Kiara
Ang larawan matapos ipakita ni Aimee sa akin ay mabilis na nawala sa account ng babaeng modelo kaya para bang hindi ito nangyari. Hindi na ako magtataka dahil bawal ang kumuha ng litrato basta sa pribadong pag-aari ni Kiryu.
Siguradong gumawa ng aksiyon ang team nito para mabura kung may roon mang nakakuha ng kopya nito.
Ano ang ginagawa ni Talon sa yate ni Kiryu? Hindi ako mapakali! Did someone invite him? May-ari ng isang Japanese restaurant si Talon at hindi imposible na kinuha ng grupo ni Kiryu ang serbisyo nito.
Sht! Nag-aatubili tuloy ako ngayon kung pupuntahan ko ba siya o hindi.
Nagpadala ako ng mensahe sa kanya.
Babe, where are you?
Hindi nagtagal nang makatanggap ako ng reply.
Talon: I’m busy with work, baby. I miss you already!
Nakagat ko ang daliri ko. Hindi nagtagal nang makatanggap naman ako ng mensahe mula kay Jonas, isang kaibigan at katangi-tangi na nakakakilala sa tunay na pagkatao ko.
Jonas: Kiara, I found Jacinto Roxas. Dumating siya sa Maynila Kaninang umaga.
Jacinto Roxas… Dumilim ang mga mata ko matapos maalala ang taong iyon.
“Baby girl, don’t close your eyes. Let them open wide.” Kasunod ang kanyang mga nakadedemonyong halakhak. Naalala ko pa kung paano maningkit ang mata niya sa akin habang— I grits my teeth instead.
Me: Bakit siya narito? Don’t tell me… Is it because of… Arya?
Jonas: No, babe! Siya ang spy ng mga Falcone sa business transaction ni Hiro sa ilang dealer mula sa Europe. Anibersaryo kasi ng pagkamatay ni Mr. Z. May selebrasyon ngayon sa yate ni Kiryu.
Napasinghap ako sa nalaman.
Muling nanginig ang katawan ko sa impormasyon. Bibihirang pagkakataon na miyembro ng mga Falcone ang lalapit mismo sa lugar na ito, pero hindi imposible dahil dito nakatira si Mr. Z.
Nasaan siya? Iyon ang reply ko kay Jonas.
Jonas: Nakapuslit siya para maging isa sa mga crew ni Kiryu sa 500M na yate na bida ngayon sa Forbes. Eventually, pag-aawayan talaga nila ang loyalty ng ilang maliliit na clans.
Sht! Baka mapahamak si Talon.
I have to make sure my Mr. Romantic Chef is safe. He's been making me alive these past three months which I did not expect at all after that sweet orgasmic night. Remembering how Talon made me feel special, I have to eliminate Jacinto Roxas’s face!
Hindi mapalagay ang binti ko sa paghintay ng oras lalo na at natapos ko na ang paggawa ng news script.
Nang dumating ang oras ng labas ko sa opisina, nagmadali ako na inayos ang gamit ko.
“May date kayo ni Talon, dear?” tanong ni Aimee.
“Yeah!” Ngumiti ako bago malalaki ang hakbang na tumuloy-tuloy sa paglabas ng opisina.
***
HUMINTO ang kotse ko sa parking ng port ng Seamen’s Yacht Club. Suot ang trench coat ay lumabas ako ng sasakyan dahil alam kong may kalamigan ang hangin mula sa dagat. Isa pa, maraming pwedeng itago sa kasuotan na ito.
May kalayuan ang lalakarin mula sa pinaradahan ko at nakapila ang mga sasakyan na alam kong iba-iba ang rason ng pagpasok sa yate ni Kiryu. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na pag-aralan ang yate at ang entrada nito na lumiliit ang distansiya sa akin.
It has three floors I think, or probably four. Maliwanag ang ilaw nito lalo na’t pasimula na ng gabi.
May dalawang guard na sinusuri ang mga gamit ng mga papasok bukod pa sa imbitasyon na kailangan ipakita.
One woman is still flirting with the man she was with. Nakalitaw ang envelope na alam kong kinalalagyan ng imbitasyon sa kanyang bag. Nang mapadaan ako sa kanyang tabi ay ekpertong nadukot ko iyon nang hindi niya nalalaman.
Nang makalapit ako sa entrada ay inabot ko ang imbitasyon.
“Heto pala ang modelo na hinahanap mo, Madonna!” anang isang guwardiya.
