CHAPTER 9: Selos_PagAmin

1793 Words
MAHIGIT isang linggo na rin namalagi sa tahanan ng binata si Sabel. Kusa na rin siyang tumutulong sa gawaing bahay na hinahayaan lamang ng dalawang katulong maging ang binata lalo't laging wala sa resort ang lalaki at may inaakasong ibang trabaho maliban sa resort. Madalas na rin silang magkausap ng binata at kung kausapin naman niya ito ay tila pormal at hindi na kagaya ng dati na lagi siya nitong kinukulit na panagutan niya. Kumirot ang pusong napalabi si Sabel habang iniyuko ang ulo't napabuga ng hangin. Kasalanan niya rin, masyado siyang OA noon at ayaw paniwalaan ang binata. '' May bumagabag ba sa isipan mo, iha?'' Boses ni Manang Soling na nakalapit sa tabi niya. Ngumiting humarap sa matanda si Sabel at umiling. '' W-wala ho, naalala ko lang ang Mama. Sana ay nasa maayos siyang kalagayan.'' Malungkot ang boses niyang ani. Naramdaman niya naman ang paglapat ng kamay ng matanda na humaplos sa balikat nito. '' Sa nakikita ko sa mga mata mo ay naiiba ang ibig nitong iparating, Sabel. Hindi ka ganun kagaling magsinungaling para ikubli ang iyong totoong nararamdaman.'' Makahulugang ani ng kausap na ikina-tigil ng dalaga. '' Alam kung may lihim kang pagtingin kay Senyorito. Hindi mo man aminin, nahahalata ko satwing titigan mo siya.'' Nangingiting dugtong ng matanda na ikinapula ng pisngi ni Sabel. ''HAHA si manang talaga, hindi po totoo 'yun.'' Depensa niya kaagad at agad na iniwas ang mukha. ''Asus! Bahala ka. May Sofie pa naman umaagilid dun.'' Pagparinig ni Manang Soling na ikinatitig dito ni Sabel at biglang nagpantig ang teyngang marinig ang pangalan ng isang babae. Ayaw niyang pag-isipan siya ng matanda uli kaya nangingiti lamang siya ng peke. Paki-alam ba niya dun sa Sofie ang pangalan. Paki-alam niya kung may Sofie ang Gilbert na 'yun. Bago paman siya umapoy sa inis ay narinig niyang magsalita uli si Manang Soling. '' Tena sa loob. Ngayon ang dating ni Senyorito at may kasama siya pag-uwi kaya kelangan mo raw ligpitin ang ibang gamit mo doon sa Guestroom---doon kasi niya papatulugin ang bisita niyang kasama, Sabel.'' Malungkot ang boses na saad ni Manang Soling ng humarap ito. May kung anong kumurot sa puso ng dalaga, kung iisipin niya. Wala na nga siyang puwang sa binata. Nakakalungkot pero alam niyang may hangganan ang isang tao kung ito ay pagod na. Gusto niyang maiyak pero ang isiping kasama si Manang Soling ay hindi niya nagawa. NAKA-ANGKLA ang braso ni Sofie sa braso ng binata habang tinatahak nila ng sabay ang papasok ng bahay. Tanaw iyon ni Sabel kahit nasa malayo siya at gusto na niyang durugin sa kamay nito ang seashell na napulot niya sa tabing dagat. '' Psh. Mga talaba!'' Inis niyang bulong sabay pag-irap nito ng matindi. Tinahak nito ang dalampasigan upang makalayo sa makikita ng mata niya. Umusbong ang selos na nararamdaman niya lalo't hindi nito nakikitaan si Gilbert ng anumang pagtutol sa ginawa ng babaeng iyon. '' Kainis! kainis! sarap nilang pag-umpugin dalawa.'' Hindi magkaumayaw na inis niyang sambit at natigilan kung bakit siya naiinis ng ganoon. Bigla nasabunot nito ang buhok at pabagsak na umupo sa buhangin at nagsisipa na animo'y batang inagawan ng laruan. Nahinto siya mula sa pagsabunot ng sariling buhok ng mapansin ang taong nasa harapan niya. Pagtaas niya ng mukha ay nagulat siya ng bahagya ng mapagsino ang kaharap. '' Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala at mukhang mas gusto mo ang pagsabunot sa buhok mo.'' Sarkastikong ani ng binata na ikinasalubong ng kilay niyang iniwas ang mata rito. Agad na tumayo si Sabel at pinagpag ang hapit na floral daster at walang pasabing tumalikod at humakbang. Nangingiting napa-iling na lamang si Gilbert na inasta ng dalaga ang hindi nito alam ay kanina pa siya nakamasid sa kanya. LIHIM na nanliit sa sarili nito si Sabel matapos makilala ang babaeng kaibigan ni Gilbert. Napakaganda nito at pang modelo ang katawan kahit na simple lamang ang damit na suot. Nagpasya si Gilbert na ipasyal niya muna si Sofie sa dalampasigan upang ipakita rito ang binabalak niyang pagtayuan ng lighthouse. Hindi tuloy maiwasan mainsecure ni Sabel ng madinig iyon, sa isang linggo niyang pagtira sa bahay ng binata ay hindi pa siya nito kinausap ng maayos at tratuhin ng mabuti. Tila para siyang hangin sa mata nito. ''Hayst! Sabel. Umayos ka, hindi mo dapat isipin ang bagay na iyan, ikakasal ka na.'' Pagsaway niya sa sarili habang napahugot ng buntong hininga. Nadinig niya ang kulitan ng dalawa at ang munting tawa ng babae na ikinabuo ng munting luha sa gilid ng mata niya. ''Bakit ba ako nasasaktan? Bakit ako nagseselos. Hindi ko siya gusto, hinding-hindi.'' Patago niyang hikbi. Parang anumang oras ay mauuwi sa paghagulhol ang hikbi niya kaya kinalma niya ang sarili at tumipid ng ngiti. SAMANTALA... Muling natahimik ang pagitan ng dalawa, nawala na rin ang ngiti sa labi ni Gilbert ng mapansin ng si Sabel na nakatanaw lang sa kanila. He felt like nothing to her, Jeez! he wants Sabel to be jealous. Gusto niyang makita ang magiging reaksiyon ng dalaga kung sakaling kasama nito si Sofie at wala siyang balak na gawing panakip-butas ito. Sofie is just a friend of him. '' She's beautiful, Gil. Kaya hindi ako magtataka kung bakit, siya ang tipo mo.'' Bakas sa boses ni Sofie ang lungkot ngunit nakangiti ito. Tanging ngiti lamang ang ibinigay ni Gilbert bago ito nagpakawala ng isang buntong hininga. '' Diffinitely, Sof. But i can't capture her heart.'' Katagang gustong ilabas ng bibig niya ngunit nanatili siyang tahimik. '' Gusto mo na bang bumalik sa loob? Malamig kasi dito.'' Pag-iba niya sa usapan na ikinapagtaka ni Sofie at hindi na lang umimik. Biglang napatili si Sofie ng bigla siyang binuhat ng binata. Kinikiliti siya ni Gilbert sa tagiliran niya kung kaya't napalakas ang tawa niya at umabot iyon sa labas kung nasaan nagmukmok si Sabel. KINAGABIHAN... May-selebrasyon dahil kaarawan ni Merle na mismo pa si Gilbert ang nagpahanda para sa Katulong niya. Naging imbitado ang iba pang tauhan sa resort kasama na doon ang mag-amang Mang Ando at Kiko na mas bata ang edad kay Sabel. Madali lamang niya napag-mabutihan ng loob ang dalawa dahil sa mga mababait ito ngunit hindi lamang sila namalagi sa resort dahil abala sa ibang gawain. Sumali sa inuman ng dalawa ang dalaga habang masayang naghaharutan sina Gilbert at Sofie na kanina pa nawala sa paningin niya. Tila umaapoy ang utak ni Sabel sa sobrang selos na naramdaman niya, kaya gusto niyang maglasing at murahin ang sarili sa biglang kakaibang naramdaman. '' Awat na ate. Naging lasanggera ka na HAHA.'' Tawang saway ni Kiko at kinuha ang basong tinagayan na naman ni Sabel. Nakailang tagay na siya at tinatamaan na siya ng kalasingan dahil namumula na ang pisngi nito at teynga. Bahagya siyang dumukwang, nagpuot at kumurap-kurap. Sandaling nagpa-alam si Manong Ando at hindi pa nakabalik. '' Hoy, Kiko. Shabihin mo, maganda ako diba? Maganda ako at sexy pa.'' Sambit ni Sabel at agad na tumayo sabay pakita ng legs nito na ikinalunok ng binata at namumula ang mukhang ibinalik pababa ang nakatabing na tela ng damit ni Sabel. '' Jusko! mahahalay na ata ang