Prologue

1586 Words
" Anak kahit na anong mangyari di ka lalabas ng bahay ha, magtago ka" sabi ng ama sa kanyang sampung taong gulang na anak. " Papa, huwag mo akong iwan. Natatakot po ako sa monster" mangiyak ngiyak na saad ng batang lalaki sa kanyang ama. " Anak makinig ka sa papa. Kailangan mong makaligtas. Hindi ka pwedeng mamatay dito. Tutuparin mo pa yung pangarap natin diba" sabi pa nya na mas lalong nagpahagulgol sa bata. " papa, wag mo akong iwan papa" iyak lang nang iyak ang bata at nagsusumamo sa kanyang ama na huwag syang iwan. " anak kailangan ming mabuhay para sakin" sambit ng ama at niyakap ang anak. May dinukot sya sa bulsa ng pantalon na isa itong kwintas na gawa sa metal na sa paniniwala ng ama na maglalayo anak sa panganib. Kung iisipin moy isa itong anting-anting na pinaniniwalaang magtataboy ng evil spirits. Isinuot nya ito sa anak at saka niyakap ng mahigpit. Alam nyang sa oras na makaharap na nya ang sinasabing demonyo na sumalakay sa kanilang bayan ay maaaring hindi na sila muling magkikita pa ng anak. Walang kasiguraduhan kong makakaligtas sila sa kamay ng demonyong sumisira sa kanilang bayang kinagisnan. " kahit na anong mangyari, mabuhay ka anak. Wag mong tatanggalin yan sa katawan mo para di ka malapitan ng demonyo" tanging hagulgol lamang ang isinagot nito sa ama habang nakayakap ng mahigpit na tila di hahayaang mawalay ang ama. Pilit naman itong tinatanggal ng ama dahil lalo lang syang nahihirapan, pero para sa kanya mas mahirap kung pati ang natatanging yaman nya ay mawala din. Mas lalong hindi nya kakayanin na pati ang natitirang pinagkukunan nya ng lakas para magpatuloy sa buhay ay mawala din. " palagi mong tatandaan na mahal ka ni papa" Patuloy lamang sa pag-iyak ang batang lalaki, dahil hindi nya mapipigilan ang ama sa kung anumang nais nito. Kung kaya wala syang nagawa kundi ang sumunod sa utos ng ama. Masyadong masakit para sa ama na iwanan ang anak sa kanilang tahanan upang mailigtas sa kaguluhang nagaganap sa paligid. Dinig na dinig ang iyakan, sigawan, pagkabalisa at takot sa buong bayan na ngayon ay sinasalakay ng demonyo. Sa kanilang dako naman, isang batang babae ang nakatayo sa gitna ng nangyayaring kaguluhan. Hindi sya ordinaryong bata, isa syang demonyo, may itim na itim na pakpak na kumikinang, mayroon din itong pula at asul na kulay na lalong nagpaganda sa kanyang pakpak, may buntot sya, nakasuot ng itim na itim na damit. Nakita nya ang bayang ngayon ay nagkakagulo na dahil sa delubyo. At sya ang may gawa ng nangaganap na delubyo sa buong bayan. Na sa isang kumpas nya lang ng kanyang daliri at natupok na nya ilang mga tahanan at maraming buhay na ang nasawi. Batang demonyong dahilan ng pagkawasak ng mga puso ng mga naulila ng biktima nya. Patuloy lang sya sa pag atake at pagpatay ng bawag taong makita nya. Lahat walang awa nyang pinagpapatay. Hanggang sa wala na syang makitang tao. Pero saglit syang napatigil ng may nakita syang tao na papalapit sa kanya at handa syang patayin, galit at takot ang makikita sa mga mata nito at walang pag aalinlangang sinugod sya kahit alam naman nitong wala syang laban sa demonyo. Sinugod lang sya ng sinugod nito, at hinahayaan nya lamang ito na tila ay nasisiyahan sa kanyang nakikitang galit sa mga mata. Sa di kalayuan, ay kitang kita ng isang bata ang kalunos lunos na sinapit ng kanyang mga kabayan kasama ng kanyang ama sa kamay ng demonyo. Kita nya ito mula sa kanyang pinagtataguan, hundi ito umalis gaya ng sinabi ng ama. Nakasilip lamang sya sa butas ng dingding. Takot at galit ang kanyang nararamdaman sa mga oras na yon. Takot na maaaring hindi na nya muling masisilayan pa ang natitirang magulang nya at galit sa demonyong sumira ng buhay nila. Sinugod ng isang lalaki ang demonyo na base sa pangangatawan ay isa itong babae, kasunod nito ay ang pagsulpot pa ng ilan pang kalalakihan na may dala dala din pamalo at ialan pang gamit sa pagpuksa sa nasabing demonyo. Hinampas ng lalaki ang demonyo ng palakol babang nakatalikod ito pero napansin ito ng demonyo kaya nakailag sya at nasangga ang pag atake gamit ang kamay, di nya ito ginamitan ng kapangyarihan dahil sa pagkabigla. Sinugod na din sya ng iba pang tao kaya pag iwas at pagsangga lang ang kanyang ginawa. Nakalayo naman sya ng kaunti dito, pero hindi parin sapat para makagalaw sya ng maayos dahil rain siguro sa nag iisa lang sya at napapalibutan sya ngayon. Di rin nakaligtas ang suot suot nyang pulseras. Natanggal ito sa kanyang pulsuhan dahil sa lakas ng pagkakahampas sa kanya. Patuloy pa din sa pag atake ang mga kalalakihan sa kanya hanggang sa mapalayo sya dito at doon na nya ginamit ang lakas at naglabas ng kapangyarihan. WARNING: This may contain brutal scenes not suited for young readers. If you are sensitive enough, then you can skip this part. Naglabas ito ng apoy at saka pinakawalan sa grupo ng kalalakihan na umatake sa kanya. Di pa sya nakuntento at nalakad sya sa gitna ng ginawang apoy at pinaghiwalay ang ulo sa katawan ng bawat taong sumugod sa kanya. Maging ang bawat kabahayan na nakita nya ay pinagdiskitan din at tuluyan nang nilamon ng apoy. Tanging ang bahay na pinagtataguan nito ang di pa pinagliyab, ngunit sa di malamang dahilan ay di nya ito sinunog. Kitang kita naman ng batang lalaki kung paano tinanggalan ng ulo ang kanyang ama. Kitang kita nya kung paano walang awang pinatay ng demonyo ang kanyang ama. Matapos ang pagpaslang sa mga taong iyon ay bigla nalang naglaho ang demonyo. Di na nya ito makita, di nya alam kung saan iti nagpunta. Lumabas naman ang batang lalaki mula sa pinagtataguan nito sa pinuntahan ang amang wala nang buhay, pugot ang ulo nito at halos di nadin makilala dahil sa sunod ang ibang bahagi ng katawan. Ngayon napansin nyang sya lang mag isa ang nakaligtas dahil bawat kabahayan ay tupok nadin ng apoy. "Ahhhhhh" puno ng galit at paghihinagpis na usal ng batang lalaki. "Isinusumpa ko, papatayin kita gaya ng pagpatay mo sa tatay ko at sa lahat ng pinatay mo." Mababakas sa bises nito na nais nyang maghiganti sa demonyo kahit pa alam naman nyang wala syang laban dito. "Isinusumpa ko, hahanapin kita at pagbabayarin sa lahat ng ginawa mong demonyo ka" sambit nya "hahahhahahah" isang malakas na pagtawa ang kanyang nadinig, nakakarindi ito at sobrang nakakakilabot na sinabayan pa ng pag ihip ng malakas ng hangin. "sino ka? magpakita ka" kahit takot ay pinilit nyang wag itong ipakita kahit ramdam na ramdam din nyang nangangatog ang kanyang tuhod at dinig na dinig nya ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. "hahahahhaha" muling pagtawa pa nito. Unti unti namang may usok na lumabas mula sa kung saan, itim na itim ito at sobrang kapal di padin nawawala ang nakaka pangilabot na tawa nito, tawang demonyo. Hanggang sa unti unti ding nawawala ang makapal na usok at iniluwa ang dalawang pigura ng tao, ay mali pala, hindi sila tao kundi demonyo. May pakpak ang isa na parang gaya ng sa isang anghel, kulay itim ang pakpak nito na nahahaluan ng gintong kulay, mayroon din syang sungay. Ang kasama nya naman ay mayroong pakpak na gaya ng paniki, mayroon din syang mahabang mga sungay ay buntot. "hahahahaha takot ka na ba ngayon bata?" tanong nung mala paniki ang pakpak at may buntot. Di naman ako nakagalaw sa sobrang kaba. papa mukhang magkakasama sama na tayo ulit. Mapait akong napangiti. Maaaring ito na ang huling hininga ko. Pasensya na kung di ko matutupad yung salitang binitawan ko kanina papa. Mukhang nagalit naman yung nagtanong nang di ako sumagot. Bigla nalang syang naglaho at sa isang iglap at nasa harap ko na sya at sinakal ako. "ikaw na ang bahala dyan Satan, uuwi na ako, siguraduhin mong mamamatay sya gaya ng ginawa ng aking reyna sa mga kauri ng batang yan" bagot ngunit may diin na saad nung mala anghel ang pakpak na kulay itim. "Masusunod panginoon" anas naman nung sumasakal sakin. Tuluyan ng naglaho ang tinawag na panginoon nitong si Satan.. 'tss bagay sa kanya ang pangalan nyang Satan. Mukha syang si Satanas. Eh kung sya si Satan sino naman yung isa na tinawag nyang panginoon? si Lucifer? Tapos yung reyna nya? Tss may kaharian pala ang mga demonyo' saad sa isip ng bata habang pilit na kumawala sa sakal ng demonyong nasa harap nya. Lalo nitong sinakal ang bata at tila hinihigop na rin ang lakas nito maging ang kaluluwa nya ay kinukuha din nitong satanas. Hindi namalayan ni Satan ang paglapit ng isa pang demonyo, di na maaninag pa ng bata kung sino ito, pero base sa hubog ng katawan ay isa itong bata, batang demonyo.. mukahang wala na syang pag asa pa na mabuhay at tila gusto na nyang mamatay para magsama na silang muli ng kanyang mga magulang. Di na nya alam ang sumunod pang nangyari dahil sa sobrang panghihina nya. Hawak hawak nya pa din ang pulseras ng demonyong pumatay sa papa nya na nakita nya kanina nung pinuntahan nya ang ama. Isa lang ang alam nya, buhay sya, iniligtas sya ng di nya alam kung sino basta may nagligtas sa kanya, pagod na pagod na sya sa sobrang sakit na dinanas nya sa araw na yun, ipinikit na lamang nya ang mga mata at hinayaan ang kung sino man na nagligtas sa kanya hanggang sa tuluyan na syang mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD