasya siyang bumalik sa bahay at naabutan niya roon ang matandang katulong na, si Aling Soling na abala sa pagdidilig sa mga halamang namulaklak na. Lumapit siya rito bagay na ikinalingon sa kaniya ng matanda.
“Tulungan ko na po kayo, Manang,” pagpresenta niya.
“Ay! Naku, ineng. Huwag na, kaya ko ito.” Tanggi sa kaniya ng matanda at hindi na nagpumilit pa si Sabel.
Nanatili lamang siyang nakatayo sa tabi, at nahihiya na wala man lang siya maitulong. At sa pananahimik niya ay nilingon siya ng matanda, huminto muna ito bago siya nilapitan.
“Pasensya ka na, neng. Baka kasi pagalitan ako ni, sir. Mukhang ayaw ka kasi niyang mapagod!” nakangiting wika ng matanda bagay para mang-init ang pisngi ni Sabel.
“Ho? Hehe. Ba-bakit niyo naman po naisip 'yan,” namumula ang mukha na aniya.
“Hindi ba obvious! Nobya ka ni, Sir Gilbert kaya ganun ka niya pahalagahan.” Deretsahang sagot ng matanda bagay na ikinanlaki ng kanyang mga mata, at nahihiya na tumingin pa.
“Ho? Naku! Mali po kayo ng iniisip, manang. Ma-magkaibigan lamang po kami!” depensa niya at pinamulahan lalo ng mukha.
Bumulong ang matanda na hindi naman nakaligtas sa pandinig niya.
“May magkaibigan bang naghahalikan? Hayst! Mga kabataan nga naman!” pailing-iling naibulong ni Aling Soling at ipinagpatuloy na lamang nito ang ginagawa.
Gusto nang maiyak ni Sabel sa asar na nadarama dahil, hindi man lang siya pinaniwalaan ng matanda. Subalit, ganun na lamang ang pagsinghap niya nang maramdaman niya ang malamig na tubig, at nabasa ang lahat sa kaniya.
“Naku! Pa-pasensya ka na, hija!” natatarantang wika ng matanda matapos siyang mabasa nito.
Nanlaki lamang ang mga mata ni Sabel at tila napipi na nga dahil, sa gulat.
“A-ayos ka lang ba? Pasenya ka na talaga. Tayo sa loob, kailangan mo ng magpalit ng damit!” natatarantang sabi ni Aling Soling.
“Manang, wala ho akong dalang damit, maliban sa suot kong ‘to!” naiiyak naisambit ni Sabel.
Natutop kaagad ni Aling Soling ang kanyang bibig at agad-agad na pinatay ang rumagasang tubig.
“What's the matter?”
Pareho silang napalingon mula sa pinanggalingan ng boses. Agad naman naiyuko ni Aling Soling ang ulo nito sa takot na mapagalitan siya ng amo.
“Sino ang bumasa sayo, Sabel?” masama ang mukha naitanong ni Gilbert matapos mapansin ang basang damit ng dalaga.
Nilingon ni Sabel ang matanda at naawa siya rito kung sasabihin niya.
“Tinulungan ko kasi si, manang sa pagdidilig ng mga bulaklak, nabitawan ko 'yung host kaya na-nabasa ako,” pagsinungaling niya bagay na ikinaangat ng mukha ni Aling Soling at tumitig ito sa kaniya.
Umingos si Gilbert, at saka siya iniharap.
“Tsss. . .hindi naman kita inutusang tumulong, ah?” Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Gilbert at agad na hinubad ang suot na kulay puting T-shirt. “Take this! Suotin mo ito at baka magkasakit ka pa,” patuloy nito nang maiabot sa dalaga ang kanyang damit.
Pinamulahan ng mukha si Sabel at hindi malaman kung tatanggapin niya ba ang damit ng binata. But, she don't have any choice dahil, nilalamig na siya.
“Thank you!” tipid ang ngiting aniya.
Lihim naman ngumiti si Aling Soling, at nasisiyahan ito sa mga nakikita. Baka itong si Sabel na ang magpababago sa amo niya.
“Manang, pakisabi kay, Merle. Puntahan ako sa library at may iutos ako sa kaniya,” utos ni Gilbert bago nito iwan, at talikuran ang matanda.
TINITIGAN ni Sabel ang suot na damit na umabot lamang ito hanggang sa hita niya. Naikagat niya ang ibabang labi dahil, lumantad ang maputing hita niya. Tuloy, nahihiya siyang lumabas ng kwartong inireserba ng binata para sa kaniya. At hindi niya alam kung bakit siya pumayag na sumama sa binata.
Napabuga siya nang malalim na buntonghininga saka ngumiwi.
“Siguro naman, wala siyang balak na masama sa ‘kin. Jusme! Sabel. Bakit pagdating sa kaniya ay humihina ang utak mo!” naibulyaw niya sa sarili habang ningatngat ang sariling mga kuko.
She's a strong woman, mataray siya pero bakit ganun? Pagdating kay Gilbert Gustav ay tiklop na siya at naging malambot na ang puso niya.
“Did I fall for him already?” naitanong ni Sabel sa sarili at napahawak sa dibdib, ramdam kasi niya kung gaano kabilis sa pagpintig ang puso niya.