isip ko nito.'' Naibulong niya sa isipan kasabay ng paglunok niya ng paulit-ulit. '' Ano ba? Hindi mo sinagot ang tanong ko, kiko!'' Medyo napataas ang boses ni Sabel kaya napalingon si Gilbert na abala pa sa ginagawa. Bahagyang kumunot ang noo nito bago humakbang papunta sa kinaroroonan ng dalawa. He fierce and calm his self. '' Uy... haha. Namumula ang mukha mo Kiko. *Hik* Kras mo ako nuh? Naku huwag kang mahiya---Single naman ako ei.'' Ngising ani ni Sabel dahil sa kalasingan nito at kung ano-anu pa ang nilalabas ng bibig Nanlaki ang mga mata ni Kiko ng mapagtanto ang nasa likuran ng dalaga. Tila pinapawisan na siya ng malamig dahil sa pagtitig nito sa kanya. '' A-ate, lasing ka na. Hehe, mauuna na ako.'' Agad nitong ani saka hindi na nagdalawang isip pang umalis. '' Uy! Teka Sandali---'' Putol ang pasambit nito ng may humawak kaagad sa braso niya. Kumunot-noo nitong nilingon ito at kahit hindi niya titigan ang mukha ay alam na alam niya ang pamilyar na amoy ng binata. Bigla, ang kaninang inis niya rito ay muling umusbong. '' Ikaw pala Mister Babaero...Hehe.'' Tawang ani Sabel sabay kinurot ang pisngi ng binata na halatang ikinagulat ni Gilbert dahil sa ginawa niya. '' Sabel s-stop it!'' Pag-awat ni Gilbert at mabilis na hinawakan ang kamay ng dalaga. '' What you're trying to do ah?'' Igting ang panga niyang tanong na ikinasimangot ng mukha ni Sabel. '' Sus! lakas maka-stop! Bakit ba? Mas gusto mo bang hawakan ng babaeng 'yun iyang mukha mo hah! Palibhasa hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko!'' Sigaw nito at bakas sa mukha ang selos. '' A-are you jealous?'' naitanong ni Gilbert at kahit alam niyang lasing ang dalaga ay gusto niyang malaman ang nararamdaman nito. '' Pinagseselosan mo ba si Sheena?'' Dugtong niya na ikinalukot ng mukha ng dalaga at masama ang titig na binigay nito sa kanya. '' Oo! nagseselos ako. Paki mo ba? Gustong-gusto kitang lunurin sa dagat dahil wala kang isang salita. Ang kapal ng mukha mong ignorahin ako!'' Lasing na sigaw ni Sabel sa pagmumukha ng binata at sa wakas ay nailabas nito ang saloobin. '' Really?'' Ngising ani Gilbert at hindi mawala-wala ang ngiti sa labi. '' Ngayon, ngumingiti ka lang. Kapal mo talaga! Mahal kita alam mo ba 'yun. Mahal kita Gilbert at nagseselos na ako.'' Umiiyak ng sambit ni Sabel kasabay ng paglaglag ng mga luha nito. '' Kaya ako naglasing dahil sayo. Maganda naman ako at sexy ah.'' Hagulgol nitong patuloy na ikinatawa ng mahina ni Gilbert at hinayaan sa pagdra-drama ang dalaga. Lasing si Sabel alam niya iyon pero walang mapaglagyan ang tuwa sa puso niya He smileng cupped Sabel's face and stared it. He do to wipe her tears. '' You're drunk i know that, but its makes me shiver Sabel. Don't think that I'm not still in you.'' ngiting amin ng binata. Pinamulahan lalo ng mukha at teynga nito si Sabel at agad na nagtaas ng mukha. Napatitig siya sa mata ni Gilbert at sumilay sa labi ang ngiti, ngumislap rin ang mata nito. Napansin din nito ang paglapit ng mukha ng binata sa mukha niya at inaasahan niya iyon hanggang sa biglang bumaliktad ang sikmura niya at nasukahan nito ang dibdib ni Gilbert. Napapikit si Gilbert at nagtagis ang panga niyang dumilat. '' Hehe... Sarrey. Nasukahan tuloy kita.'' Hagik-ik ang ani Sabel at aakmang sumuka na naman ay mabilis na inilayo ni Gilbert ang sarili sa kanya. '' D*mn! its disgust, Sabel. Ang baho!'' Arteng aniya't mabilis na tinulungan ang dalaga sa simpleng paghagod niya sa likuran nito. Sabel just smiled and losing her conciousness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD