LEXHANDER CLAUDE FROST POV
"Ahhhhh" sigaw ko mula sa pagkagising dahil sa isang bangungot. Bangungot na hanggang ngayon ay patuloy padin aking hinuhunting. Hindi padin ako nilulubayan mula nung araw na iyon. Araw na kung saan nawala sa akin ang lahat, nawala yung pinakamahalagang tao sa buhay ko. Alam mo ba yung pakiramdam na parang wala kang karapatang maging masaya? Aish teka ang drama ko na naman. Tss nagiging iyakin na naman ako. Pucha naman oh.. hays buhay parang life.
Tingin sa orasan, tssk 5:30 na pala. Agad akong bumangon at nagligpit ng higaan, pagkagapos ay pumunga na ako sa banyo para maligo. Pagakatapos ay nagluto na ako. After 10, 000 hours haha joke lang syempre ang tagal nang 10,000 hours ehh, siguro mga 30 minutes lang hahaha so ayun nga tapos nadin ako sa pagluluto. Kumain na lamang ako at matapos ay hinugasan ang pinagkainan.
Then ready for school na..... I am a first year college na ako taking up BS Biology sa CRIMSON ACADEMEY dito sa HAVEN CITY na kalapit lang ng FORGOTTEN PARADISE ang bayang kinalimutan na ng mga tao (parang ikaw kinalimutan na, aish nababakla na ata ako eh) matapos ang kalunus lunos na naganap ten years ago. Mag isa lang ako sa buhay since hindi naman ako dala dalawa haha di joke lang mag isa nalang ako sa buhay since patay na yung mga magulang ko. Yung mama ko namatay matapos akong ipinanaganak tapos si papa namatay nung panahong sinalakay ang buong bayan namin ng demonyo.
Paano ako nabuhay? Since di naman ako napatay nung demonyo edi syempre buhay ako diba tsskk tsskk tsskk. Pero sa totoo lang hindi ko din alam kung paano ako nakalabas ng bayan noon, basta ang alam ko lang ay pagkagising ko na syudad na ako. At dun nagsimula ang buhay ko, buhay na sadyang napakahirap para sa isang sampung taong gulang na bata. Buti nalang at may tumulong sa akin na mag asawa. Wala silang anak kaya kinupkop nila ako. Pero nung tumuntong ako sa edad na labinlima ay namatay naman yung pangalawang magulang ko dahil sa isang aksidente.
Yeah mag isa ulit akong namuhay at patuloy na nabubuhay. Ten years na pero hanggang ngayon masakit padin. Ten years na but the past still haunts me everytime I go to sleep. Still haunting me when I get up from those life and death nightmare, ano nga ulit tawag dun sleep paralysis? Ah basta yun yun eh.
Okay tama na yung drama tsk baka maiyak pa ako tas sasabihang bakla. Hays.
Lakad. Takbo. Lakad. Takbo. Puro ganun ginawa ko, alangan naman ngumawa ako sa daan no? di bagay sa akin. Sayang kagwapuhan ko kung ganun. Haha
Nagmamadali ako papuntang classroom para di ma late sa first subject namin which is Life and Works of Rizal, since first day of school tamang hanap lang ng rooms.
"CAS 301" sabi ko nang tignan ko yung schedule ko. Then there I've found my room. Pagkapasok ko bumungad sakin yung mukha ng mga magiging kaklase ko.
"Beh ang gwapo nya" tss alam ko na yan, since birth pa
"Oo nga, tapos hottie pa" naman eh nagwowork out ata to
"Ay agree ako dyan te, makalaglag panty" ay hala kasalanan ko pa pala kung nalaglag panty mo, kasalanan ko bang di malakas kapit nyang garter ng underwear nyo tss... pffftt..
"Sus mas gwapo naman ako dyan" ayy tol inggit ka ata
"Mas macho din naman ako dyan, eh mukha ngang patpat yan eh" dude i think you're referring to yourself haha
"Tss mas malakas din appeal ko dyan eh" dagdag pa ng isa, hays di nyo talaga matanggap na mas gwapo ako kesa sa inyo? Tss kawawa naman kayo. Ako kasi since birth na gwapo talaga ako. Hakhak ang hangin ko
Ilan sa mga bulungan nila pagkapasok ko. Sus sanay na ako sa mga ganyan. Hinayaan ko nalang at naghanap ng bakanteng upuan. Since five minutes pa before exact seven para sa first subject ko natulog nalang ako...
Zzzzzzz.... Zzzzz.... Zzzzz......
Maya maya pa ay umugong na naman ang mga bulungan. Tsk mga chismoso at mga chismosa pala tong mga to eh.
"Oh my gee sis totoo bato?" tss ano ba naman ba tong mga to? Di ba sila matapos kakabulong dyan puro chismis.. tss
"O to the M to the G" tili naman nung iba pa
"Kyahh I never thought of this happening" I never thought din na ganyan kayo ka ingay
"Ako din, diko ine-expect na same tayo ng course nila"
"Sana maging friend natin"
"Shet mga dude ang ganda nila" sino kayang maganda yun, ayy teka nga? ano ba naman pake ko sa kanila di ba?
"Yeah right dude tas ang sesexy pa"
"Sa akin si Heaven" ay banal? langit daw eh? Hahaha
"Sa akin naman si Scarlet" kulay naman tss
"Hahaha ulol baka matakot ka lang dun eh hahaha"
"Hahaha" tawa pa nung ilan sa mga lalaking nag-uusap
Aish ang iingay ng mga taong to. Kaya nagmulat ako at inilibot ang paningin, hanggang sa makita ko ang dalawang babaeng kakaiba ang kagandahan na sa tingin ko ay magkambal. Bakit? Magkamukha eh. Haha pareho silang mahaba ang buhok na itim at lampas bewang. Mukha silang anghel pero yung isa parang di makabasag pinggan, yung parang ang hinhin nya kung tingnan samantalang yung isa naman diko maipaliwanag ang ganda nya pero mukhang di sya kagaya ng kambal nya na mahinhin. Hays ewan basta. Mukha s'yang astig na ewan. Aish ano nga ba pake ko di ba?
"Ehem" pekeng ubo ng mga classmates namin.
"Luhh yung crush natin beh mukhang may crush ata dun kay miss Crimson specifically kay Scarlet" tapos umaktong umiiyak pa with matching singhot singhot pa.
Di ko namalayang nakatingin na pala ang dalawa sakin. Di ko maintindihan sa sarili ko na para bang may humihigop sakin para tignan ko ang isa sa kambal. Nakatingin lang sya sakin pero blangko ang expression. Kinalabit sya ng kakambal nya at naghanap ng upuan. Pumunta sila sa pinakalikod ka row ko lang pala. Sa pinakagilid siya sa katabi ng bintana. Ako naman sa pinakagilid ng row na to katabi din ng bintana, bale magkabilaan kami. Hays buti naman akala ko buong araw akong makikipagtitigan sa kanya. Pambihira. Teka ano bang nangyayari sakin? Tss. Binalewala ko nalang.
Sakto namang pagdating ng professor namin.
"Good morning class, I am Bain Crest your teacher for this subject Life and works of Rizal, di porket college na kaayo it doesn't mean na no more Filipino studies. But in our case we will focus on the life and works of Dr. Jose Rizal"
"Okay since first day of school, let's get to know each other first, no need to be here in front of the class, just stay in your seats okay start from the front" dagdag pa ni prof.
Agad namang tumayo ang nasa unahan at nagpakilala.
"Hi I'm Krishialyn Blaire Smith, 18 years of age, you can call me blaire"
"I'm Winter Blythe Crowne, 18 just call me blythe"
"Hi guys I am Summer Babes Vallejo 20, you can call me ate Summer"
And so on..... then sa row na pala namin since pre occupied ako yung katabi ko yung naunang magpakilala
"Hey living organisms I am Juanico Ace Villaraiz, 19 years young call me baby Ace *wink*" tss pahalatang playboy
"Oh my ang kyut nya"
"Akin ka na lang baby Ace"
"Be mine baby Ace" tilian ng mga babae naming kaklase tss masyadong maingay
Natauhan din naman ako at nagpakilala nadin.
"Lexhander Claude Frost 20, you can call me what you feel like calling me"
"Aww kyahh baby Claude"
"Papa Lex"
"Xhander babes" hays babae nga naman.
"Akira Fuentes, 20 just call me Aki"
"Xydent Lee Patterson, 19 call me what you want to call me, I don't give a damn anyway"
Next was the most awaited introduction of the entire class. The twins........
Naunang tumayo ang babaeng mahinhin na halos di makabasag pinggan
"Hello guys I am Peach Heaven Angelica Crimson, 18 years of age, you can call me Heaven, nice meeting you all" then she plastered a sweet smile. She's really an angel like her name Angelica.
Muli namang nag ngayon ang mga tao sa room namin lalo na ng mga boys.
"Wooh miss Heaven pwede ba kitang dalhin sa heaven"
"Woahh gago ka tol"
"Lagot ka kay Scarlet haha"
"Hahahha tangina nyo"
Tss mga walanghiya talaga haha. Ang iingay pa, natahimik lang sila nang may tumikhim. Agad namang nanindig ang balahibo ko, shet tikhim palang yun pano pa kaya pag nagsalita.
"Scarlet Demonize Hell" yun lang yung sinabi nya, nagpakilala lang sya pero d*mn it. nakakabakla man aminin, nakakatakot talaga sya. Di na nya binanggit pa ang apelyido at edad dahil matik na yun pareho sila ng kambal nya.
Manginginig ka sa lamig ng boses nya, umingay na naman ang paligid at nagbubulungan na sa takot na nadama, maging si Prof Crest ay ganun din. Natahimik muli ang paligid nang muli syang nagsalita
"Wag na wag nyong iparinig sakin ang pagkawalang paggalang sa kapatid ko kung mahal nyo pa yung walang ka-kwenta kwentang mga buhay nyo" seryosong sabi nya.
D*MN nakakatakot sya.... hoooh mahal ko pa yung buhay ko. Para syang demonyo na nakakulong sa mala anghel nyang mukha. Di ko namalayang napatitig na pala ako sa kanya, tapos bigla syang tumingin sa gawi ko what the f!! Masyado yatang malakas ang radar ng babaeng to.