“There you go, sweetheart! Ano ba ‘yang suot mo? Alam mo naman na may party ngayon, ‘di ba?” anang binabae na may kakapalan ang makeup.
Noon ko lang naintindihan na may kulay ang imbitasyon. Pink ang nahugot ko na sa palagay ko ay para sa modelo na tinutukoy nila.
“Well…” Nagkibit ako ng balikat at saka nangatwiran. “F-first time ko kasi.”
“Oooh! I like it. First time,” makahulugan niyang usal.
Tumuloy kami sa ibabang bahagi ng yate kung saan naroon ang ilang kababaihan na nagtsitsikahan sa ilang malalaking tao na posibleng samahan nila ngayong gabi. Hindi ko alam kung uunahin kong hanapin si Jacinto Roxas o si Talon.
“Madonna, nandito si Arya,” narinig kong sabi ng isang waiter, napangiwi.
“What? Goodness! Baka mamaya ay mag-eksaherada na naman ang isang ‘yon kung sakaling may lumandi kay Kiryu!” naiiling nitong tugon.
Doon nila nakuha ang interes ko dahil narinig ko ang pangalan ng lalaking kailangan kong iwasan. Gayunman ay interesado ako sa pisikal na anyo nito. Ang nasa isipan kong mukha ni Kiryu ay kuwarenta anyos na hapon na kalbo o kaya naman ay ‘yong tipikal na miyembro ng yakuza na pandak na binabalutan ng dragon tattoo.
“Who is Arya? Siya nga pala, saan ko makikita ang restaurant dito? I heard na may Japanese food na ise-serve ngayon sa party?”
Lumingon sa akin ang binabae na si Madonna. “Sorry! First time mo nga pala ngayon. Io-orient na kita para naman kung sakali na makita mo si Kiryu, hindi na siya kasali sa posibleng prospect mo. Halika!”
Pinasok namin ang isang closet at pinasuot sa akin ang isang bestida na halos wala rin naman maitatago. Para lang itong net kung saan maliit at itim na tela lang ang nakatakip sa dibdib ko at tinakpan ang bilugan kong binti. Mabuti na lang at may nakahanda akong suot ng bikini sa ilalim ng trench coat. Naramdaman ko ang paggalaw ng sasakyan na halatang lumakbay kami.
Sht! Hindi naman siguro ito lalayo ng Manila Bay, ano? May pasok pa ako bukas!
“Perfect!” papuri ni Madonna nang lumabas ako ng closet na suot ang seksing bestida. Umakyat kami papunta sa deck. Binalot kaagad ako ng lamig mula sa simoy ng hangin.
“Iyon si Mr. Yu, ilang club sa Hong Kong ang pag-aari niya at kumukunsulta siya kay Kiryu kapag nagkakaroon ng problema…” Kasalukuyan na may dalawang babae na umaasikaso rito.
Inisa-isa ni Madonna ang mga malalaking negosyante na naroon sa party. Hindi ko iniintindi dahil wala naman akong intensiyon na kilalanin ang mga ito. Ang hangad ko lang sa gabing iyon ay si Talon. Iniikot ko ang paningin sa mga tao sa paligid.
“So, about my question…” Doon ko napuna ang isa sa mga taong dahilan kung bakit ako narito. Si Jacinto Roxas!
Bumaba siya ng hagdan kaya nag-excuse ako kay Madonna na gagamit lang muna ako ng banyo. Binalot ako ng pagkamuhi at galit habang naaalala ang huling pagkikita namin nito. Isang waiter ang nadaanan ko na may itinutulak na cart ng pagkain.
Dinampot ko ang steak knife mula roon nang walang tunog na may nagalaw na kubyertos. Ipinantay ko iyon sa braso ko para maitago.
Pinasok ni Jacinto ang isang silid. Naghintay ako sa labas dahil sigurado ako na hindi siya mananatili sa loob. Nang buksan niya iyon ay may hawak siyang apat na kuwadrado na halatang mga time bomb.
Nanlaki ang mata niya ngunit nasipa ko na siya pabalik sa loob. Napaatras siya at saka napaupo sa sahig. Hindi niya inaasahan ang atake lalo na’t mula sa isang babae. Doon ko napuna na silid iyon na posibleng para sa crew.
“Sht!” he hisses. Nabitiwan niya ang mga hawak. Hindi nagtagal nang tumayo siya at saka niya ako binigwasan.
Nagpalitan kami ng suntok at sipa. Nagawa niya ring hilahin ang ilang string sa suot kong bestida. Hanggang sa nagkaroon ako ng tiyansa na saksakin ang kanyang kamay na sumasakal sa akin.
“Ahhhh!” hiyaw niya at saka ko siniko ang kanyang panga para tuluyan siyang bumitaw sa akin.
Sinalpak ko sa kanyang bibig ang tuwalya na nahablot ko na nakakalat sa makipot na higaan. I twists my knife on his shoulder. Naipon sa kanyang bibig ang sigaw habang tinatakpan ng makapal na tela. Nanlalaki ang kanyang mata habang nakatingin sa akin.
“Look at me, Jacinto! Nakikilala mo pa ba ako?”
“Hhhm—ya!”
“That’s right! You, filthy dog!” nanggigigil na sabi ko sa kanya. Habang pigil ng suot kong stiletto ang kanyang leeg ay binuksan ko ang kanyang salawal. Nanlaki ang mata niya at sinubukan niyang kumawag at saktan ang binti ko na hindi niya rin magawa dahil sinusugatan ko iyon ng kutsilyo kada kikilos siya. Duguan na ang kanyang braso.
“Now, open your eyes wide! And don’t you dare close them!” marahas kong utos sa kanya
Without hesitation, I cut his d**k and throw it into his mouth. Ang maingay niyang sigaw ng saklolo na akala mo ay may tutulong talaga sa kanya rito ay nagsimulang humina nang matapos ko siyang putulan ay nagawa ko pa siyang gripuhan sa kanyang leeg.
Mababagal ang mga paghinga ko at pawis na pawis ako na napasandal sa pader. Binalot ako ng kakaibang emosyon habang inaalala ang araw na iyon na kinailangan kong tumakas sa kamay ni Jacob Falcone, ang dati kong fiancé—ang taong halimaw na dahilan kung bakit ako naging si Kiara Ruiz.
Naniningkit pa ang mata ko habang inaalala ang ginawa ng Pamilya Falcone sa akin.
Mabilis na kumakalat ang dugo mula kay Jacinto. Pinag-aralan ko ang mga bomba kung gumagana ba ang mga ito. Good thing na hindi pa nakapagsimula ang gago sa plano niya.
Noon ko napagtanto na kailangan ko nang umalis doon bago pa ako mahuli ng grupo ni Kiryu. Isa sa mga ipinagpasalamat ko, itim ang ipinasuot sa akin kaya hindi halata kung may bahid ba ito ng dugo.
Naghugas ako sa maliit na banyong naroon. Nilinis kong mabuti ang kitchen knife na madali ko na lang mailulusot sa party. Matapos masiguro na wala akong bakas sa silid ay lumabas ako at hinayaang nakabukas ang pinto.
Isa sa mga ipinagpapasalamat ko, hindi gumagamit ng security camera ang tradisyunal na si Kiryu. Iyon din ang isa sa mga rason kaya walang makuhang larawan nito kahit na anong klase ng pag-hack ang ginagawa ni Jonas. Mas naniniwala ito sa mata ng tao kaysa sa mata ng computer.
Nang mapadaan ako sa lounge ay maingat kong naibalik ang malinis na kutsilyo. Bumalik ako sa tabi ni Madonna na tila walang nangyari.
“Bakit ngayon ka lang?” reklamo nito habang sumisimsim ng margarita.
“Sorry! Sumakit ang tiyan ko.”
“Anyway, sakto lang din naman ang balik mo dahil patapos na raw ang meeting nila Kiryu.”
Come to think of it, hindi ko pa nakikita si Talon!
Nagbukas ang pintuan sa pribadong silid na naroon lang sa deck. Isa-isang lumabas ang ilang kalalakihan na nakasuot ng business suit. Hiling ko lang na sana ay walang makakilala sa akin kahit isa sa mga bisita roon.
Lumabas si Talon mula sa loob ng silid na seryoso ang mukha. Ngunit napuna ko ang kasama niyang babae! Agad akong tumalikod matapos itong makilala.
Sht! Bakit siya narito? Akala ko ba ay namatay na siya?
“Ang nag-iisang babaeng iyon ay si Arya Mendez!”
What?
“At ang lalaking katabi niya ay walang iba kung hindi ang asawa niya at boss nating si Kiryu! Ngayon, alam mo na kung sino ang iiwasan mo!”
Tila lumobo na ang utak ko at hindi na naintindihan pa ang mga sumunod niyang sinabi.
Si Talon…
Talon is Kiryu Takayama!